T I N A
Pagkatapos naming magusap ni sheena, nakahinga nako ng maluwag. Wala pa sana akong balak na sabihin sa kanya na namatay na si nanay dahil sa kalagayan niya pero nung nakita ko sa mga mata niya na umaasa, doon na ako tuluyang nagsalita.
Alam kong naaapektuhan siya ng husto sa nalaman niya, at alam ko rin na sisisihin niya ang sarili niya dahil sa nangyari pero para sakin wala siyang kasalanan.
Karapatan niyang tumakas sa mala-impyernong buhay niya.
Ang may kasalanan dit, ang mga taong sakim. Pinatay nila si nanay ng walang kalaban laban.
"Makakamit din natin ang hustisya na para satin" sambit ko sa kanya.
At hinaplos ko ang buhok niya.
Walang buhay siyang nakatingin sa kisame pero may mga luhang tumutulo sa mga mata niya.
Napaiwas ako ng tingin at iniwan ko naman siya ng mag-isa, dahil ramdam kong gusto niyang mapag-isa ngayon kaya lumabas nako ng silid.
Naupo na lang ako sa upuan sa may labas at napasandal na lang ang ulo ko sa dingding.
Ngayong nasisiguro ko na okay na si sheena, hindi ko na alam kung ano nang gagawin ko o gagawin namin.
Naguguluhan at nalilito nako.
Hindi ko alam kung sino ba talaga si sheena.
Maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Parang gusto ko na lang magpahinga at maging mapayapa ng kami lang dalawa ni sheena.
Masyado na kami nakakaabala sa mga ezrael, parang ayokong pati sila madamay pa.
Alam ko kung anong pwedeng gawin ng mga karlos lalo na't kapag nalaman nila na tinatago nila kami.
"Tina! Tina!"
Napalingon ako kay aphrodite na tumatakbo papunta sakin.
"Bakit nag-mamadali ka?" Takang tanong ko sa kanya.
Hinila naman niya ako papasok sa loob ng silid ni sheena.
"Nandyan ang mga karlos! May nag-timbre sa kanila na nandito sa hospital si sheena!" Natataranta niyang sambit sakin.
Nanlaki ang mga mata ko na nilingon si sheena na nakatingin na samin pero halatang kinakabahan siya.
"Sheena?! Bilisan natin! Dadaan tayo sa fire exit at tataguan ang mga cctv!" natatarantang sambit ulit ni aphrodite.
Nilapitan ko si sheena at inalalayan ko siyang matayo, nabigla pa ako ng hilahin niya ang nakatusok sa kanya.
"Sino nag-timbre? Yung doctor kanina?"
Umiling si aphrodite sakin.
Kung hindi siya..
Sino?
"Wala na si doc guillermo, pagka-tapos natin na makausap siya kanina, aakyat na sana siya sa rooftop para salubungin ang chopper namin ng bigla na lang siyang bumulagta.." natatarantang sambit ni aphrodite.
A-Ano?
Kung ganon, patay na siya?
"Baka alam na rin ng mga karlos na sa-inyo kami ngayon?" Umiling si aphrodite habang nililigpit niya yung mga gamit na pinagamit nila kay sheena.
"Mamaya ko na iku-kwento! Ang importante makaalis tayo ngayon!" nagmamadaling sambit niya.
"Im done! Lets go!"
Tumango ako sa kanya at inalalayan ko si sheena na namumutla na.
"Kaya mo pa ba sheena?" Tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya sakin, kaya inalalayan ko na siyang mag-lakad at sinundan namin si aphrodite na sumisilip sa pintuan pagka-tapos lumingon siya samin.
"Walang ta, tara na!"
Nauna na siyang lumabas kaya sinundan namin siya habang inaalalayan ko si sheena na parang nanghihina na.
"Kayanin mo pa sheena, kayanin mo" bulong ko sa kanya.
Walang lakas na nginitian lang niya ako.
Pagka-labas namin ng silid nagtingin tingin pa ako sa paligid baka biglang dumating ang mga karlos.
Nang masigurado namin na walamg tao sa hallway maliban saming tatlo, nag-madali na kaming dumaan sa fire exit habang tinataguan namin ang mga cctv.
Sa sobrang ka-desperadahan ng mga karlos na mahanap kami ni sheena, gagawin nilang lahat na mahuli kami at ibalik kami muli sa impyerno.
"Nako po sheena! Nasan naba kasi si kuya vanni?! Sabi niya susunod siya sakin mga 10 minutes!" Rinig kong reklamo ni aphrodite habang nakasandal kami sa pader at hinihingal.
"Damn it! Humanda sakin ang nag-timbre na yon!" inis na sambit ulit ni aphrodite at naglakad siyang muli, inalalayan ko naman ulit si sheena at nagmadali na kaming bumaba ng hagdan habang sinusundan namin si aphrodite.
"s**t!" mahinang sigaw ni aphrodite kaya napahinto kami ni sheena.
"Fvck! Nandyan ang ibang tauhan ng mga karlos! Damn it! Kuya vanni help us!" Natatarantang sambit ni aphrodite na nagpangamba saming dalawa ni sheena.
Halos panghinaan kaming tatlo, lalo na si sheena, ramdam ko parin ang takot at panghihina niya.
"Dito muna tayo!"
Turo niya sa isang maliit na pintuan at walang anu-ano'y binuksan niya ito at pinauna niya kaming pinapasok bago siya sumuno, iniwan lang niya ng konting siwang ang pintuan.
Napaupo naman ako at inalalayan ko si sheena na pasandalin sa pader dahil putlang putla na siya sa daming dugo na nawala sa kanya.
"Fvck! Dito lang kayo okay? Babalik ako" sambit ni aphrodite samin.
Pinigilan ko naman siya sa balak niya dahil hindi niya kakayanin ang mga tauhan ng mga karlos.
Mga sanggano yung mga yon halatang nananakit ng tao mapa-lalaki man o babae.
"Don't worry tina girl, isa akong Ezrael. Hindi nila ako mapaghihinalaan" paniniguro niya sakin.
"pero.."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hawakan niya ako sa kamay.
"Mabilis lang ako, hindi tayo makakaalis agad dito dahil maraming tauhan ang mga karlos na nandito ngayon, basta ang importante ligtas kayong dalawa" nakangiting sambit niya sakin.
At luminga siya sa paligid bago may kinuhang mga damit ng isang janitress ata.
"Kapag hindi agad ako nakabalik, suotin niyo'to at iwasan niyo ang mga cctv okay?"
Tumango ako sa kanya at kinuha na ang inabot niya saking mga damit.
"Paglabas niyo sa huling fire exit, nandon na ang sasakyan ni kuya vann, sumakay kayo agad don pero wag kayong magalala tinted ang sasakyan na yon kaya hindi kayo makikita. Doon niyo na lang kami hintayin.." sambit sakin ni aphrodite.
Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya.
"Magiingat ka" nagaalalang sambit ko sa kanya.
Nginitian niya ako at tumango, bago pa siya makalabas may narinig pa kaming ilang mga yabag at mga boses.
"Hanapin natin! Mayayari tayo kay boss!"
"Nasan naba kasi yung babaeng yon?! Pahirap siya! Dapat sa kanya namatay na lang eh!"
"Oo nga! Tayo tuloy ang pinapahirapan! Hindi ko pa naman siya nagalaw tsk!"
Napakuyom ako ng kamao at ganun din si aphrodite ng marinig namin ang mga tauhan ng mga karlos!
Dapat sila ang mamatay!
Wala silang alam sa mga pinagdaanan ni sheena!
"Tatandaan ko ang mga mukha nila! At ipapahuli ko sila kay kuya vanni!" Gigil na bulong ni aphrodite habang nakasilip sa siwang ng pintuan.
Nang wala na kaming naririnig na boses at mga yabag, tumayo na si aphrodite at pinagpagan niya ang dress na suot niya.
"Lalabas nako, mag-iingat kayo. Don't worry im the best actress!"
Kumindat muna siya bago marahan na lumabas at sinarado ang pintuan kaya napasandal na lang ako sa pader.
"N-Natatakot a-ako,"
Napalingon ako kay sheena na nakapikit habang lumuluha kaya nilapitan ko siya at pinahiga ko siya sa balikat ko.
"A-Ayoko nang bumalik sa kanila, a-ayoko nang masaktan ulit.." lumuluhang sambit niya.
"N-Nang m-marinig ko ang apilyidong kinatatakutan ko, parang bumalik ang lahat sa alaala ko ang mga ginawa nila. A-Ayokong maranasan ulit yon.." Kinakabahang saad niya sakin.
Hinaplos ko naman ang ulo niya.
"Hindi na mangyayari yon okay? Nangako ako kay nanay na hahanapin kita at aalis tayo dito para lumayo sa impyerno.." bulong ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita at tahimik na lang na umiyak siya.
"Magiging okay din ang lahat.." bulong ko sa kanya.
Sigurado akong matatapos din ang lahat ng ito.