"Olivia, binabalaan kita huwag na huwag kang gagawa ng eksena na hindi mo alam!" banta ni Rebica dito. "Huwag kang magkakamali na magsabi nang kung anu-ano sa kanila!" galit na sabi ni Jess dito. "Oh' talaga ba? wow nanginginig naman ako sa takot, mga boba ako pa talaga ang tinakot n'yo? Hindi ako tanga para magbuo-buo mg kwento na gaya n'yo mga duwag!" mariin na sabi ni Olivia kina Jess at Rebica na halatang nanginginig ang mga ito sa takot. "Olivia, bakit hindi mo pa sabihin sa amin para alam namin!" sabi naman ng ama ni Titus. "Bakit hindi n'yo tanungin sa kanila ang kanilang ginawa sa pamilya at kompanya n'yo, baka kasi kulang ang maisawalat ko sayang naman." nakangiting sagot ni Olivia sa mga ito sabay tingin ng matalim kina Jess at Olivia. "Wala kang karapatan na siraan kami!" g