Chapter 29

2687 Words

KINAKABAHAN si Margareta habang hinihintay si Gng. Josefa sa tanggapan nito. Makalipas ang dalawang linggo ay noon na muli niya ito makikita. Noon lang kasi siya muling pumasok sa hotel. Kinakabahan siya na baka hindi siya nito matanggap para sa anak nito. Ang sabi kasi ni Zandro ay sinabi na nito sa magulang nito na magpapakasal sila sa lalong madaling panahon. Katunayan ay inaasikaso na nila ang mga papeles nila. Nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Gng. Josefa ay dagli siyang tumayo. "Magandang hapon po, Ma'am!" malugod niyang bati. Hindi siya nito kinibo bagkus ay umupo ito sa tapat ng mesa nito. Sinuyod siya nito ng tingin. Pagkuwa'y umupo siyang muli sa katapat nitong silya. "Kailan ang eksaktong petsa ng kasal ninyo ni Zandro?" seryosong tanong nito. Sandali siyang natulal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD