bc

The Heartless

book_age18+
6.1K
FOLLOW
23.7K
READ
love-triangle
forced
drama
tragedy
highschool
childhood crush
lonely
intersex
friends
selfish
like
intro-logo
Blurb

THE HEARTLESS

Blurb

ALTAMONTE SERIES: Clarke Jameson Altamonte

Amanda Carlin Castillejo, secretly in love with her best friend's fiance, Clarke Jameson Altamonte who happened to be a family friend.

Isa lang ang nasa isip niya noong mga panahon na engaged na ang dalawa. Ang pikotin si Clark at pilitin ng mga magulang nito na pakasalan siya.

Clark hated her guts but she will do anything to have his forgiveness lalo na nang malaman niyang may taning na ang kanyang buhay. To barrow a temporary happiness maybe isn't that bad, she will return it eventually. You can call her seflish

but atleast she will be able to save Clark from her manipulated best friend.

Will her desperate move lead to a happy ending? Or worst it will become a nightmare of her

life?

=======================

Copyright © 2019 by Ann Collins

All Rights Reserved.

Any unauthorized reprint or use of this material is prohibited. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without express written permission from the author.

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

chap-preview
Free preview
1-Ultimate Crush
"Earth to Amanda Carlin!" "Shit!" Naitakip ko kaagad ang kamay ko sa aking bibig. "Ops! Bawal ang magmura." Napaurong ang dila ko. Imbes na magsalita ay itinikom ko na lamang ang aking bibig. Para akong nahipotismo sa ka-gwapuhang taglay ng lalaking kaharap ko. Kung pwede ko lamang ikulong ang aking sarili sa mga bisig nito ay gagawin ko. Ngunit hindi pwede. He's my ultimate crush. Nakaka-aliw pagmasdan ang maamo nitong mukha na nagtataglay ng kakaibang karisma. Ewan ko ba! Kung bakit ba naman lihim akong baliw na baliw sa lalaking 'to. Sana, nauna ko sya'ng nakilala kaysa kay Freya. Sana, kami ngayon ang masaya. Alam kong mali ang iniisip ko, but what can I do kung ganito ang epekto nito sa akin? If there's any man to make me feel what I felt for him, hindi ako magkakaganito kay Clarke. He's my best friend's boyfriend and yet here I am secretly, deeply and madly in love with him. Ang unfair ng buhay, bakit sa ganito pa kaming pagkakataon pinagtagpo? Naiinis din ako sa puso ko, bakit sa kanya pa kasi tumibok ito? "You staring." "Of course, I'm not! Assuming 'to" i lied. Napakurap ako. Halos ipanalangin kong lumubog na lamang sa kinauupuan ko. "A-ano bang ginagawa mo rito?" I cursed myself in silent. Nakakahiya! "Si Freya, bakit hindi mo kasama?" Umiwas ako ng tingin. Mataman kong pinagmasdan ang mga naglalaro sa field ng university. May nagbabadminton, volleyball at yung iba naka-upo lang sa damuhan dahil maganda ang panahon. Hindi nakalabas ang haring araw marahil nagtatago sa makapal ngunit maliwanag na ulap sa kalangitan. "May kailangan daw siyang gawin e." Narinig kong bumuntong hininga ito. Hindi na ako bumaling sa kanya. Diretso pa rin ang tingin ko sa masasayang tawanan di kalayuan sa pwesto namin. May mga sumisigaw at nagche-cheers. Napangiti ako ng wala sa loob. Noon magksama kami ni Freya para i-cheers si Clarke sa basketball team. MVP si Clarke, matalino at mabait. At ang daming naiingit sa kaibigan ko kasama na ako. Pero syempre sa sarili ko na lamang iyon. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Freya dahil lamang sa iisang lalaki. But thinking of what she did this past few days ago makes me feel irritable. Lalo na't palagi sya'ng hinahanap ni Clarke sa akin. Nagi-guilty na rin ako. I don't want to be the reason na mag away sila. Maybe I should let Clarke learned what his girlfriend really doing kapag hindi sila magkasama. Kahit patay na patay pa ako sa kanya, ayoko pa rin silang magkasira though it's really unfair to his side. I shook the thought off from my mind. "May sinabi ba siya kung ano ang gagawin niya? I've been texted and called her many times but she didn't answer it." "Baka sobrang busy lang. Kita mo mamaya-maya, tatakbo na yun nang nakangiti papunta rito." "I hope so." "Wala ka bang practice sa gym?" Naramdaman ko ang presensya nito sa tabi ko. Biglang nanuot sa ilong ko ang lalaking-lalaking bango nito. I stopped myself to stare at him. Pilit kong pinapakalma ang nagwawala kong puso. "Mamaya-maya pa. 4PM. Ikaw bakit mag isa rito?" Natawa ako ng pagak sa tanong niya. "As if my mga kaibigan pa ako bukod kay Freya." "Sabi ko nga." Natatawang sagot niya. I hide a secret smile. "Bakit hindi ka pa naghanap ng boyfriend, nang sa ganoon makapag-double date na tayo." This time, lumingon na ako sa kanya. "Ikaw pa talaga ang nag suggest ha?" Natatawang sagot ko. "hindi po hinahanap ang boyfriend, kusang darating ang taong nakalaan para sa'yo, sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Hindi kailangan magmadali dahil minsan sa kakamadali mo, eh, sa maling tao pa ang bagsak mo." "You think so?" I shrugged my shoulder. "Yup!" I said with a high confidence. "So, how about crush? May crush ka ba rito sa campus?" Hay, Clarke! Kung alam mo lang, but I don't wanna give him a hint to notice me. Tama na sa'kin ang mahalin siya sa ganitong paraan. At least malaya akong mapagmasdan siya kung kailan ko gusto. Kunting ingat nga lang. Mahal ko ang best friend ko at pati pagkakaibigan namin. "Oo naman, normal kaya ako!" He laughed. I froze and got amazed by his soft and so manly laughters. "I'm sorry, I just can't help." "No, its okay. Sige lang, pagtawanan mo lang ako." I Kidded Tatawa tawa pa rin ito habang iiling-iling. "Truly, I'm sorry." "Fine, you're forgiven if-" I cut my words. Nakangisi itong tumingin sa akin. Obviously, hinihintay ang sunod kong sasabihin. "If?" He asked "If you buy me an ice cream and I like chocolate flavor." Sabi ko na sinamhan pa ng action sa hangin. "Alright, your highness. Your wish is my command" Kasabay ng pagtayo nito at bahagya pang yumuko, upang magbigay galang daw. Pinanood ko siya habang naglalakad papuntang canteen. Napangiti ako, how I wish na parati kaming ganito. Ngunit hindi maaari dahil batid ko sa aking sarili na mayroong hangganan ang lahat ng kabaliwan ko. Masarap mangarap pero masakit kung iisipin, he's near yet so far. Maganda naman ako sabi ng mama ko. Sexy sabi ng papa ko at matalino rin sabi ng best friend ko. Pero bata pa naman ako, kaya easy-easy lang muna. Hanggang nakaw tingin na lang muna kay mahal. Sana lang, mabura na itong nararamdaman ko sa susunod na buwan o taon. It's unhealthy for my heart and lungs, syempre kapag nakikita kong sweet as sugar sila nasasaktan ako. At kapag nasasaktan ako, naninikip ang dibdib ko. Mahirap huminga, parang kinukulang ako sa hangin. Nakuha ng pansin ko ang masayang tawanan ng isang grupo ng kababaihan na nakasalampak din sa damuhan kagaya ko. Ang saya nila, parang hayahay lang at walang problema hindi katulad ko. Sana kasama ko rin ngayon ang best friend ko. Masaya rin sana kaming nagtatawanan over nonsense na kaming dalawa lang ang nakakaintindi. "Ouch!" "Ha ha! Sorry your highness." "Pasalamat ka ice cream 'to, at paborito ko, dahil kung hindi malamang may bukol kana ngayon." "Such a brutal, your highness." "Hmp!" I averted my gaze hindi ko kayang salubungin ang paraan ng pagtitig nito. Binuksan ko ang inabot nya'ng ice cream, in fairness hindi naman ako gutom. Natatakam lang talaga. Kaagad ko iyong nilantakan, wala na ako ng pake sa katabi ko, 'wag niya lamang akong isturbuhin baka mabigla ang kaliwa kong kamay at mabilaokan siya, kasalan ko pa pagnagkataon. "May dumi ka." "Ha?" Napalingon ako sa kanya. Saktong itinaas nito ang kamay at pinahirap ng daliri ang gilid ng labi ko. Napamura ako ng lihim, dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Tila ng slow motion ang lahat,pati kapaligiran dahil lamang sa pagdampi ng daliri nito sa'king bibig. I saw him swallowed hard. Ilang minuto pang nanatili ang kanyang daliri sa bibig ko. Para akong malulusaw sa paraan ng kanyang pagtitig, nang hindi na ako makapagpigil ay bigla kong inilayo ang labi ko sa daliri niya at noon lang din ito natauhan. Tumikhim ito, "Ang dumi mong kumain." Kaswal nya'ng reklamo na tila walang may nangyari. Wala naman talagang nagyari, assuming ka lang, 'te." Sinimangutan ko siya. "Hmp! Pake mo ba? Wag ka nga mangialam baka mamaya hingin mo pa 'tong akin!" "Tss! Hindi ako kasing takaw mo." He chuckled. "Aba't! Hindi ako matakaw!" "Ows?" Napangiti ako, parang mga bata lang kami na nagtatalo over nonsense. "Oo,naman! sabihin mong matakaw ako, walang maniniwala sa'yo." "really?" He raised his eyebrows. "Yes!" I exclaimed "How can you be sure?" "Because I'm sexy!" "Oh! now I know." Umismid ako. Yun lang yung reaksyon niya? "Thank you, ha? Hindi mo man lang ako pinuri kahit pakunwari lang." Sarkastikong sabi ko. Sa gilid ng aking mata tapos na itong kumain, nilalaro nito ang balot ng ice cream sa kamay. Kapagkuwan ay tumayo ito, akala ko ay aalis na siya ngunit hindi pala dahil itinapon lamang nito ang papel sa busurahan. Nagkunwari akong abala ang aking mga mata sa mga naglalaro habang patuloy na ngumangatngat. Hindi na ako muli nagtangka pang tumingin sa gawi niya. "You are beautiful and sexy in your unique way." Bigla akong napalingon. Seryoso itong nakatitig sa akin. "Nasobrahan ka naman yata, sang-ayunan mo lang ang sinabi ko ayos na yun!" I Kidded, just to kill the awkwardness I have slowly felt. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mapupulang labi. Aw! And I have to swallow the invisible lump in my throat. Feeling ko biglang nanuyo ang lalamunan ko. Ngiti pa lang ulam na, mabubulunan pa ata ako. "Finish your ice cream it's melting." "Ramdam ko nga." Mabilis kong isinubo iyon. Tumutulo na kasi sa kamay ko. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Pareho naming pinapakiramdaman ang isa't-isa. Natawa ako ng mapait sa isipan ko, boyfriend siya ng best friend ko ang dapat na gawin ko ay dumistansya at iwasan siya. Ngunit hindi ko magawa, alam kong mas lalo lamang akong mahihirapan kung palagi kaming ganito. Pero ano nga ba ang magagawa ko? "May tanong ako, 'wag mo sanang masamain." Basag ko sa katahimikan. "What is it?" Ang mga mata namin ay parehong nakapukos sa field. "Bakit mo minahal si Freya?" A moment of silent for awhile. "When you love someone, there's no exact explanation. Because your heart choose to beat with that person, hindi namimili ang puso kung sino ang mamahalin nito..." a genuine smile form on his lips, "siguro noong mga panahon na stalker ko pa siya...mga panahon na nag-iipit siya ng mga love letters sa locker ko, ay minahal ko na talaga siya." Gusto ko sanang sabihin sa kanya na sa akin galing ang mga love letters na iyon, yung stalker na yun, ako 'yon eh. I was so stupid that time na hindi kayang aminin sa kanya ang totoo. Binalot ako ng kahihiyan. Kaya ang buong akala niya ay si Freya ang gumawa nun, dahil minsan niya itong nahuli na naglalagay ng sulat sa locker. I don't know exactly the story behind it, kung bakit naglagay din ng sulat si Freya sa kanyang locker. Ang alam ko, Clarke confronted Freya at inamin nga ng babae na siya raw ang naglalagay ng mga sulat doon. I shut my mouth up, gusto kong umiyak noon. She lied. Hindi ko alam kung may idea si Freya na ako ang babaeng yun. Nanahimik ako, until one day I saw them together, getting to know at hanggang ipakilala siya sa'kin ni Freya. Masakit dahil sarili kong kaibigan, trinaidor ako. Siguro nga wala din sya'ng kaalamalam na ako ang babaeng karibal niya sa lalaking mahal niya. Mula noon, kahit masakit natutunan ko na rin tanggapin. Freya's happiness is more important than mine. Handa naman akong magparaya, magtatlong taon na rin sila ni Clarke. Parang kailan lang, nakakapanghinayang... pero ok lang at least masaya ang kaibigan ko. Alam ko ang noon ay hindi na katulad ngayon. Nagsisinungaling na si Freya. Hindi man nito sabihin sa'kin ng diretso hindi naman ako bulag para hindi malaman kung ano ang ginagawa niya. She's cheating on him. I accidentally saw her, hugging with another guy outside the campus last 2 days ago. Kung pwedi lang sugurin at komprontahin siya ay ginawa ko na. She's a good actress, expert in hiding fishy activities. But then, I won't let her down, she's my best friend after all. "Tara!" Hinila ako patayo ni Clarke. Kasing bilis ng kidlat ang init ng kanyang palad na dumapo sa kamay ko papunta na yata sa puso ko. "S-saan?" "Alas kwatro na, may practice ako sa gym. Since wala si Freya,ikaw ang magche-cheer sa akin." Nakangisi nya'ng sabi. "At ginawa mo pa akong substitute, ha?" "Kinda." He winked. Para naman akong bata na sobrang kinikilig dahil nakaholding hands si crush. "Ano'ng makukuha ko rito?" "Ice cream ulit, mamaya." "Really?" Nanlaki ang mga mata ko. He laughed. Kinuha niya ang bag ko. At hinila na ako paalis sa field. "Really." He's grinning, handsomely. Aw! This is heaven! Sige lang Carlin, lubos lubusin mo habang abala pa sa ibang lalaki ang best friend mo. Act like his girlfriend,wala namang batas na nagbabawal umibig sa taong pagmamay ari na nang iba. Ingat nga lang, dahil bandang huli panigurado puso mo ang masasaktan. Sa mundo ng pag-ibig dapat maging matatag ka. Lahat ng nagmamahal ay nasasaktan. Hindi pweding puro saya lamang ang iyong mararamdaman. Like life, love is a balance of joy and pain. Happiness and sadness. Ang bawat pagsubok ay siyang nagpapatibay sa bawat tao, ngunit meron ding hindi kinakaya, mas pinipili nilang tahakin ang pinakamadaling paraan, iyon ay ang sumuko. TBC

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.2K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
479.8K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.9K
bc

That Professor is my Husband

read
504.7K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.4K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook