Alexandra pov Hindi ako nakatulog magdamag dahil sa pag-aalala kay Celeen. Kahapon niya pa ako hindi pinapansin simula ng mangyari ang eskandalo kahapon sa school. Naiintindihan ko naman dahil baka nag-iingat lang siya para hindi lalong mapaghinalaan pero hindi ba dapat sa ganitong pagkakataon dapat magtulungan kame mag-isip kung paano lulutasin ang problema. Sinubukan ko siyang lapitan khapon para damayan pero pinipigilan ako ni Hanna, lalo lang daw maghihinala ang mga taong totoo yung mga nasa larawan at video. Nung matapos ang klase namin kahapon pinuntahan ko agad siya sa classroom namin pero hindi ko na siya naabutan pa doon. Sinabi ko kay Hanna na pupuntahan ko na lang ito sa bahay pero pinigilan din niya ako , bigyan ko muna daw ng space yung tao at nabigla sa mga pangyayare ka