NAGHINTAY si Lorelei sa pagbalik ng kaniyang daddy na sumama sa mga pulis sa presinto for questioning dahil sa nangyari sa principal. Hindi niya mapigilan ang mabalisa at maiyak sa labis na pag-aalala. Agad din niyang tinawagan si Siege para ipaalam dito ang nangyari. Hindi nagtagal ay dumating naman si Siege sa mansyon. “Kuya Siege, kinuha ng mga pulis si Daddy! Baka ikulong nila si Daddy ko!” naiiyak niyang salubong agad kay Siege pagkapasok nito. “Huwag ka nang mag-alala pa, pumunta na si Daddy sa presinto,” Siege said calmly, pulling her to sit on the couch. “Pero ano ba talaga ang nangyari?” He cupped her face and gently wiped the tears from her cheeks. “Bakit dinampot ng mga pulis si Tito? What exactly happened?” “I don't know, kuya. Nasa labas kasi ang mga pulis kanina kaya hi