NASA isang fancy restaurant na sila at kasalukuyan nang nagla-lunch. Patingin-tingin si Lorelei sa kaniyang daddy na tahimik lang habang kumakain. Gusto niyang magsalita para kausapin ito, kaya lang pinagbabawalan naman siya nitong magsalita kapag kumakain.
Isa sa mga rules nito na bawal magsalita habang kumakain at bawal din humawak ng cellphone. Dapat kapag kumakain ay kumain lang hanggang sa matapos.
But no, kailangan na niya itong kausapin tungkol sa school na dapat ay ito ang pumunta, hindi ang secretary na naman nito ang uutusan. Sinabi pa naman ng guidance counselor na parents ma dapat, bawal na ang secretary lang.
“Daddy, puwede po bang—”
“Stop talking while eating,” he cut her off.
Hindi niya mapigilan ang mapasimangot. Sabi na nga ba’t bawal magsalita.
Pero siyempre nagsalita pa rin siya.
“Ano ka ba naman, Daddy. Masarap magkwentuhan habang kumakain. Ang boring kaya kapag tahimik lang, para tayong may sariling mundo.”
Sa kaniyang pagsuway ay isang seryosong tingin na ang binigay sa kaniya ni Cassius. Pero hindi ito sumagot, at matapos siyang bigyan ng seryosong tingin ay pinagpatuloy na muli ang kain.
Pero dahil makulit siya, muli pa rin siyang nagsalita.
“Daddy, gusto ko nang magkaroon ng Mommy.”
“Kung anu-ano na lang ang mga pinagsasabi mo. Stop talking and just eat,” sita nito sa kaniya.
Ngunit dumaldal pa rin siya.
“I'm serious, Dad, gusto ko na talaga magkaroon ng Mommy para complete and happy family na po tayo.”
Doon na napahinto si Cassius at muli siyang tiningnan, pero this time ay nakakunot na ang noo nito.
“Bakit, malungkot ka ba buong buhay mo at naghahanap ka pa ng kasiyahan?” tanong nito na parang hindi na nagustuhan ang kaniyang mga sinasabi.
Bahagya naman siyang napakagat sa gilid ng kaniyang labi. “Hindi naman gano'n, Dad. I just think... it would be nicer if I had a mom, too. Someone to call 'Mommy,' katulad ng iba. Someone who could take me to school sometimes.”
Ngunit dahil sa kaniyang sagot ay mas lalo lang nagsalubong ang mga kilay ni Cassius sa kaniya.
“You want a mommy?” he asked, parang hindi na maipinta ang ekspresyon dahil sa pagkunot ng noo.
“Yes po, Dad,” she replied with a quick nod.
Namayani ang katahimikan.
Napatitig sa kaniya si Cassius, klase ng titig na ubod na ng seryoso.
“Hindi ko ba naibibigay ang mga gusto mo at naghahanap ka pa ng Ina? Am I not enough for you? Am I not a good dad?”
Bahagya naman umawang ang labi niya sa sagot nito.
Damn.
“Of course you're a good dad. Pero hindi naman po gano'n ang ibig kong sabihin, Daddy—”
“Enough. Stop talking and eat.”
“But, Dad—”
“I said... stop talking, Lorelei.”
The way he uttered her name sent a shiver down her spine. She knew there was no arguing with him now.
Swallowing her frustration, she lowered her head and quietly finished her meal.
Hindi na niya nasabi pa ang tungkol sa guidance counselor.
Hanggang sa tuluyan na silang natapos mag-lunch nang tahimik at lumabas na ng restaurant.
“Mauna ka nang umuwi, may tatapusin pa ako sa opisina. Baka mamaya pa sa gabi ang uwi ko,” Cassius said before getting into his car, not even waiting for her response.
Napasimangot na lang si Lorelei at napatingin na sa kaniyang personal driver nang pagbuksan naman siya ng pinto ng kotse. With no other choice, she got into the car and headed home.
When she arrived at the mansion, she went straight to bed. Natulog na lang siya na may pagtatampo sa kaniyang daddy.
Paggising niya ay hindi pa rin ito nakakauwi.
Pero sanay na rin siya sa daddy niya. Madalas ay gabi na kung umuwi, maaga na yata ang alas nuebe. Kaya madalas ay tulog na siya kapag umuuwi na ito, dahil may rules din ito sa kaniya na bawal siyang magpuyat. No staying up late, no unnecessary distractions. Study time was reserved for Saturdays and Sundays. Going out? Strictly forbidden. Even when friends or classmates invited her, the answer was always no.
Gano'n ka-strict ang kaniyang daddy. Nakakapag-shopping naman siya kung kailan niya gusto dahil ini-spoil naman siya pagdating sa mga material na bagay, pero tanging mga katulong at driver lang ang kasama niya kapag nagsa-shopping. Dati ay madalas naman siyang samahan ng daddy niya sa lahat, at hindi pa ito sobrang strict sa kaniya nung hindi pa ganap na CEO ng Limca Group. Pero ngayong busy na ito sa trabaho ay nagbago na, nagiging mahigpit na.
Pero siyempre naiintindihan naman niya ang pagiging mahigpit nito, nagiging over protective lang ito sa kaniya.
Ever since Cassius' parents died in a car accident six years ago, he had buried himself in work.
Mabait sa kaniya ang mommy nito at lagi siyang hinahatid sa school noong nasa elementary pa lang siya. That’s why she was never bullied for not having parents or for being an illegitimate child. She also called his mom “Mommy” and his dad “Daddy”. Kaya sobra siyang nalungkot nang sabay na mawala ang mga ito dahil sa aksidente.
Kung sana narito lang ngayon ang parents ng kaniyang daddy—malamang hindi siya mapapaaway ulit ngayon sa school, malamang may maipagmamalaki rin siyang parents katulad ng iba.
Pero wala. Ang daddy lang niya ang parents niya ngayon. Pero hindi naman siya magawang puntahan sa isang school dahil sa pagiging busy lagi sa trabaho.
“Magandang gabi po sa inyo,” walang buhay niyang bati sa mga katulong pagkapasok ng dining room para makapag-dinner na.
“Magandang gabi rin sa 'yo, hija,” sagot ng mayordoma. “Pumunta pala rito ang pinsan mo kanina, kaso tulog ka.”
“Sino pong pinsan?”
“Ang Kuya Siege mo.” Nilapag na nito sa harap niya ang isang medium box. “Heto oh, dinalhan ka ng paborito mong wagashi.”
Napahinto naman siya at napatingin sa box. “Cute po ba ang design?”
Agad na binuksan ng mayordoma ang box. “Ang mommy raw niyang Japanese ang gumawa niyan para sa 'yo.”
Namilog na ang mga mata ni Lorelei nang makita ang design. “Wow, ang cutie naman po niyan, Manang! I love it!”
Napangiti naman ang matandang mayordoma. “Oo, dahil alam niya na hilig mo kunan ng litrato ang mga cute na pagkain.”
Napangiti na si Lorelei at parang nakalimutan na ang pagtatampo sa kaniyang daddy.
“Sige po, Manang, pakidala na lang sa kuwarto ko. Mamaya ko po kunan ng pic at kainin. Binigay ko rin po kayo para matikman niyo kung masarap.”
Natawa na lang ang mayordoma. “Oh, Sige po, ma'am.”
Masigla na siyang kumain ng dinner kahit mag-isa lang. Sanay na rin naman siya, dahil mula nang maging busy ang kaniyang daddy sa mga negosyo ay bihira na sila nito magkasabay kumain. Nagsasabay lang sila kapag pinupuntahan niya ito sa opisina nito at kumakain sila sa labas katulad kanina.
Matapos niyang mag-dinner ay bumalik na siya sa kaniyang bedroom at kinunan nga ng litrato ang wagashi na bigay sa kaniya ni Siege, pamangkin ng kaniyang daddy.
Siege was the son of her dad’s eldest sibling. He was already in college, just two years older than her. Madalas siya nitong bisitahin kapag walang pasok.
After taking a photo of the wagashi, she immediately posted it on her social media accounts and tagged Siege.
Once she finished posting, she called him via video call.
“Hello, Kuya Saige!” she greeted, waving excitedly.
Parang katatapos lang nitong maligo dahil nakita niyang tumutulo pa ang tubig sa maiksi nitong buhok.
“Hi, princess,” ngiti naman nitong bungad sa kaniya. “Himala at tinawagan mo ’ko.”
“Well, I just wanted to thank you for the wagashi, kuya. It’s super cute! I love it! I already tasted it, and it's really delicious. I’ll give some to Daddy later when he gets home.”
Siege chuckled. “Huwag mo nang bigyan pa si Tito, solohin mo na lang. It’s really for you. Ni-request ko pa 'yan kay Mommy para masarap ang pagkakagawa at maganda ang design.”
Natawa naman siya. “Ang kuripot mo naman, kuya. Hindi ko naman ’to kayang ubusin. Kaya bibigyan ko si Daddy, kasi gusto rin niya 'to. Favorite namin ’to pareho.”
“Uubusan ka lang ni Tito, sweetheart. By the way, let’s watch a movie this weekend. Ipagpapaalam kita kay tito.”
“Sure,” she agreed without hesitation.
Her dad always allowed her to go out with Siege, but with others, he never did. He was too protective, always worrying about her safety.
“Alright, sweetheart, I’ll pick you up this coming Saturday. Tsaka di ba, gusto mong pumunta sa beach? Let’s visit Dad’s new resort. It’s really beautiful there.”
She couldn’t hide her excitement. “Sige po, kuya! I’m so excited! Magpapaalam na ako agad kay Daddy mamaya pag-uwi!”