"Titus!" Malaka sna sigaw ni Olivia, habang yakap-yakap n'ya ito. dahil ang tagal ng ambulance kaya binuhat na lang ito ni Rey, at agad na sinakay nito sa kanilang sasakyan. "Rey, please bilisan mo ang pagmamaneho." Umiiyak na utos ni Olivia kay Rey. Binilisan naman ni Rey ang pagmamaneho. Sinundan namn ni Jake at mga police ang mga lalaking nakaaway nila Titus kanina para mahuli ang mga ito at malaman kung sino talaga ang may pakana ng lahat. -- Pagdating nila sa hospital ay agad silang inasikaso ng mga doctor at isa na doon si Harold, na siyang gagamot kay Titus, Hawak-hawak naman ni Olivia ang kamay ni Titus, hanggang sa makarating sila sa emergency rom. "Ma'am, hanggang dito na lang po kayo." Sabi ni Liza na kasama sa loob. "Please, Gawin n'yo lahat mailigtas lang ang asawa ko."