Angela's pov Papunta na ako sa opisina ni Ms. Margaux ngayon. May dala din akong resume para kahit papaano kahit hindi niya naman sinabi ay malaman niya ang background ko. Napangiti ako habang naglalakad dito sa hallway ng opisina ni Ms. Margaux. Naalala ko kasi si Alexandra kanina nun malaman tutuloy ako sa pagtatrabaho kay Ms. Margaux. Ayaw akong payagan, dahil masama daw ang kutob niya dito. Ni ayaw niya ako pagbihisin ng damit kanina, nope hindi kame ng s*x o what. Hinarangan niya lang naman kasi ang pinto papunta sa walk-in closet ko nun magbibihis na ako pagkatapos ko maligo. Susko kung hindi pa ata napansin nitong nilalamig na ako ay hindi ako makakapagbihis at magtitiyaga na lang sa towel na nakabalot sa katawan ko. Nang makapag bihis at makapag ayos ako pinipilit naman n