"Sir Hiro, may bisita po kayo. Nasa sala na po siya. Shane daw po ang pangalan." Pagbibigay alam ni Sandy kay Hiro habang nasa kalagitnaan kami ng dinner. Pasimpleng tumaas ang kilay ko. Gaya nang iniutos ko kay Akihiro kanina, hindi nga siya tumuloy sa bayan para kumuha ng magkakabit ng internet. Hindi rin niya nasundo ang Shane na iyon. Inaasahan kong maliligaw ang bisita niya dahil nasa dulong bahagi na kami ng aming bayan. Pero mukhang may sense of direction nga ang isang iyon. Sayang. "Papuntahin mo siya rito sa dining hall nang makapaghapunan na rin siya. Ayos lang naman-." "Excuse me?" Taas ang kilay na sabi ko kay Akihiro. "Hindi ko gustong may ibang taong kasabay sa pagkain. Kaya Sandy, maghintay kamo siya sa sala at kumain na lang pagkatapos namin." "What the heck? Bisita ko

