NAGMATIGAS pa siya nang isakay siya ni Cassius sa kotse nito para dalhin sa mansyon nito at doon na lang daw magbihis, pilit siyang tumanggi at nagawa pang magpumiglas, pero sa huli ay wala siyang nagawa kundi sumama na lang nang patakbuhin na nito ang kotse. Nagpaalam na lang siya kay Siege sa text message, pumayag naman ito at sinabing tumawag lang siya kapag magpapasundo na. Pagdating sa mansyon ay agad na nasurpresa ang mga katulong nang makita siya. They welcomed her with a warm smile. “Maligayang pagbabalik, ma'am,” masiglang wika ng mga ito sa kaniya. Ngumiti na lang siya ng tipid. “Just passing through. I’m not staying,” she said coldly, then turned and made her way up the stairs without another word. When she stepped into her old bedroom, she froze. Everything was exactly a