"BRO, YOU ARE drunk, hindi ka makakapagmaneho niyan!" "No, I can drive!" Mabilis na iniiwas ni Anthony ang braso nang akmang hahawakan na ni Gabriel. Hindi siya lasing at iyon ang nasa isip niya pero ang totoo ay lasing na lasing na siya. Tanghali siya pumunta sa bahay ni Gabriel at ngayon ay pasado alas-diyes na ng gabi. "Ihahatid na lang kita, baka may mangyari sa iyong masama." "Are you gay, Gabriel?" nakangisi niyang tanong dito. Hindi na siya nagtaka pa nang itulak siya nito kaya napasandal siya sa kaniyang kotse. Mabilis mapikon si Gabriel kaya naging routine na niya ang pang-aasar dito. Masama ang tingin sa kaniya nito habang nakayukom ang kamao. If his gaze is deadly, he might be passed out. "I. Am. Not. I'm just helping you 'cause we're friends!" inis na anito sa kaniya