IMBIS NA NGAYONG umaga pumunta rito sa bahay ang kuya ni Anthony ay mamaya na lamang daw gabi. May pupuntahan daw muna ito at mas importante raw iyon na sinang-ayunan ko na lamang. Simple lang naman ang gaganaping welcome party. Napagdesisyunan namin ni Anthony na sa may likod ng bahay ganapin iyon. May pool at talaga namang maganda roon. Napaupo ako sa sofa nang matapos sa aking ginagawa. Ako kasi ang nagluto ng kakainin namin mamayang gabi. Medyo natagalan nga lang dahil nag-iingat ako at baka mapaano pa ang aking anak sa aking tiyan. I'm so excited to see my husband's brother. Totoo kayang mas guwapo ito kaysa kay Anthony? We'll see later night kung totoo nga iyon. But, I really don't know that Anthony has a brother nor sibling. Wala akong alam at ang tanging alam ko lang ay only chi