"Coreen!" Bumuntong-hininga muna ako bago siya nilingon. Nakatayo ito sa tabi ng kanyang sasakyan at ako ay ilang hakbang na ang layo mula sa kanya. The navy blue shirt makes his skin a bit lighter. "What?" masungit na sabi ko. Huwag niya sabihin na porque nilutuan niya ako ng breakfast at sinabay sa pagpasok ay ayos na kami. No. Magsama sila ni Janina. At matapos niya akong ipahiya kahapon? Shouldn't he be sorry for making me feel stupid? Ako ang biktima rito pero kung umasta siya ay parang isa akong spoiled brat sa kwento. But then... Hindi niya naman alam na alam ko na. Wala siyang alam sa pagkikita namin ni dad at ng kabit nito na tita niya. Hindi man lang ba pinaalam sa kanya? After all, sila naman ang magkakampi, 'di ba? Agad na umikot ang dalawang mata ko kahit na wala pa siy