CHAPTER 18

2219 Words

IYAK nang iyak si Lorelei at agad na nagkulong sa loob ng kaniyang bedroom pag-uwi ng mansyon. Kahit kinatok na siya ng mga katulong para dalhan ng pagkain ay hindi niya pinagbuksan ng pinto at tinaboy lang ang mga ito. Naghintay siya buong magdamag habang hindi na matigil-tigil ang kaniyang pag-iyak. Akala niya ay uuwi agad si Cassius para suyuin siya katulad ng lagi nitong ginagawa tuwing nagtatampo siya. Pero wala, hindi ito umuwi. Ni kahit tawag sa phone o text man lang sa kaniya ay hindi nito ginawa. Hanggang sa inabot na lang ng umaga ang kaniyang paghihintay at mugtong-mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Hindi siya makapaniwala na natiis siya nito kahit na nasigawan siya at nasabihan ng masakit na salita. Mas lalo siyang nasaktan dahil sa hindi nito pag-uwi para suyuin siya,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD