Celeen's pov Hinang-hina akong napaupo sa kama ko pagkatapos kong aksidenteng madinig ang usapan ni alexandra at hanna kanina sa kitchen ng bumama ako ng hindi nila napapansin. Hindi ko na nga nahintay pang matapos ang kanilang usapan dahil sobrang sakit na madinig na katawan ko lang pala ang habol ni alexandra sa akin. Naiiyak ako ngayun at iniisip kung ano bang dapat kong gawin. Nagagalit ako sa kanya dahil ang sama nya para gawin ang bagay na yun sa akin pero nagagalit din ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mahulog sa kanya at hinayaan kong makuha nya ang bagay na syang habol nya lang sa akin. Antanga mo self, ang tanda-tanda mo na pero hinayaan mong mapaikot ka ng isang bata na katulad ni alexandra. Nasaan ang talino mo? Naturingan ka pa namang no.1 board passer pero nautakan ka