bc

MY HUSBAND IS A BILLIONAIRE

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
arranged marriage
kickass heroine
stepfather
heir/heiress
campus
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

My Husband Is A Billionaire Blurb:Pinalaki si Oceana ng kanyang Lola at pinag-aral kahit hikahos sila sa buhay. Naging madiskarte ang dalaga upang matulungan ang kanyang Lola sa abot ng kanyang makakaya. Hanggang isang araw sy inalok si Oceana na maging private waiter ng ilang mayayaman sa isang party na gaganapin. Pumayag siya dahil malaki ang kikitain niya in just one night. Subalit iba ang nangyari dahil nagising na lamang si Oceana na katabi ang isang lalaki. And worst ang kanyang pinakiingatang kayamanan niya ay nakuha na ng lalaking estranghero sa kanya. What happened that night? Bakit hindi niya maalala ang lahat-lahat ng nangyari ng gabing iyon?

chap-preview
Free preview
C-1: Buhay Madiskarte
Napabalikwas nang bangon si Shana nagdikit ang mga kilay niya dahil nagising siya sa ingay ni Lam-ang. Pasado alas singko na nang tingnan niya ang oras kaya nakasimangot itong tumayo at lumabas ng maliit niyang kwarto. Diretso ang dalaga sa may maliit na punong mangga kung saan naroon ang kanilang mga manok. Pagkalapit ni Shana sa tandang na manok ay agad niya itong sinakal sa leeg kaya hindi natuloy ang pagtilaok sana nito ulit. "Sinabi ko naman sa'yo Lam- ang na kapag linggo medyo late kang titilaok. Aba at napakabingi mong manok ka malapit na talaga kitang itinola ha?!" Duro ng dalaga sa medyo tirik na ang matang si Lam-ang. Kumawag- kawag naman ang manok na para bang gusto nitong makawala mula sa mga kamay ni Shana. "Apo inaano mo na naman ba iyang tandang natin?" Mula sa may bungad ng kusina ay naroon si Lola Pacia na inaaninag ang ginagawa ng dalaga. Gigil na binitawan ni Shana ang tandang at inirapan niya pa ito. "Pasalamat ka sinuway ako ng Lola," aniya. "Korok korok korok!" Ang sagot ni Lam-ang. Umingos naman si Shana. "Sumasagot ka pa talaga ha? Konti na lang sasabawan na kita kasama ang papaya saka dahon ng ampalaya!" Anito at iniwan na niya ang tandang. Pinuntahan naman ni Shana ang kanyang Lola sa may kusina na nagluluto. Niyakap niya ang kanyang Lola sabay halik sa pisngi ng matanda na siyang ikinangiti nito. Natural na malambing ang Apo ni Lola Pacia kaya laking pasasalamat nito dahil napalaki niya nang maayos ang dalaga kahit pa sakitin ito nang maliit pa. "Magkape ka na diyan Apo," sabi ni Lola Pacia kay Shana nang bumitaw ito sa kanya. Ngumiti naman si Shana. "Maraming salamat Lola! Bakit ang aga niyo na namang nagising?" "Ganito na talaga ang tumatanda na Apo," sabi naman ni Lola Pacia sabay abot kay Shana ng ginawa nitong suman kahapon. Takam na takam namang kumuha ng isang hulma si Shana sa suman. Isusubo na sana niya iyon nang biglang umaligid ang alaga niyang pusa at meow ng meow. "Tingnan mo itong si Kulasa tahimik lang diyan kanina sa tabi nakakita lang ng pagkain biglang nagbunganga!" Himutok ni Shana. Bigla ding napasok sa kusina ang alagang aso ng dalaga na pinangalanan niyang Dalisay. "Naku po! Nandito na lahat ng istorbo sa buhay ko Inang! Inumpisahan na ako kanina ni Lam- ang!" Daing ni Shana sabay tampal sa sarili nitong noo. Natawa naman si Lola Pacia sa kanyang Apo na pet lovers. Para na ngang tao kung kausapin nito ang kanyang mga alaga. At sa ibang tao na makakakita sa kanyang Apo ay marahil sasabihin nilang baliw na ito. Subalit para sa kanya normal ang kanyang Apo kahit pa kinakausap nito madalas ang kanyang mga alagang hayop. Para kasi din tao ang mga alaga ni Shana lalo na at nakasunod lang ang mga ito sa mga pinupuntahan ng dalaga. Maliban na lamang kung malayo talagang iniiwan niya ang kanyang mga alaga sa poder ni Lola Pacia lalong-lalo na kapag nasa school ito o kaya nasa trabaho nito. Subalit kahit ganoon ay hinatian naman talaga ni Shana ang kanyang mga alaga. Ganoon talaga ang dalaga kung ano ang kinakain nito ay hinahatian niya ang mga alaga nito kahit walang matira sa kanya. Kaya proud n proud si Lola Pacia kay Shana kahit pa mahina ang ulo nito sa kanilang school napaka- diskarte naman nito pagdating sa trabaho. "Hindi ba malapit na ang exam niyo Apo? Aba ay agahan mo na ang pagre- review mo para pumasa ka ulit!" Naalalang sabi ni Lola Pacia sa kanyang Apo. Napanguso naman si Shana sabay inom sa kape nito at huminga muna nang malalim bago sumagot sa Lola nito. "Okay na sa akin ang pasang awa Lola ang mahalaga makalabas ako sa pinto ng room namin!" Papilisopong sa sagot ng dalaga. "Hay hindi puwede Apo! Iyan na lang ang tanging maipapamana ko sa'yo ang makatapos ka ng iyong pag-aaral." Giit ni Lola Pacia. Ngumiti naman si Shana. "Lola hindi ba sabi ko okay na sa akin ang pasang awa alangan namang hindi na ako lalabas sa pinto ng classroom namin? Saka...makakapagtrabaho pa din ako kahit pasang awa lang. Malay mo Lola magiging mayaman ako isang araw eh 'di puwede na akong mag- aral ulit niyon!" Anito. "Ay hindi. Magtatapos ka ng iyong pag-aaral sa abot ng aking makakaya. Hanggat buhay ako Apo," pagpupumilit pa din ni Lola Pacia. "Ikaw na ang panalo Lola. At hindi na ako makikipagtalo sa'yo magtatapos po ako huwag kang mag- alala!" Taas noong turan ni Shana sabay thumbs up. Natawa na lamang si Lola Pacia pero tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng Apo nito. Maya-maya pa'y naghugas na si Shana ng kanilang ginamit sa pagkakape at pagkain ng suman. Pagkatapos ay naglinis na ito ng buong bahay saka naligo. Nagdilig ng kanilang mga tanim na gulay pati na ang mga halamang namumulaklak. Isinunod din nitong pinakain ang dalawa niyang alagang baboy sa may malapit na papuntang sapa. Madalas doon sila naglalaba at naliligo na din malinis ang tubig ng sapa at may mga nahuhuli ding mga isda. "Malapit ko na kayong ibenta Bornok at Didang. Dapat mabigat kayo para tiba-tiba ako ha? Sorry hindi ko kayo maipagtatanggol sa bibili sa inyo kailangan ko ng pera. Pero ayoko kayong tikman," sabi ni Shana sa dalawa niyang baboy habang kumakain ang mga ito. Doon kasi sa kanila kapag ipinagbili mo ang iyong mga alagang biik may ibibigay ng isang kilong karne ng alaga mo ang buyer. Pero si Shana hindi niya iyon tinatanggap pera kung kinukuha niya at ibinibili niya ng ibang karneng baboy. Ayaw na ayaw niyang tikman ang karne ng kanyang mga alagang biik hindi niya masisikmurang kainin. "Dito na muna kayo at pakakainin ko pa ng damo si Kulafu at Matikas." Pagpapaalam ni Shana sa mga alaga nitong baboy at isinunod niyang pinuntahan ang alaga nitong kalabaw at kabayo. Bale pinaparentahan niya ang alaga nitong kalabaw na si Matikas sa tuwing paghahakot ng mga inaning palay. Ganoon din si Kulafu sa tuwing anihan naman ng mais niya pinaparentahan ito. Ang alaga nitong kalabaw ay naiwan ng namayapa nitong Lolo at ang kabayo naman niya ay regalo ng isa niyang Ninong. Kaya marami ang nakaatang sa mga balikat ng dalaga kailangan talaga niyang magsipag at doble kayod. Kung titingnan ay parang hindi na dalaga si Shana para na itong lalaki sa dami ng mga ginagawa nitong trabaho. Subalit sa kabila niyon ay hindi maikakaila ang kakaiba niyang taglay na kagandahan na pilit nitong tinatakpan at itinatago. Dahil wala pa talaga sa kanyang isipan ang salitang pakikipag- relasyon. Masaya na siya sa kanyang mga alaga sa kanyang Lola..sa kanyang mga sidelines na trabaho. Pero stress na stress naman siya pagdating sa kanilang school ewan ba niya pero isa siya sa mga estudyanteng may pagkapurol ang utak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.7M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
632.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.2M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
870.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
303.9K
bc

Not just, the Beta

read
311.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook