Maaga kaming pinalabas ng hospital kinabukasan. Bumalik na rin ang energy ko at magaan na ang pakiramdam ko. "Dinner later?" aya ni daddy habang tinutulungan akong mag-ayos ng gamit. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa apartment ko at si mommy ay umuwi na dahil may aasikasuhin. I smiled at him apologetically. "May gagawin po ako, eh. Maybe some other time?" Mapang-unawang ngiti at tango naman ang isinukli niya sa akin. Pinanood ko siya na bayaran ang hospital bills ko. Hindi ko na mapigilan ang pag-ngiti. Oo at nasa awkward phase pa rin kami. Ang tagal na naming hindi nagkausap ng maayos o nagkasama. Alam mo yung feeling na bago sa pakiramdam pero ramdam mo na pamilyar? I don't know if that makes any sense but that's what I am feeling right now. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng s