Pagdating niya ng school ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang nadatnan nang maabutan niya ang kaniyang anak na kasalukuyang pinagsasabihan ng isang babae na ina ng batang nakaaway nito. “Mommy, kumalma lang po tayo. She's a child, ako na ang bahalang kumausap sa kaniya. Hindi niyo siya kailangan pagalitan,” pilit na pakiusap ng teacher sa mahinahon na boses. Pero hindi nagpatinag ang babae. “Apologize to my daughter now!” sigaw nito kay Jessi na ngayon ay parang konting-konti na lang ay maiiyak na habang nakayuko at pisil-pisil na ang mga nanginginig na kamay nito. Parang nanginig bigla ang laman ni Lorelei sa naabutan. “No, my daughter will not apologize!” she shouted as she entered the classroom. Napalingon naman sa kaniya ang babae at teacher. “Mommy!” pagtawag ng kaniyang anak