"Ipaparamdam ko sa inyo ang sakit na naramdaman ko, at nasisiguro kong sa araw na maging maging masaya ako ay ang araw naman na ikalulungkot n'yo!" Wika ni Olivia habang nakatigin ito sa labas ng kanyang opisina dahil purong glass ito. " "Sir, sigiruado ka bang may kinalaman ang pamilya talaga ni Olivia sa nangyari sa pamilya at sa kompanya n'yo?" Tanong ni Jake kay Titus habang nasa opisina sila. "Naguguluhan ako sa nangyayari ang bilis, parang hindi ako makapaniwala na may kinalaman nga ang pamilya ni Olivia sa pagsasabutahe sa kompanya namin." Seryusong sabi ni Titus kay Jake. "Ayon sa mga nakalap namin ay na set up lang ang pamilya ni Olivia, dahil matalik na magkaibigan ang mga magulang ninyo ni Olivia ay ito ang tinuturi nilang may kagagawan sa lahat, pero ang pagkakaalam ko may