Celeen's pov " Baby tulog ka muna mahaba ang magiging biyahe naten." Sabi ni Alexandra sa akin. Nasa ere na kame ngayun papunta sa US. Dito ako nakaupo sa tabi bintana katabi ko si Alexandra at katabi naman niya sa kabila si Tita. Tumango ako at ngumiti sa kanya bago humilig kanyang balikat at pumikit. Nagising na lang ako ng gisingin ako ni Alexandra dahil malapit ng lumanding ang eroplano. Paglabas namin ng airport luminga-linga sina Alexandra para hanapin ang sundo namin at ng makita ay dadali ang mga itong naglakad papunta duon habang akoy hawak niya sa kamay. Nakita ko ang isang my edad na lalaki na sa tingin ko ay ang asawa ni Tita at katabi nito ang isang binata na kumakaway at malapad ang pag kakangiti. Ito siguro ang kapatid ni Alexandra. iNang mga dalawang metro na lang ang