bc

My Chubby Wild Wife (ZL Lounge Series 02- 2nd Gen)

book_age18+
25.6K
FOLLOW
146.1K
READ
billionaire
love-triangle
HE
arranged marriage
playboy
dominant
badgirl
billionairess
heir/heiress
sweet
bxg
genius
campus
like
intro-logo
Blurb

Nasanay si Andrea Ken Hernandez, na nasusunod lahat ng gusto niya dahil sa nag-iisa siyang babae. Lahat ng gusto niya, ibinibigay ng magulang maging ng kapatid. She loves eating, na talaga namang ginawa niyang libangan, hanggang sa magdalaga siya. Kaya naman, binansagan siyang Chabita ng kan’yang Kuya. Nakaranas din siya ng pambu-bully pero binabaliwala niya iyon. Ang mahalaga sa kan’ya, maganda siya, kahit na chubby.

Pero hindi niya akalaing tatawagin siyang Chabita ni Eziah Clark Davis– ang guwapo, matipuno at masungit na matalik na kaibigan ng Kuya Astin niya. At hindi niya nagustuhan ang pagtawag nito sa kan’ya no’n. Kaya nakaramdam siya ng inis, na hindi niya maintindihan. Nasasaktan din siya. Iba na pala kapag ibang tao na ang magsabi niyon sa kan’ya. Pakiramdam niya, wala ng magkaka

Dahil sa bugso ng damdamin, nakapag desisyon siya– na hindi akalain ni Ezi. Pinikot niya ito hanggang sa magpasya ang mga magulang nilang ipakasal sila. Gusto niyang pagbayarin si Ezi sa pagatawag nito ng Chabita sa kan’ya sa paraang alam niya, ang akitin at paibigin ito.

Pero paano kung sa ginagawa niyang laro, siya ang dehado? Paano kung siya ang ma-inlove, hindi ang asawa niya? Handa kaya siyang masaktan, oras na makipaghiwalay ang asawa sa kan’ya para sa totoong tinitibok ng puso nito?

******************

ZL LOUNGE SERIES - 2ND GENERATION

MY CHUBBY WILD WIFE (Andrea Ken & Eziah Clark)

STALKING MULTI-BILLIONAIRE’S DAUGHTER (Asia and Callen) - SOON

Iniisip ko pa title (Lexxie and Ian ) - SOON

'Yan po muna ang pasunod-sunod

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: UNMARRIED
ANDREA KEN'S POV "NAAYOS MO NA ba ang mga susuotin mo sa Friday, Ezi?" tanong ko kay Ezi nang pagbuksan niya ako nang pintuan ng codo niya. "Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nagpasabing dadaan ka rito?" aniyang galit. Kumunot ang magandang mukha ko. Yes, super ganda ko, kaso mukhang papangit ako kapag laging ganito ang mood ng mapapangasawa ko. "Why? Wala ba akong karapatang dumaan dito? Huh?” Pinameywangan ko pa si siya sa inis ko. “Fiancé kita, Ezi, kaya kahit anong oras, p'wede akong pumunta dito!" ani ko sa masungit na himig. Ngumisi siya sa akin. "You have no right, Andrea. I don't want to marry you, kaya hindi ko p'wdeng i-consider 'yang sinabi mong may karapatan ka, dahil in the first place estranghera ka pa rin sa akin, at ang may karapatan lang sa condo ko ay ang girlfriend ko. At siya lang ang pakakasalan ko, at wala ng iba. Understand?" Bigla akong natawa sa sinabi ni Ezi. "Ikaw, may girlfriend? Bakit walang alam sila Tita? ‘Wag mong sabihing umupa ka pa ng babae mo para magpanggap? Laos na ang gan’yang klase, my dear future husband," may halong pagka-sarkastiko ang himig ko nang mga sandaling iyon. Ngumiti siya nang mapakla sa akin. "Hindi ko kailangang sabihin kila Mommy dahil mas gusto kong pribado ang relasyon namin. At alam mo bang magdadalawang taon na kami sa mismong araw nang kasal natin? Pero mukhang masisira lang kami dahil sa isip bata mong kaisipan, Andy." Umiling-iling pa siya. “Kaya kung ako sa ‘yo, umatras ka sa Biyernes bago ka pa masaktan,” matigas na sabi niya. Sasagot sana ako nang makarinig ng tunog na nagmumula doorbell. Napatingin ako kay Ezi na noo'y nakangiti na. "I think si Tamaya na 'yan," "Tamaya?" ani kong nakakunot ang noo. "My girlfriend." Tinalikuran niya ako agad pagkasabi niya. Hindi mawala ang kunot ng noo ko. Sinundan ko siya ng tingin. Napaangat ako ng kilay nang makitang ang iniluwa nang pintuan. Isang maganda at balingkinitan na babae ang iniluwa no'n. Hindi ko inaasahan ang ginawa ng babae nang mga sumunod na sandali. Walang abog-abog nitong siniil nang halik si Ezi na agad namang tinugon ng binata. Saglit akong natigilan nang lalo pang pagdikitin ni Ezi ang mga katawan nila. Naging mapusok pa ang mga iyon hanggang sa parehas na nagpakawala ang mga ito nang ungol. Para bang sabik na sabik sa isa’t isa. Wala sa sariling hinagod ko nang tingin ang katawan ng babae. Nagbaba ako ng tingin sa sarili ko. Para akong sinampal sa katotohanan nang mga oras na iyon. Ang layo nang katawan ko sa katawan ng babaeng kayakap ni Ezi. Parang may kumurot sa puso ko kaya napatalikod ako kapagkuwan. Mukhang ayaw magbitiw ng mga ito kaya mabilis na iginiya ko ang aking sarili palabas. Sinagi ko pa si Ezi na ikinabitiw niya sa babae. Parang gusto kong sumigaw pagkalabas ko. Sinipa ko pa ang pintuan nang condo ni Ezi para sumara sa sobrang inis. Parehas na kamao ko ang naikuyom ko sa sobrang pagkainis sa mga nakita maging sa aking sarili. Natigilan ako mayamaya nang maalala ang sinabi sa akin ni Ezi. Hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal namin sa Biyernes. Ngumiti ako kapagkuwan. Sige, sulitin niyo ang ilang araw, Ezi. Dahil pagkatapos ng ating kasal, sa akin ka babagsak. Hindi napalis ang aking ngiti ko hanggang sa pag-uwi ko. Nagtataka sila Mama sa akin. “Anak, pagkatapos ba nang kasal niyo, tatangapin mo na ang alok ng Papa mo na position? Wala namang ibang magpapalakad nang negosyo natin sa ngayon kung hindi ikaw lang,” ani ni Mama sa akin. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya sa akin. Nilingon ko siya. “Yes, Mama. Nag-usap na po kami ni Papa regarding dito, saka naibilin din kasi ni Kuya Astin sa akin.” Malungkot na tumangu-tango si Mama. Hindi ako nakatiis, niyakap ko siya nang mahigpit. “Babalik din si Kuya, ‘Ma. Okay? Baka nga ilang buwan lang siya doon, tatawag na at magpapasundo. Kaya ‘wag nang malungkot, papangit ka niyan, sige ka,” ani ko para pagaanin ang loob niya. Ngumiti naman siya akin. “Sana nga, anak. Galing ka ba kay Ezi? Kumusta?” aniya mayamaya. “Ayon. ‘Ma, excited sa kasal namin.” pagsisinungaling ko. “Ang ganda at seksi ba naman nang mapapangasawa niya hindi siya ma-e-excite? Iba talaga ang karisma ng mga Buenavidez at Hernandez!” Natawa na lang ang aking ina. Hinaplos din niya ang aking pisngi mayamaya. “Maganda ka naman talaga. Ang kaso… masyado kang bilib sa sarili mo. Dapat sakto lang, huh?” aniyang nakangiti sabay talikod. Nakangiting hinatid ko siya nang tanaw. Mabuti naman at napangiti ko siya ngayon. Gano’n naman ang ginagawa ko nitong mga nakaraan kapag nasa harap ni Mama, pinapangiti ko siya pero alam kong sa gabi niya iniiyak. Ilang beses na kasing nahuli ni Ate Laura sa loob nang silid ni Kuya Astin na umiiyak. MABILIS na lumipas ang araw. Araw na nang kasal namin ni Ezi. Maaga akong nagising at gumayak dahil maaga raw darating ang mag-aayos sa akin. Garden wedding lang ang ini-request ni Ezi noon kaya iyon ang sinunod ng magulang namin. Pagkatapos akong ayusan ay kaagad na isinuot sa akin ang aking wedding gown na pinagawa pa sa pinsan nang aking Papa. Off-shoulder ang pinili kong disenyo para matakpan ang braso kong malapit nang tawaging braso ng mandirigma– mandirigma sa kusina ang ibig ko. “Maganda ba ako, ‘Ma?” baling ko sa aking ina na masuyong naghihintay sa akin. “Napakaganda mo, Anak. Bagay sa ‘yo ang napili mo, lalo kang sumeksi.” Napangiwi ako kay Mama. “Mama, okay lang sabihin mo na siksik. Naiintindihan ko,” ani ko. Natawa naman siya. Sabay pa kaming napalingon sa pintuan nang marinig ang boses ng ina ni Ezi na si Mommy Maia. “You’re so gorgeous, Andy, alam mo ba ‘yon?” “Thank you, Mommy!” “Well, nagsasabi lang naman ako ng totoo. I’m pretty sure, luluwa ang mata ng anak ko kapag nakita ka. I can’t wait, Andy.” “Ako din po.” Parang may kumontra sa loob ko kaya tinampal ko iyon. Napatingin pa ito at ang aking ina na si Kendra. PAKIRAMDAM ko, bumilis ang oras nang bumaba ako at lumabas sa garden. Hindi ko man lang makitaan ng excitement ang mga mata ni Ezi kapag nakatingin siya sa akin. Pero wala akong pakialam, basta ako, excited na maikasal sa kan’ya. Gusto ko lang iparamdam sa kan’ya na nagkamali siya nang tawagin niya akong Chabita. Hindi ko pinalis ang magandang ngiti ko habang naglalakad papalapit kay Ezi habang nakapailanlang ang wedding song na kaparehas nang kila Mama na ang pamagat ay Destiny. Kung kila Mama at Papa, tadhana ang gumawa nang paraan para ikasal sila, kami ni Ezi, ako ang gagawa, sa ayaw at sa gusto niya. Ngumiti ako kay Ezi pero hindi man lang siya gumanti. Wala akong mabasa sa mukha niya. Ewan ko lang kung ako lang ang nakakakita. Pero gumuhit ang kakaibang ngiti niya nang makalapit ako kay Ezi. Kagaya kanina, sobrang bilis ng oras sa amin. Namalayan ko na lang na tinatanong na ako ni father. Sa totoo lang, kanina ko pa hinihiling na bilisan, kaya ayon, wish granted sabi ni Papa G. “Tinatanggap mo ba si Eziah Clark Davis bilang iyong kabiyak, sa hirap at ginhawa?” “Yes, father!” nakangiting sambit ko sabay kindat kay Ezi na ikinaingos naman niya. “Yes, I do ang sasabihin mo Miss Hernandez,” halos pabulong ng pari sa akin. Nakapatay rin ang mikropono niya. “Yes, I do,” ani ko. “Ikaw, Eziah Clark, tinatanggap mo ba maging kabiyak si Andrea Ken, sa hirap at ginhawa?” Matagal bago sumagot si Ezi kaya tiningnan ko siya ito ng masama sabay lingon sa magulang nito. Tumingin din ako doon. Pero nanliit bigla ang aking mga mata nang mahagip ko ang babaeng kahalikan noon ni Ezi sa condo. Anong ginagawa niya rito? Nasa likuran siya ng magulang ni Ezi at nakangiti. Tumingin ako kay Ezi at sinundan ang tingin niya, hindi pala sa magulang niya nakatingin ang mapapangasawa, kay Tamaya na nakangiti nang matamis. “Yes, I do,” sabi mayamaya ni Ez Akmang magsasalita na ang pari nang sumingit ako. Bahagya niyang inilayo ang mikropono. “Father, you may kiss the bride na po ba ang sunod?” tanong ko sa pari na ikinatawa niya. “Chabita,” ani sa akin ni Ezi. Sumagot ang pari ng oo kaya tinaasan ko ng kilay si Ezi. Kabit na ang babaeng kalandian niya, at ako ang nagwagi. Hindi ko akalaing, smack lang ang gagawin ni Ezi sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya. Bakit sa babaeng ‘yon parang ayaw maghiwalay ang labi niya? Inis na ang sunod kong naramdaman kaya maaga akong nagpaalam sa mga kaibigan at kamag-anak namin. Kaagad kong niyaya si Ezi sa hotel na tutuluyan namin pansamantala. Napangiti naman ako nang pumayag agad siya sa paanyaya ko. “Hindi mo ba ako bubuhatin, Ezi?!” sigaw ko nang basta na lang niya akong iwan sa sasakyan. “Kompleto ang mga paa mo, Andy, kaya lumabas ka diyan at maglakad.” Basta na naman niya ako tinalikuran matapos niyang sabihin iyon. Inis na lumabas ako ng sasakyan at nagmartsa papuntang elevator, pero ang malas ko, nasarhan agad ako kaya hinintay ko pang bumaba ulit. Ilang beses akong nagpakawala ng hangin nang makarating sa tapat ng suite namin bago ko iyon binuksan. “Eziah Clark!” tawag ko sa kan’ya sa sobrang lakas ng boses ko. Mabilis ang mga hakbang ko patungo sa sofa pero gano’n na lang ang pagkabigla ko nang makita ang babaeng prenteng nakaupo sa sofa. Naka-nighties at mukhang handa na sa labanan. “A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kan’ya. “Si Ezi?” ani ko pa ulit. “Naliligo lang, Chabita. Hindi ko kayang makatabi sa iisang higaan si Ezi kapag may dumikit na balat ng ibang babae,” aniya at sabay simsim ng wine. Kahit na naiinis, hinarap ko pa rin siya. Wala akong pakialam sa sinasabi niya, ang mahalaga, sa akin ikinasal si Ezi at hindi sa kan’ya. “Hindi pa ba mulat ang mata mo? Nandoon ka nang sumumpa si Ezi sa akin at sa harap ninyo, kaya umalis ka na ngayon din, bago kita ipakaladkad!” “Oh, poor, Chabita. Don’t you know that it was a show? Ibig sabihin, walang nangyaring kasalang nangyari. Me and Ezi planned this.” Natigilan ako sa narinig mula kay Tamaya. Kasabay niyon ang pagtapon nito ng papel kasama ng mga picture, copy ng ID ng isang pari at ng isang lalaking nakasuot ng uniporme na pang-guwardya. Napaawang ako ng labi nang mabasa ang pangalang naroon. Iyon ang pangalan ng pari nagkasal sa amin. Tumingin ako sa isang ID na mukha ng paring nagkasal sa amin. Napahawak ako sa headrest ng sofa na malapit sa akin. Muntik na akong mawalan nang balanse dahil sa mga nakita. “Uncle ko na kagagaling lang sa probinsya ang nagkasal sa inyo, Chabita. Kaya hindi valid ang kasal niyo” Kasunod niyon ang paghalakhak niya at ang pagbukas ng silid at iniluwa no’s si Ezi na bagong paligo at tanging tuwalya lang ang suot…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.8K
bc

His Obsession

read
88.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook