PAGKATAPOS lutuin ni Margareta ang order ni Zandro ay agad niya iyong hinatid sa binata na naliligo sa swimming pool. Wala naman siyang makitang tao sa paligid. Inilapag niya sa mesa na yari sa bato ang pagkain na dalawang dipa lamang ang pagitan sa swimming pool. Pagkuwa'y lumapit siya sa swimming pool upang tawagin si Zandro. Isang hakbang na lang ay nasa hagdan na siya pababa sa tubig nang biglang umahon ang bulto ni Zandro. "Ay kabayo!" bulalas niya at kamuntik pang madulas ang paa niya dahil sa nerbiyos. Nag-apura namang umakyat si Zandro na tanging itim na boxer lamang ang suot. "Luto na ba?" tanong nito habang papalapit sa kanya. "O-opo," kinakabahan pa ring tugon niya. Hindi niya naiwasang suyurin ng tingin ang matipunong pangangatawan ng binata. Pakiramdam niya'y biglang nanuy