MATAPOS umalis ni Cassius nung gabing iyon ay agad na rin silang nagpaalam ni Siege sa parents nito na parang shock pa rin at hindi alam kung ano ba dapat ang sabihin sa kanila lalo na't may mga bisita sa paligid. Masaya si Siege nang makauwi na sila, pero si Lorelei ay parang hindi na mapakali ang isip niya, dahil pakiramdam niya ay isang malaking kahihiyan sa pamilya ang ginawang pag-propose sa kaniya ni Siege na siyang hindi niya lubos na inaasahan. Talagang nagulat siya sa totoo lang. Hindi niya aakalain na magpo-propose ito sa kaniya sa harap mismo ng lahat. Nung nasa Australia pa sila ay totoong nakatatlong propose na ito sa kaniya. The first time was during one of the hardest moments of her life — when she found out she was pregnant and didn’t know what to do. Iyak siya nang iyak