NAKAUPO si Cassius sa kaniyang sariling kama, nakasandal sa headboard at nakatingin sa kawalan habang pinapakinggan ang paghikbi sa kabilang kuwarto. Hatinggabi na at tahimik na ang buong paligid, kaya malinaw niyang naririnig kahit konting ingay. Parang sumisikip ang dibdib niya habang pinapakinggan ang impit na iyak ng kaniyang ampon. Each tiny sob felt like a blade sinking into his chest. Nasasaktan siya habang pinapakinggan ang pag-iyak nito. Gusto niyang tumakbo papasok sa kuwarto nito at suyuin ito katulad ng lagi niyang ginagawa tuwing nagtatampo ito. Pero hindi niya ginawa, mas pinili na lang niyang tiisin. Nang wala na siyang narinig pa ay bumaba na siya sa kaniyang kama at lumabas sa kaniyang kuwarto. Dumiretso na siya sa bedroom ng ampon niya at sandali pang pinakinggan