Chapter Three

2134 Words
NANG MAGSARADO ANG pinto ay kaagad na napa-irap sa ere si Diana at nandidiring pinagpagan ang sarili. Nandidiri siya sa pagkakayakap sa kaniya ng kapatid niyang si Angelie. Hindi totoong hindi niya kilala ito. Kilalang-kilala niya ang kapatid niyang si Angelie. Galit lang siya rito dahil naiingit siya na may asawa siyang maayos samantalang ang asawa niya... sinasaktan siya kaya naghiwalay sila. Ang lahat-lahat ng mga sinabi niya kina Anthony ang Angelie ay walang katotohanan. Nagpanggap lang siya para hindi maisip ng mga ito na kawawa siya. Dahil sa lahat ay ayaw siyang kinakaawan siya. Ang galit talaga niya kay Angelie at hinding-hindi natatanggal sa kaniyang kalooban. Sino ba namang hindi maiingit? Mayaman ang asawa, may mga farms, at kumpanya. Dahil doon, naiingit siya na sana may ganoon din siya, na may asawa rin siyang kagaya ni Anthony. Galit din siya simula noong bata pa sila. Hindi niya ba alam, basta galit siya sa kapatid niya at iyon ang totoo. Napalumod siya ng laway at kinuha ang cellphone na nakapatong sa unan, ibinigay iyon sa kaniya ni Angelie nang pumasok ito kanina. Binuksan niya iyon at nagtipa sa dial icon saka tinawagan ang kaibigang si Shanelle. Ilang segundo pa ang lumipas, sumagot na ito na ikina-irap niya. "Sino po ito?" panimula ni Shanelle. Napangisi na lang siya. "Gaga, ako ito, si Diana!" sagot niya saka humagalpak nang tawa. "Mas gaga ka! Tsk! Tsk!" sunod-sunod na himutok ng kaibigan na ikinaseryoso ng awra niya. "Seryoso ako, ako ito, si Diana." "Weh?" "Oo nga!" "Sige nga, kung ikaw talaga si Diana, anong sikreto ang away kong malaman ng kahit sino?" Ngumiti siya saka sinagot ito. "Iyong nakipag-sex ka sa afam mo sa kotse niya, right?" matawa-tawa niyang bulalas saka sinabayan nang hagalpak. "OMG! Ikaw nga, Diana. So, akala ko pupunta na kayo ng afam mo sa America? Ano ng nangyari? Asan ka na ngayon?" sunod-sunod na tanong niya kaya tumayo siya at sumilip sa bintana, madilim na rin ang kapaligiran. "Ang tanga ng asawa niya! Nakipag-away sa akin kaya ayon... mukhang napatay ko pa yata. Iyong pera na binigay sa akin, nabitawan ko pa!" Umirap siya at sinabayan pa niya ng malalim na hininga. "Tanga, e'di kriminal ka? OMG! Magdasal ka na huwag kang makita ng afam na iyon dahil kung oo, lagot ka, makukulong ka panigurado!" sabi sa kaniya ni Shanelle sa malakas na tono, kulang na lang ay ilayo niya ang cellphone sa tainga niya dahil likas na malakas ang boses nito "Ayon na nga, hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kaya tumakas ako. Tanga nga lang matandang lalaki na iyon dahil pinabayaan akong makatakas!" aniya. "Hala ka, gurl! Kriminal ka talaga. So, nasaan ka na pala ngayon?" Hindi muna siya sumagot at pangisi-ngisi sa ere habang nakamasid sa madilim na kalangitan. Kalaunan, nagsalita na siya. "Nandito lang naman ako sa mansion nina Angelie at Anthony!" may pagmamalaki sa boses niya. "Ano? P-paano ka napunta riyan? Galit ka kay Angelie, hindi ba? Paano?" naguguluhan nitong tanong sa kaniya. "Nagpanggap ako na wala akong alam sa lahat. Nagpanggap akong hindi ko sila kilala!" saad niya saka bumalik sa kama. "Hala? Seryoso ka riyan, gurl? What if malaman nilang nagpapanggap ka lang pala?" "Itigil mo nga iyang bibig mo at baka may makarinig sa iyo. Nag-uumpisa pa lang ako, Shanelle!" "Hindi ko na alam sa iyo, Diana. Kung anong gagawin mo, always support lang naman ako sa iyo, eh. Basta mag-ingat ka!" paalala nito kaya napatango siya. "Gusto ko nang magpahinga, Shanelle. Gusto ko lang maranasan ang lambot nitong kama hindi katulad diyan sa apartment na papag ang higaan!" Muli siyang umirap at pinagkrus ang mga hita. "Gagang ito!" Pumalatak nang tawa ang kaibigan niya. "Nga pala, pumunta kahapon dito iyong land lady, sinisingil ka na sa renta mo na halos tatlong buwan mong hindi binayaran. Magpadala ka sa akin at ako na ang magbibigay!" "Sure! Susubukan kong manghingi sa dearest sister ko..." nakangisi niyang sabi. Nagpaalam na sa kaniya si Shanelle kaya pinatay na niya ang kaniyang cellphone. Humiga siya sa kama, ngayon lang talaga niya naranasan ang ganitong buhay... ang ganitong klaseng buhay na matulog sa isang sobrang lambot na kama. Malaki iyon at mag-isa lang siya na lalo niyang ikinatuwa. Hindi niya namalayan na nakatulog siya at nagising na lang siya nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Tumingin siya sa bintana at umaga na pala, nakalimutan niyang saraduhan iyon kagabi. "Ma'am Diana, pinapatawag na po kayo ni Ma'am Angelie at handa na po ang agahan!" sabi ng isang kasambahay. "Susunod ako..." aniya saka tumayo mula sa pagkakahiga. Dahil may banyo naman sa mismong kuwarto niya, hindi na siya mahihirapan pa sa pagbaba para lang maghilamos. Nilinisan niya ang kaniyang mukha at nagmumog ng mouthwash para maging presko ang hininga niya. Inayos lang niya sandali ang buhok saka tuluyan nang lumabas ng kuwarto niya. Saktong pagbaba niya ay nakasalubong niya si Anthony na half naked. Wala itong damit ang kitang-kita ang mapipintog nitong mga pandesal— este abs. Hindi niya tuloy maisip na siguro ang sarap noon dilaan? Natawa na lamang siya sa sarili at umakto kung paano siya umakto sa harap ng mag-asawa. "M-magandang umaga, Anthony!" aniya sa nahihiyang tono saka tungo. "Magandang umaga rin, Diana. The breakfast is ready. Angelie was waiting for us. Mauna ka na at susunod na ako!" anito saka nilagpasan na siya. Napatango na lamang siya at bumaba na papuntang kusina. Nang mabuksa niya ang pinto ng kusina, bumungad si Angelie habang naghahanda ng pagkain. Halos mapuno na ang lamesa dahil sa dami. "Nandiyan ka na pala, Ate Diana!" Ngumiti ito sa kaniya. "Umupo ka na at kakain na tayo!" dagdag pa nito kaya sumunod siya. "Ang sarap naman ng mga luto mo, Angelie!" Kahit usok pa lang ay natatakam na siya lalo pa't nakita niya ang paborito niyang ulam, inihaw na liempo. "Puwede na bang kumain?" tanong niya sa nagmamakaawang tono. Tumango lang ito sa kaniya. "Oo naman, ate. Niluto ko iyang paborito mo." Hindi niya ito pinansin at nagsimula nang kumain. Hindi niya alam kung ano ang kakainin niya dahil sa dami. Parang may thanks giving na naganap sa dami. Hindi niya rin pinakita na paborito niya iyon dahil baka mabuki siya. Kung ano-ano ang mga nasa harap niya, kinakain niya lang. "Masarap ba, ate?" Napatingin siya kay Angelie nang magsalita ito. Nakain dito ito katulad niya. "A-ano ka ba? Huwag mo akong tawaging ate dahil hindi naman kita kilala. Diana na lang ang itawag mo sa akin, mas komportable pa ako roon. At sa tanong mo, oo, masarap!" nakangiti niyang sagot at nagsimulang nang kumain. "S-sige, Diana. Kahit na hindi mo ako kilala, ikaw, kilalang-kilala kita dahil ikaw iyong ate ko na matagal ko nang hindi nakikita." Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. "Na-miss din kita kahit na ang turing mo sa akin noon ay parang hindi kapatid. Alam kong kinaiinisan mo ako simula nang tayo'y mga bata pa..." Palihim siyang napa-irap nang marinig iyon. Hindi niya muli pinansin at kumakain lang siya. Nagtakaw na siya dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakakakain ng masasarap na katulad ng nasa harapan niya. "Ate, miss na m—" "Tumigil ka na!" sigaw niya at hinampas ang lamesa dahilan para magulat si Angelie sa kaniya. Gulat na gulat ito sa inasal niya. Hindi siya puwedeng mabuking. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Nagawa lang din naman niya iyon dahil sa inis. "S-sorry, hindi ikaw iyong sinigawan ko. Nainis lang ako kasi may kung sinong bumubulong sa aking tainga. Pasensya na talaga, Angelie. Mauuna muna ako!" aniya saka tumayo at umalis na sa loob ng kusina. Peste, himutok ng utak niya nang makalabas at dumiretso na siya pabalik sa kaniyang kuwarto. --- NANGUNOT ANG NOO ko dahil sa inasal ni Ate Diana kanina. Nawala rin iyon nang ipaliwanag niya. Hindi ko tuloy maisip na baka naiinis siya sa akin. Hindi, baka gawa iyon ng sinasabi niya. Baka nga may bumubulong sa kaniya. Siguro ay baliw siya? Hindi! Hindi magiging baliw ang kapatid ko. Bumuntong hining ako at tumayo. Hindi pumunta si Anthony dahil baka tinatamad iyon. Kakatapos kasi lang din niya sa paggi-gym. Ang tangi ko lang naisip ang dalhan siya ng pagkain sa kuwarto. Namalayan ko na lang ang aking sarili na naglalakad paitaas habang dahan-dahang bitbit ang tray na may lamang mga pagkain. Nang nasa may pinto na, hindi na ako kumatok at binuksan ang pinto gamit ang aking binti. Nang makapasok, natagpuan ko si Anthony na nakadapa sa kama. Dahan-dahan kong inilapag ang tray sa bench ng kama at umupo sa paanan niya. "Breakfast in bed is ready!" Hinimas-himas ko ang likod niya na walang saplot. "I'm not hungry. Hindi ka na dapat nag-abala pa, Angelie," aniya sa inaantok na tono saka tumihaya. "Hindi ka gutom kahit kakagaling mo lang sa pag-e-exercise?" tanong ko at lumapit pa sa kaniya. Ngumiti siya kaya nakita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Kalaunan, napalitan iyon nang kakaibang eskpreskyon. Nakangisi na siya. "Iba ang gusto kong kainin, Angelie!" sabi niya saka hinawakan ang aking kaliwang kamay at marahas na hinimas. "Ano ba iyon at ipaghahanda ko?" tanong ko sa nag-aalalang tono. "Ikaw!" "A-ako?" naguguluhan kong tanong. "Oo." Umupo siya mula sa pagkakahiga at humarap sa aking mukha at binigyan ako ng isang masuyong halik. "Ikaw ang gusto kong maging agahan, Angelie!" Hinawakan niya ang pisngi ko kaya napangiti ako. Tiningnan ko siya sa mapungay niyang mga mata at binaba iyon sa makapal-kapal na niyang mga balbas. "Bago iyon, aahitin ko muna iyang balbas mo!" Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Narinig ko ang himutok niya at makaraan ang ilang sandali, sumunod naman siya. "Upo ka muna riyan sa bathtub, Anthony!" Tinuro ko ang bathtub. Ilang segundo pa ang nakalipas, pumasok siya roon at umupo. "Papaliguan mo ba ako, Angelie? Puwede naman, medyo matagal-tagal na rin kasi nang maligo tayo ng sabay!" anas niya na hindi ko pinansin. Nang makuha ang shaving foam at razor sa drawer, lumuhod ako sa harap niya. "Huwag kang gumalaw kung ayaw kong masaktan!" pagbabanta ko sa kaniya at hinawakan ang baba niya saka nilagyan lahat ng may buhok mula sa baba ng ilong hangang sa baba ng shaving foam. "Yes, ma'am, I will!" Sumaludo pa siya sa akin na ikinangiti ko na lang. Minsan talaga ang sweet-sweet niya sa akin kaya lalo akong na-i-in love sa kaniya. Iba iyong in love ko noong college kaysa ngayon. Kinuha ko na ang razor na nasa sahig at dahan-dahan iyong pinaglandas sa balat niyang may foam. Medyo matagal ko na rin hindi ito nagagawa sa kaniya at ngayon lamang ulit naulit. Napakasuwerte ko dahil nagkaroon ako ng katulad niya. Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang inahitan, napagtanto ko na lamang na tapos na ako. Lalo siyang gumuwapo kapag wala ang kaniyang balbas at bigote. Hinugasan na niya ng mukha niya at umuna na palabas habang ako naman ay abala sa paglilinis ng mga buhok sa bathtub. Nang matapos, lumabas na ako ng banyo at nakita ko na lamang si Anthony na naka-boxer shorts habang naka-akto na parang hinihintay ako. Tinapik niya ang tabihan niya kaya naiiling akong lumapit. Pagkaupo ko pa lang, wala pang dalawang segundo ay naukaubabawan na niya kaaagad ako. Nagtama ang aming mga mata. Ang guwapo niya talaga. Ibang-iba siya kapag wala siyang bigote at balbas. "Ang ganda-ganda mo talaga, Angelie. Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Hindi kita iiwan over my dead gorgeous hot muscular and fresh body. I wouldn't leave you! You're always here." Kinuha niya ang kamay ko at inilapat sa kaniyang dibdib, sa kaniyang puso. "Palagi kang nandito sa akin kahit na galit ako minsan, I still loved you even though my attitude are changeable. Palagi kang nandito, Angelie. Mahal kita. Mahal na mahal kita!" mahaba niyang lintaya habang may ngiti sa labi. Hindi ko alam ang isasagot ko. Namalayan ko na lang ang aking sarili na dumukwang para abutin ang kaniyang labi. Mahal na mahal ko rin siya kahit ano pa man ang ugali niya. Naging mapusok ang paghahalikan naming dalawa. Mapusok na mapusok. Nakita ko na lang ang aking sarili na hubad na ang aking katawan. Bumaba ang halik ni Anthony sa aking leeg at sinipsip niya iyon na alam kong mag-iiwan iyon ng pulang marka. Bumaba muli ang halik niya sa aking malulusog na dibdib, sunod niyang pinaglandas ang kaniyang dila sa aking tiyan, puson, at sa pinakang-importante parte ng aking katawan. Tumingin muna siya sa akin bago niya nilapat ang mainit niyang labi sa aking butas. Ah, ang sarap...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD