📗 Chapter 1
THERESA
BEIJING, CHINA.
Malakas na tunog ng tambol at musika para sa nagaganap na Dragon Festival ang naririnig ko mula sa hotel room na kinaroroonan ko. Dalawang oras na akong nagmamasid habang nakatayo sa gilid ng bintana at hinihintay ang oras para gawin ang misyon na siyang dahilan kung bakit narito ako sa Beijing.
Tunog ng nag-ring na cellphone ko sa ibabaw ng kama ang gumambala sa pagmamanman ko. Nilapitan ko ito at agad kong sinagot nang makitang si Draven Madrigal ang tumatawag sa akin dahil alam kong mahalaga ito. Hindi siya tatawag sa akin nang walang mabigat na dahilan, lalo na't alam niyang nasa misyon ako.
"How's everything, Theresa?"
"Waiting for action, boss," tipid na sagot ko habang hindi inaalis ang mga mata sa lugar kung saan hinihintay kong dumating ang pakay ko.
"I need you here, Theresa. Finish your job immediately and return to the Philippines as soon as possible," utos ni Boss Draven, na siyang pinuno ng mafia organization na kinabibilangan ko.
I’m a member of one of the most prominent mafia organizations in the Philippines. It’s led by the Madrigal clan, currently under Draven Madrigal, the clan heir and a candidate for leadership of both the Magna El Cajon Aces and the Council Head position.
"Yes, boss. Kapag lumabas sa lungga niya si Salvador Agostini, matatapos ngayong araw ang misyon ko," confident na sagot ko.
"Alright."
Ito lang ang huling narinig ko. Pinutol na ni Draven ang tawag at hindi man lang nagpaalam.
Well, I'm used to it. Ganyan talaga ang ugali ng lalaking iyon. Bihirang magsalita at limitadong oras lang kung kausapin ako. Inaasahan ko nang may dahilan kaya tumawag siya sa akin, dahil bihirang mangyari na tatawagan niya ako kapag ganitong nasa misyon ako para lang utusang umuwi ng Pilipinas.
As expected, sampung minuto lang ang lumipas, dumating ang taong pakay ko, kasama ang mga tauhan niya at ang babaeng ikinakama at parang lintang laging nakadikit sa kaniya.
Wala akong pakialam sa personal na buhay niya. Ilang minuto na lang ang natitira sa buhay niya dahil sisiguruhin ko na pagkatapos ng gagawin ko ay mamawala na sa landas namin si Salvador Agostini.
Isa siyang Italian national na kailangan kong itumba. Masyado na siyang tinik sa landas ng pinuno ng council na si Declan Madrigal, na siyang papalitan ni Draven Madrigal sa hinaharap.
Suot ang pang-cosplay na dragon attire, lumabas ako sa hotel room na tinuluyan ko. Siniguro ko na wala akong iniwang bakas ng pagkakakilanlan ko at umalis na handa para sa misyon ko.
Maraming tao sa buong paligid. Mausok at maingay, pero hindi nawala ang aking mga mata sa taong pakay ko. Mahirap siyang lapitan, lalo na't napapaligiran ng kaniyang mga tauhan, kaya pinagmasdan ko muna at pinag-aralan ang bawat kilos niya.
Mukhang karaniwang turista si Agostini, pero alam ko kung anong pakay niya dito sa Beijing, kaya narito siya.
Nakita kong may mga Chinese national na lumapit sa mesa ni Agostini at kinausap siya ng isa sa mga ito. Nang tumayo siya, sinundan ko ng tingin ang grupo nila at pagkatapos ay naglakad ako para sumunod sa kanila.
Sa saradong pintuan na may mga lalaking nagbabantay sa labas, pumasok ang grupo. Mahigpit ang seguridad, at alam kong kapag nagkamali ako, mahuhuli ako at mapanganib ito sa buhay ko, pero sanay na ako.
Inayos ko ang wig na suot ko at naghintay ng tamang pagkakataon. Hindi nagtagal, may nakita akong parating na lalaking may dalang cart, kaya mabilis ko itong nilapitan.
“I’m Mr. Agostini’s assistant. I’ll be handling the food to ensure it’s safe before he consumes anything,” seryosong sabi ko na nakatitig sa mga mata ng waiter na kaharap ko.
"Sure, ma'am," magalang na sagot ng kaharap ko na inilahad ang kamay.
Tinitigan ko gamit ang matalim na mga mata ang lalaking kaharap ko at ipinahihiwatig sa kaniya na mapanganib ako.
“Step aside. I’ll take care of it. Keep your mouth shut and don't tell anyone about this, or else you're dead,” seryoso at pormal na banta ko sa waiter.
"Yes, ma'am," magalang na sagot ng kaharap ko.
Mabilis na kinuha ko sa mga kamay niya ang handle ng cart na tinutulak ng lalaki at pagkatapos ay tinapunan siya ng masamang tingin bago tinalikuran.
Walang pumigil sa akin sa pintuan nang pumasok ako. Nadatnan kong nakaupo ang target ko, katabi ang malanding kabit at kaharap ang dalawa pang lalaking siya niyang kausap para sa gagawing export ng droga papuntang Europe.
"Buona sera, Mr. Agostini," nakangiting bati ko.
Kilala ko ito, lalo na at sa Italy rin ako naka-base bilang isang sikat na ramp model. Pinag-aralan ko ang mga aktibidad niya, pero dahil mainit ako sa Italya, dito ako nakakita ng pagkakataon na lapitan siya ng walang nakakakilala sa akin.
"Ciao bella," nakangiting bati sa akin ng target ko, na ang ibig sabihin ay "hello, beautiful."
Agad akong inikutan ng mga mata ng babaeng katabi ng target ko dahil hindi niya nagustuhan ang narinig, pero wala akong pakialam sa kaniya.
Alam kong nakuha ko agad ang atensyon ng lalaking pakay ko dahil nakita niya ang matamis na ngiti sa aking mga labi nang lumapit ako sa kaniya at nag-serve ng tsaa.
"For you, sir."
Mahinhin na inilapag ko sa harap niya ang tasa ng tsaa habang hindi inaalis ang matamis na ngiti sa labi. "Welcome here in China.”
Tumaas ang gilid ng labi ni Salvador Agostini at pagkatapos ay inabot ang tasa. Dinala niya ito malapit sa labi at humigop habang nakatitig sa akin ang mga matang may bakas ng pagnanasa.
Humakbang ako paatras at kumuha rin ng isa pang tasa para bigyan ng tsaa ang mga kaharap niya. Nagbilang ako ng ilang segundo bago nakangiting lumabas ng silid. Walang pumigil sa akin dahil ang akala ng lahat ay totoong staff ako dito sa restaurant.
Minuto lang ang lumipas, nagkagulo na sa loob ng silid na pinanggalingan ko. Biglang bumukas ang pintuan nito at mabilis na pumasok ang mga bodyguard ni Salvador Agostini.
Malinis at walang bakas na naiwan ang trabahong ginawa ko. Siniguro kong hindi na aabot ng buhay sa ospital ang target ko. Deadly ang ginamit kong lason na hinalo ko sa tsaang binigay ko sa kaniya. Wala pa itong lunas at tanging ang organisasyong kinabibilangan ko ang mayroon nito, kaya wala silang mabibiling antidote kahit maghanap pa sila sa black market.
Walang nakapansin sa akin sa kinauupuan ko habang suot ang shade at pinanood ang nangyayari sa paligid ko. Mabilis kong nahubad ang damit at wig na ginamit ko at itinapon ito sa basurahan. Pagkatapos, inilugay ko ang aking mahabang buhok.
Alam kong safe sa lugar na iyon dahil terminated na rin ang CCTV. Walang nakakita nang pumasok at lumabas ako sa silid na pinasukan ko, kaya ligtas at walang kahirap-hirap na natapos ang trabaho ko.
As expected, dead on arrival si Salvador Agostini, pati na rin ang kabit niya at dalawang ka-deal dahil sa unknown poison na hindi pa matukoy kahit ng mga eksperto.
Dahil tapos na ang trabaho ko, I took a flight back to Manila immediately dahil iyon ang gusto ng boss ko.
Nang lumapag ang eroplanong sinakyan ko, sinundo naman ako ng mga tauhan ni Boss Draven sa airport para ihatid sa base.
"Welcome back, Theresa," bati ni Abby na siyang sumundo sa akin at nagmamaneho ng sasakyan.
"Salamat," tipid at walang ganang sagot ko habang nakapikit na nakasandal ang likod at ulo sa upuan.
Matagal akong hindi umuwi dito sa Pilipinas dahil mas gusto kong manatili sa abroad. Hindi maganda ang naging buhay ko dito, at kung ako lang ang masusunod, ayaw ko nang bumalik pa dito.
Walang direksyon ang buhay ko. Nabubuhay akong walang ibang iniisip kundi ang sarili ko. Walang pamilya at walang pakialam sa mundo.
Everything seems normal sa base nang pumasok ako sa silid na laan para sa akin, pero hindi pa ako nakapaglit ng damit ay pinatawag ako ni Boss Daven sa kaniyang opisina.
Ang akala ko ay tungkol sa naging trabaho ko sa China ang pag-usapan namin, pero hindi ko inaasahan na may panibagong trabaho agad siyang ibinigay sa akin at iyon ay ang maging trainor ng isang babaeng sa tingin ko ay menor de edad pa.
I didn't ask for more details about her. Ginawa ko ang trabaho ko dahil iyon ang dahilan kung bakit narito ako sa Pilipinas. Ayaw kong manatili dito sa bansa, kaya nakipag-deal ako kay Draven na pagkatapos ng dalawang buwan, babalik ako abroad, pero hindi ito nangyari.
Iniwasan ko ang mapalapit ang loob sa kahit na sino, lalo na at related sa trabaho ko, pero hindi kay Agatha, na siyang dahilan kaya pinauwi ako ni Draven dito sa Pilipinas. She's sweet, innocent, at mukhang walang muwang sa màrahas na mundong pinasok niya.
I never thought na ang isang inosenteng gaya niya ay magiging bahagi ng organisasyon, pero hindi na ako magtatanong dahil may limitasyon rin ang trabaho ko.
Hindi ako bulag, kaya napapansin ko ang kakaibang tingin ng pinuno namin sa babaeng tinuturuan ko. Nakikita ko ang pagiging possessive niya kay Agatha. Binigyan pa niya ito ng black card at pinagamit ito ni Draven sa bago naming miyembro, bagay na nakakapagtaka dahil ngayon lang niya ito ginawa.
Tuloy-tuloy ang naging trabaho ko kasama si Agatha. Naging personal bodyguard rin ako niya without her knowledge, kaya alam kong mahalaga siya sa pinuno namin.
She's guarded. Kahit saan siya pumunta, ay kasama ako. Sumama rin ako sa kaniya pauwi sa kaniyang probinsya nang umuwi siya para mabantayan ko siya dahil iyon ang gusto ni Draven.
I witnessed her pain. Nakita ko ang sarili ko sa kaniya noong kontrolado pa ng mga pekeng magulang ko ang buhay ko, kaya nagpasya akong tulungan siya.
Napagkasunduan namin ni Agatha na mag-imbestiga tungkol sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang dahil naniniwala siya na pinatay sila dahil nakita niyang nilason ang mga ito.
I did my very best para matulungan si Agatha. Pinili kong bumalik ng palihim sa Zambales ng mag-isa para personal na imbestigahan si Mayor Tonyo Rosales.
Palihim akong nag-imbestiga. Nagpanggap akong abogado ni Agatha, pero hindi ko inaasahan na sa maliit na probinsyang ito, kailangan ko palang mag-ingat sa mga ginagawa ko dahil may mga matang nakasunod sa bawat kilos ko.