Prologue II - Premonition

1347 Words
"Mona?" Hindi ko siya pinansin na paulit-ulit akong tinatawag. Pwede naman siyang tumagos sa pinto pero sinabihan ko siya noon na ayaw ko ng gano'n. Nagugulat pa rin kasi ako. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng grupo ng mga babae na pumasok sa comfort room. "Umalis ka na. Baka may third eye ang isa sa mga 'yan at makita ka pa. Akalain pang binobosohan ako ng multo," nakanguso kong saad. "I'm not leaving." "Alis sabi. Hindi ka ba marunong umintindi? "Look, if this is about the d*mn woman, nasa beach tayo dahil may client kayong ikakasal. Hindi ko maiiwasang hindi tumingin sa mga babaeng nakasuot ng swimsuit." "Kaya pala halos lumuwa 'yang eyeballs mo no'ng umahon 'yong babaeng may malaking pwet do'n sa dagat? Mahilig ka pala sa malaking pwet edi sana sinabihan mo ko para hinanapan kita ng balyena!" Naaasar kong nilamukos 'yung tissue na ginamit ko. "I can smell your c*m from here. Did you just have a quickie with another man?" nag-iba na ang tono niya. "High-tech na ba ang mga multo ngayon at nakakaamoy na? Do'n ka na sa babaeng malaki ang pwet. Bagay kayo pareho kayong maputla." "Papasukin na kita." "H-Hindi d'yan ka lang!" Natataranta akong nagsuot uli ng panty. Narinig kong pinagbubulungan na ako ng mga babae sa labas ng cubicle kaya hininaan ko na lang ang boses ko. "Let me in, Ramona." pagpupumilit niya pa. "L-Lalabas na ko. 'Wag ka na pumasok dito, Abel." Abel. Hindi niya alam ang pangalan at pagkakakilanlan niya noong nabubuhay pa siya kaya binigyan ko siya ng bagong pangalan. Nag-ayos ako ng sarili at huminga ng malalim bago buksan ang pinto ng cubicle. Paglabas ko ay bumungad sa'kin ang matatag niyang tikas. Hindi ko magawang umimik dahil 'yung mga babaeng na-wi-weird-uhan sa'kin ay nandito pa sa comfort room. Pagkakita nila sa'kin ay doon pa lang sila nagkayayaang umalis na parang virus akong iniiwasan. "Did you get hit on?" tiim bagang na pag-uusisa ni Abel. "Who was it? Guwapo ba? Magaling ba bumayo? Mas magaling ba sa'kin?" "Hindi. Wala akong naka-quickie o kung ano pa man, okay? Sa tingin mo ba talaga may magkakainteres sa'kin?" "Ano ako?" Tumungo ako sa lababo para maghugas ng kamay. "Maliban sa'yo wala nang magkakainteres sa'kin. Weirdo ang tingin nila sa'kin kaya wala kang dapat ipag-alala. Wala kang kaagaw at wala kang magiging kahati sa'kin." "Maganda ka. Tanga lang ang hindi magkakainteres sa'yo." "Pinupuri mo ba ako o inaaway?" Sinundan niya ako at kinulong sa mga bisig niya mula sa likod. Sa salamin kami nagtitigan. "Walang lalaking makapapantay sa'kin kaya wala akong pakialam kung ilan pa silang humanay sa'yo, Ramona. Ang tanging kasiguraduhan na gusto ko ay ang kasiguraduhang sa akin ka lang." "Wala namang iba, Abel." "Why were you dripping wet then?" mapanghalina siyang humalik sa leeg ko. It was a faint, cold sensation pero alam kong halik 'yon dahil malambot. Kapag hindi alas tres o full moon ay hanggang ganito lang kami. Parang tao at hangin na pilitin man maging pisikal ay saglit lang na naglalapat. "Tell me why were you dripping wet, Ramona. Nanginginig pa rin ang mga hita mo hanggang ngayon. Was it that intense with somebody else?" angil niya na umiigsi na ang pisi. Napakapit ako sa gripo dahil nilalamas niya na ang pigi ko. "A-Ano bang sinasabi mo? Ikaw rin naman 'yon, Abel. N-Naalala mo kung saan tayo unang beses nagkita?" "Sa puno ng balete." "N-Na nasa loob ng panaginip ko." pagtatama ko sa kanya. "Napanaginipan ko kanina 'yung mga panahon na 'yon na dinadalaw mo ako kaya ganito..." "May kapilyahan ka rin palang tinatago." ngumisi siya. "Abel, hindi 'yon nakakatuwa. Hindi ka ba nag-aalala? Tumigil ang mga panaginip na 'yon no'ng kasama na kita pero ngayong bumabalik sila ibig sabihin ba no'n ay mawawala ka na?" "No, that's ridiculous." he chuckled. "Hindi ako nakikipagbiruan. Hahanapan ko ng solusyon ang unti-unti mong paglalaho kaya ipangako mo sa'kin na hindi ka aalis sa tabi ko." Seryoso ko siyang hinarap pero nagulat ako nang mawala siyang parang bula sa likuran ko. "Abel?" BUMALIK MUNA AKO sa trabaho dahil short-staffed kami at kailangan na nila ako ro'n. Tumulong ako sa pag-oorganisa ng beach wedding at kabilang na ro'n ang pag-aayos ng flower arch, altar decorations, at sound system. Matapos ang ilang oras ay hindi na ako mapakali kaya pasimple uli akong umalis para hanapin ang kanina pang nawawala na si Abel. Naglakad-takbo ako sa resort para hanapin siya. Kumakabog ang dibdib ko dahil alam ko naman sa sarili ko na bilang na lang ang mga araw niya sa mundo. Hindi ko 'yon maitatanggi kahit pansamantala ko pang kalimutan. Maputla si Abel dahil unti-unti na siyang naglalaho. Dumating na ba ang araw na pinakatatakutan ko? Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makaabot na ako sa dulo ng resort kung saan may mga lambat na nakalatag sa buhanginan. "Abel! Na saan ka?!" sigaw ko sa malawak na baybaying pahingahan ng mga bangkang panlaot. Mapanghusga ang tingin sa'kin ng matatandang nag-aayos ng net nila ro'n. 'Yong mga bata naman na naglalaro sa buhanginan ay nagsibungisngisan sa'kin. Hindi ko na lang sila pinansin. "Abel! Magpakita ka na hindi na magandang biro 'to nag-aalala na ko!" "Hoy! Ano bang sinisigaw-sigaw mo riyan wala ka namang kausap! Siraulong ito!" bulyaw ng mahaderang ginang na nagbibilad ng mga isda. Napansin kong napaatras 'yong iba niyang mga kapitbahay. Mukhang palaban siya at kinatatakutan sa lugar na 'to kaya minabuti kong hindi na lang siya patulan. Sa pagkakataong ito ay tahimik ko na lang na hinanap si Abel. Matiyaga akong naglakad palayo sa pamayanan at nagpahila sa malansang hangin ng dagat. Para akong batang nawawala na walang direksyon ang lakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Humahapdi na ang mga mata ko sa nagbabadyang luha dala ng pag-aalala na baka iniwan na ako ni Abel. Hindi ko alam kung pa'no mag-uumpisa uli kung sakaling wala na nga talaga siya. Nakapapaso ang init ngayong tanghali kaya nagpasya na akong itaklob sa ulo ko 'yong beach scarf at gawin 'yong pananggalang sa araw. Sa lilim na nilikha ng scarf ay namilog ang mga mata ko nang maaninagan ang malamlam na imahe ni Abel sa tabi ko. "Nandito ka..." Wala na 'yong pilyong ngisi niya kanina. Seryoso na ang mestizo niyang mukha na nakatitig lang sa'kin. "Kanina pa ako nandito, Mona," aniya. "A-Akala ko iniwan mo na ako. Kanina pa kita hinahanap pero hindi na kita makita at maramdaman. Tinago mo ang presensya mo, 'no?" "No, I was here all along. Hindi ako nagtago o umalis ni isang saglit sa tabi mo." "G-Gano'n ba?" hindi ko gusto ang ipinapahiwatig niya kaya pilit ko na lang pinasigla ang sarili ko. "H-Halika na nga. Dito ka lang sa lilim para makita kita. Kapag nasa arawan ka hindi na kita masyadong maaninag, eh." Wala sa sarili kong inabot ang bisig niya para sana hilahin siya sa lilim ng scarf ko pero natauhan ako nang tumagos lang ang kamay ko sa balat niya na parang puting usok. Agad kong binawi ang kamay ko para hindi mapahiya sa nagawa. "Mona, mali ako. I think this is not gonna work," saad niya. "Ano bang sinasabi mo riyan? Magwo-work 'to. Masaya naman ako ngayon. Masaya ako sa'yo. 'Wag ka na nga mag-isip ng kung ano-ano. Tara na balik na tayo sa—" "Kalimutan mo na ko," he cut me off. Ang layo ng tingin niya kaya imbis na masaktan ako sa sinabi niya ay mas nagtaka lang ako sa kung saan siya nakatanaw. "Abel? Anong problema?" Lumatay ang tingin niya sa mga mangingisdang bagong dating na tinatabi ang bangka nila sa may buhanginan. May hawak silang bote ng gin habang tatawa-tawang nakatingin sa'kin. Ang isa ay dumura pa sa gawi ko at nambabastos. Hindi na bago sa'kin ang ganito. Para sa kanilang sarado ang third eye, ang nakikita nila ay mag-isa lang ako ritong nakatayo at nakikipag-usap sa hangin. Kung ako sa kanila pagtatawanan ko rin ang sarili ko. "D*mn it. Hindi talaga sila titigil," asik ni Abel. Nagulat ako nang magmartsa siya palapit sa mga mangingisda para turuan sila ng leksyon. "Abel, 'wag!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD