BUMUNTONG-HININGA si Margareta matapos mabasa ang aklat na isinulat pa ng kanyang Lola. Palagi niyang nababasa ang aklat pero noon lang niya inintindi ang nakatala. Kinikilabutan siya. Ilang araw na lang ay kaarawan na niya. Hindi naalis sa isip niya ang pangalan ng diablo na si Zardum, na umanoy nagbabantay sa kanya. Kung binabantayan siya nito, ibig sabihin nasa paligid lang niya ito. Hindi kaya si Zardum ang pusa na palagi kong nakikita? May kakayahan siyang gamitin lahat ng elemento sa mundo. Maaring ginagamit niya ang pusa. Pero bakit mabait siya sa akin? Naguguluhan siya sa kanyang naisip. Binasa ulit niya ang libro at tinandaan ang mga importanteng impormasyon. Dalawang araw na walang pasok si Margareta kaya tumulong siya kay Mercedes sa pag-deliver ng mga halaman sa suki nito.