HINDI pumasok sa trabaho si Margareta para lang alagaan si Kenji. May lagnat pa rin kasi ito. Si Renn na mismo ang lumapit sa kanya para hilingin na puntahan niya si Kenji sa bahay ng mga ito. Hinahanap-hanap daw kasi siya ng binata. Nagluto siya ng goto para almusal ni Kenji. Hindi pa rin lumalabas ng kuwarto nito si Kenji dalawang araw magmula noong nangyari ang insidente. Nang pakakainin na niya ito ay nadatnan naman niya ito sa palikuran. Nakaharap ito sa malaking salamin. Hubad-baro ito at tanging boxer pants lamang ang suot pan-ibaba. Dahandahan siyang humahakbang palapit dito. Hinihingal ito at may butil butil na pawis sa noo at pisngi. Akmang hahawakan niya ito sa balikat ngunit napakislot siya nang bigla siya nitong harapin. Namumungay ang mga mata nito na mamasa-masa buhat sa l