Amber's pov Nandito ako sa bar mag-isa hindi dahil sa loner ako o anu sadya lang na gusto ko talagang mapag-isa. Gusto kong maka-isip ng paraan para masira at mapaghiwalay sina Alexandra at Celeen ang teacher namin. Hinding-hindi ako papayag na magpatuloy pa ang relasyon ng dalawang iyon. Kaya kahit anung paraan maisip ko ay gagawin ko masira lang sila. Matagal ko ng mahal si Alexandra pero hindi ko nagawang sabihin dito dahil sabi niya wala sa bokabularyo niya ang love-love na iyan. Tapos ngayon dumating lang ang babaeng yun sa eksena biglang nagbago lahat. Biglang naging seryoso sa kanya si Alexandra at sasabihin na mahal nito ang babaeng iyon. Anu yun lokohan! Hindi ko yun matatanggap. Isang bagong tao lang sa buhay niya ang babae na yun tapos yun ang minahal niya. Matatangap