Alexandra pov
" Alexandra! Bakit hindi ka umuwi kagabi? Ni hindi mo man lng naisip tumawag! Tinatawagan ka namin hindi mo sinasagot! San ka na naman ba nanggaling nA bata ka?!" Sigaw ni mama pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay.
Expected ko na naman ito dahil mali nga yung ginawa ko. Sa sobrang pagod ko kasi eh nakatulog agad ako idadag pa ang alak na ininom ko.
" I'm sorry na Mom" tanging nasabi ko.
" San ka ba natulog anak?" Tanong ni mama, mahinahon na at pinaupo ako sa couch.
" sa condo po ng friend ko ma, nalasing po kasi ako."
" kilala kita anak, kahit lasing ka kung wala kang kasiping uuwi at uuwi ka." Sabi nito at napapailing. Nakz! Kilalang kilala tlga ako ni mama, totoo my kasiping ako kagabi, si veron ang kasama ko.
Ngumiti na lang ako bilang pag amin.
" alam mo anak sa ugali mong yan hindi na ko magtataka kung isang araw ay sasabihin mong buntis ka!"
" Mom, pano namn ako mabubuntis e puro babae lang naman ang ikinakama ko." natatawa kong sagot.
" baka ang sabihin mo Mommy hindi na kayo magtataka kung isang araw makabuntis ako." Biro ko dito
Kinurot ako ni Mommy. " alam ko na puro babae ang kasiping mo. baliw! Paanu ka mkakabuntis e wala ka namang espada." Biro din nito na ikinatawa nmin pareho.
" seriously anak ang ibig kong sabihin baka one time may magsamantala sayu dahil sa kalasingan mo, so anak ingat ingat ok. Hanggang maaari wag ka ng magpunta sa mga bar na yan puwede ba?!" sabi nito sakin.
" don't worry Mom, mag iingat po ako." Tanging sagot ko, hindi ko naman puedeng ipangako na hindi na ako mag babar dahil i know hindi ko kayang tuparin yun.
" Tita, tumawag na po ba si Alexandra?" Tanong ni Angela pababa ng hagdan. Hindi pa nito ako nkikita. Tumingin ako kay Mommy na nagtatanong.
" nun pagkatawag ko sa kanya nagpunta na sya agad dito kahit dis oras na ng gabi. Pinuntahan ka din niya sa bar na pinuntahan mo pero wala ka daw duon, puyat yan dahil sa pag aalala sayo." Sabi ni Mommy
" hom!" Sabi ko at sinalubong ko na sya sa may hagdan .Kaagad nia kong niyakap.
" san kaba galing hom?!" Tanong nito then naramdaman ko na lang na basa yung damit ko. Umiiyak na pla ito.
" sorry... Hindi na mauulit." Sagot ko at hinaplos ang likod niya. Sobrang nagi guilty ako, ayaw kong nakikitang umiiyak si Angela. Kung sa iba parang OA ang naging reakyon nito ngayun saken ay hindi dahil ganito na ito saken dati pa masyadong protective.
" ihahanda ko lang ang almusal." Sabi ni mommy para bigyan kame ng privacy.
" sobrang nag alala ako sayo hon." Anito at kumalas sa yakap. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang kamay ko.
" i know. I'm sorry hindi na talaga mauulit hon, tahan kana po." Sabi ko at hinila sya paupo.sa couch.
Tumahan naman na ito. Humiga sya sa couch habang nakaunan sa lap ko. " hon"
" hmmmm" sagot ko habang inaayos ang buhok niya,
" babalik na ko sa US bukas " anito sa malungkot na tinig.
Nabigla nman ako dahil akala ko isang buwan sya titigil dito sa pinas.
" bakit ang bilis naman hon?" Tanong ko, kakalungkot naman.
" nagkaproblem daw kasi sa papers ko kaya hindi ako na enroll."
Bumangon ito at tumitig sa mata ko. " babe mamimis kita ng sobra." Sabi nito at naiiyak na nman.
Hindi ako sumagot sa halip sinakop ko ng aking labi ang kanyang labi. I kiss her full of emotion. Im not Good in words so i hope malaman niya lahat ng gusto kong iparating sa pamamagitan ng halik ko.
_________________________
" oi Alexandra, bakit hindi ka pumasok kahapon?!" Tanong sakin ni amber pagkapasok ko ng room. Nakatingin lang si hanna at james sakin at inaantay ang sagot ko.
" inihatid ko kasi sa airport si Angela kahapon." Sagot ko at naupo na sa upuan ko.
" Bakit akala ko 1month sya dito, bakit nagbago?" Tanong naman ni hanna.
" nagka problema daw kasi ang papers niya kaya hindi sya na enroll ng friend niya."
" Kaya pala, sayang naman." Sabi ni Hanna at tumango lang yung dalawa.
Maya-maya lang ay dumating na ai Ms. Salazar.
" good moning class" she greeted us.
"morning ma'am" we said in unison to greet her back.
" ok lets start our lesson but before that lets have a recaps of our lesson yesterday because the lesson we gonna take today is a continuation of our topic yesterday, who would like to start?"
Sabi nito kaya. Marami ang nag volunteer sumagot kaya nagulat ako na ako ang biglang tawagin. Naman, hindi ba sya aware na absent ako kahapon.
" sorry Ma'am but I still have no idea about the lesson we took yesterday, because I'm absent." Sagot ko. Kamot ulo.
Tinaasan ako nito ng kilay. "I know you were absent yesterday But if you are really interested in this subject you should ask your classmates what we discussed yesterday, even before the class started you should have asked." Giit nito saken.
Nakatingin lahat sakin ang mga kaklase ko. Letche! I hate the attention. Lalo na kapag napapahiya ako.
" sorry Ma'am, it will never happen again." I said in a low voice. Hindi na sya sumagot at tumawag na ng iba para magsimula ng previews ng lesson kahapon.
" mukha pinepersonal ka ni Ma'am ah." bulong ni hanna sakin.
" mukha nga. Sukat ba nman ipahiya ako sa klase.. she hate me." Bulong ko din pero sa unahan pa din ako nakatingin mahirap na at bka ipahiya na naman ako nito.
" halikan mo ba naman at himasin ang puwet eh" anito sabay tawa ng impit dahil pinipigilan nya.
" Hindi na ako nkapagpigil eh, sobrang hot nia kea dat time, tapos medyo may tama na ko ng alak." Paliwanag ko.
" yea.. shes hot, but if i were you i will apologise, dahil baka lagi ka nyang pag initan." Tumango ako. " yea.. I'll do that." Sagot ko.
Kaya naman ngayun lunch time sa halip.na nasa canteen ako para kumaen ay andito ako sa flower shop pra bumili ng bulaklak, kagagaling ko.lang din nga sa goldilocks dahil bumili din ako ng cake pang peace offering ko. Ang mahal makipag bati anu? Lampas 1k na tong mga binili ko.
Pagkatapos kong bumuli ng flowers ay dumaan ako sa isang fast food at kumaen sandali. Pagbalik ko sa university deretso na ko sa panghapon kong klase iniwan ko ang mga binili ko sa kotse ko dahil mamaya pa naman uwian ko yun ibibigay sa kanya.
Sa bawat klase ko parang gusto ko ng hilahin ang oras. Ang bagal antagal mag uwian.
Para akong nakawala sa hawla ng tumunog ang bell, dali dali akong nagtungo sa kotse ko at kinuha ang mga binili ko. Pumunta ako kung san naka park ang kotse ni ma'am at dun nag hintay.
Malayo pa lang kita ko na si ma'am , nakataas na agad ang kilay. Ang taray.
" Anung ginagawa mo dyan?" Tanong nito ng makalapit.
" Inaabangan ko po kayo, para ibigay ito." Sagot sabay abot ng bulaklak at cake.
" Nililigawan mo ba ako?" Anu daw? Nililigawan agad! Pa virgin na nga assumera pa. Kainis.
" Hindi___" hindi ko na natapos dahil sumakay na sya ng kotse at umalis.
Kakagigil.!