"Pamangkin ko si Vince," aniya na nagpatigil sa akin sa akmang paglabas. "Wala naman sa plano ang lahat ng ito, Coreen, kaya 'wag kang magalit sa daddy mo. Nagkataon lang na nalaman naming pareho kayo ng papasukang university kaya--" "That doesn't give you the right to control my fvcking life!" Nanghihina ako lalo sa mga nalalaman ko. Vince and this woman... magkamag-anak sila? Bakit hindi ko alam? Hindi niya sinabi. O wala talaga siyang balak ipaalam sa akin? He fvcking knows who is my father's mistress. And worse, tita niya pa! "Anak..." Humakbang palapit ang tatay ko raw pero hindi naman marunong magpaka-tatay. "Alam ko na mahirap sa'yo ang lahat ng ito kaya naiintindihan ko na masama ang loob mo sa akin. Pero si Vince, mabait ang bata na iyon, huwag ka sa kanya magagalit. Sa akin n