SUMAPIT ang New Year's Eve, niyaya siya ni Siege na pumunta sa festival, pero tumanggi siya at sinabing mag-house party na lang sila para i-celebrate ang bago taon. Pumayag naman si Siege at agad na tinawagan ang kanilang mga kaibigan. Kaya agad na nagsidatingan ang mga ito na may mga dala pang iba't ibang klase ng alak. Nag-backyard barbeque silang magkakaibigan at nagkasiyahan habang nakabuhay ang music. Pero mga kaibigan lang nila ang masaya, si Lorelei ay hindi. Hindi niya magawa maging masaya. And same with Siege. When the fireworks bloomed above them, she smiled with her lips, but not with her heart. Pinilit niya man ngumiti, ngunit hindi naman umabot ang ngiting ’yon sa kaniyang mga mata na parang malapit na naman maiyak kahit anong pigil niya. Her chest ached with the weight of e