WHEN they arrived home with their daughter, Lorelei didn’t waste a second. Pumasok siya diretso sa kitchen at kumuha ng ice pack and pressed it against her chest, still wearing Cassius’s oversized polo shirt. Nakasunod naman si Siege sa kaniya hanggang sa naupo siya sa living room. Nagpumilit na itong tingnan kung malala ba ang pagkapaso sa kaniya. “Come on, don’t be shy. Nagsusuot ka nga ng damit na labas ang cleavage at naka-two-piece lang tuwing pumupunta tayo ng beach. Kaya bakit ka mahihiya pa sa akin ngayon? Hindi naman kita mamanyakin, at fiancé mo naman ako,” wika ni Siege na alalang-alala na sa kaniya. Kaya naman hinubad na lang niya ang suot na polo at tanging bra lang ang itinira. “It's red, Mommy,” singhap na puna naman ng kaniyang anak na si Jessi nang makita ang pamumula