- COREEN SANCHEZ - "Happy birthday, anak!" Nagising ako dahil sa pagpasok ni mommy sa kwarto ko. May dala siyang cake na may nakasinding kandila. It's the cake we made last night. Natawa ako ng bahagya, was it supposed to be a surprise when I already saw it? Umupo ako sa kama at tumingin sa kanya. "Make a wish," she commanded before I can even say or do a thing. "Mom, ano ako bata?" reklamo ko at umambang hihipan ang kandila pero inilayo niya ang cake sa harap ko. Lumamlam ang mga mata ni mommy. Tinikom ko ang bibig at bahagyang pinag-aralan ang ekspresyon na lumalabas sa kanyang mukha ngayon. Sadness. Iyon ang nababasa ko. Katulad ng sinabi ko noon ay hindi ako magaling manghula ng nararamdaman ng ibang tao maliban na lang kung masyadong halata iyon. Like what she's showing to me