Biglang napatayo si Titus sa kanyang upuan nang makita nito ang babaeng nakasama nito sa gym, "Sabi na nga ba magkikita pa ulit tayo," sa isip ni Titus.
"Bro, ano 'yon?" tanong naman ni Karl nang makita niya si Titus na biglang tumayo.
"Ah, wala bro parang may nakita lang ako," pagsisinungaling na sagot nito sa kaibigan, dahil ayaw niya munang ipaalam sa mga ito ang nangyari noong nakaraan.
--
Tuloy lang ang inuman nila Olivia at mga kaibigan nito, hindi naman maiwasan na maraming kalalakihan ang napapatingin kay Olivia, dahil sa ganda nito at sa sexy pa na suot ay talagang lantad ang makikinis niyang balat lalo na ang legs nito. Wala namang pakialam si Olivia dahil sanay na siya sa ganoon basta nasa bar siya.
---
Panay naman ang sulyap ni Titus kay Olivia na panay ang tawa habang kausap nito ang mga kaibigan. Napapangiti naman ng lihim si Titus dahil ayaw niyang mapansin siya ng mga kaibigan pero huli na dahil huling-huli siya ng dalawang kaibigan nito.
"Huwag mong sabihing nababaliw kana Titus at kitang-kita namin na pangiti-ngiti ka diyan."
"Wala, may naalala lang ako," tanging sagot lang ni Titus sa mga ito.
---
Dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng bar ay niyaya ni Pia sila Olivia at Mia na sumayaw ngunit ayaw ni Olivia kaya si Mia at Pia lang ang pumunta sa gitna para sumayaw at nakisabay sa mga taong nagsasayawan.
---
Gustong namang sumayaw nila Karl at Kim dahil marami silang nakikitang mga magagandang babae kaya niyaya ng dalawa si Titus pero umayaw ito dahil hindi namam siya mahilig sumayaw. Nakita naman ni Titus na nag-iisa si Olivia sa table nila at iniwan din siya ng mga kaibigan nito para sumayaw.
Dahil marami nang nainom si Olivia at ramdam na niya ang kanyang pagkahilo kaya tumayo ito at pumunta sa restroom. Nakita naman ni Titus ang dalaga kaya tumayo rin siya para sundan ang babae.
---
Nahihilo na talaga si Olivia kaya napasandal muna siya sa gilid, medyo madilim ang bahagi na iyon.
"Are you ok?" mahinang tanong ng lalaki kay Olivia.
Dinilat ni Olivia ang kanyang mga mata at inaninag mabuti kung sino ang nasa harap nito. Kinurap-kurap nito ang kanyang mga mata baka namamalikmata lang siya kaya hinawakan nito ang mukha ng lalake sabay hinalikan niya ito. Nagulat naman ang lalake sa ginawa ni Olivia pero dahil parehas silang nakainom na dalawa ay gumanti naman ang lalake sa halik ni Olivia, halik na mas malalim at nakakapag-init ng katawan. Unti-unti namang gumapang ang isang kamay ng lalake sa loob ng top ni Olivia at pinasok ito roon, ramdam ni Olivia ang mainit na palad sa kanyang malulusog na dibdib at lalong uminit pa ang tagpong iyon. Unti-unti siyang binuhat ng lalaki papasok sa isang room. Unti-unting bumaba ang halik ng lalake pababa sa kanyang leeg. Napasinghap naman siya nang may naramdamang kakaiba sa ginawa ng lalake sa kanya. Pababa pa nang pababa ang halik na iyon hanggang sa naramdaman ni Olivia ang mainit na labi nito sa kanyang namumungay na dibdib. Nasabunutan pa nito ang lalake. Biglang tinulak ni Olivia ang lalaki palayo nang mahimas-masan si Olivia. Isang malakas na sampal ang natanggap ng lalaki mula kay Olivia.
"Walang hiya ka!" tanging nasabi lang ni Olivia.
"Ako pa talaga ang walang hiya? Eh, ikaw nga ang unang humalik sa akin," depensa ng lalake.
''Magkano kailangan mo para manahimik at walang makakaalam sa nangyaring ito!" seryosong tanong ni Olivia sa kaharap.
"Sa tingin mo kailangan ko ang pera mo?" sabay ngiti sa kaharap dahil parang nainsulto siya sa sinabi ni Olivia.
"Huwag ka nang magkunwari pa 'di ba nga isa ka lang namang part time instructor sa gym at isang bouncer dito!" pasigaw na sabi ni Olivia sa kaharap.
"So iyon pala ang pagkakakilala mo sa akin isang bouncer dito sa bar at isang part time instructor sa gym. Okay kung yan ang alam mo hindi kita pipiliting makilala ako. Don't worry Miss Olivia hindi makakarating kung saan ang namagitan sa ating dalawa. Siya nga pala I'm Titus." Sabay labas nito sa kuwarto.
---
Kinabukasan hindi pumasok si Olivia dahil sa kahihiyang ginawa niya kagabi. Ang buong akala niya ay makakalimutan niya ang lalake kaya siya uminom kagabi, pero hindi pala, mas lalo lang siyang nakulong sa katauhan ng lalake, kaya mas pinili niyang magmukmok na lang at isipin kung paano mawala sa isip nito ang lahat nang nangyari at pati ang lalaki ay ayaw na niyang makita.
---
"So, Olivia Miller pala ang totoong pangalan nito, isang business tycoon din ito na kagaya ko," napangiti si Titus sa nalaman nito tungkol sa babae.
Tinawagan ni Titus si Jess para kumuha ng appointment sa company ni Olivia at agad namang sumunod ang secretary nito.
"Sir, okay na po, nakapag-set na ako ng appointment sa Miller company bukas po, three pm ng hapon sa Pavillion Hotel po," mahabang sabi ni Jess sa amo.
"Okay, thank you, makakaalis kana," sagot lang ni Titus dito.
---
Tinawagan naman ni Olivia ang kanyang secretary para alamin kung may meeting ito na importante sa araw na ito, para alam niya ang kanyang gagawin. Dahil sa kalasingan niya kagabi ay masakit pa rin ang kanyang ulo, kaya mas pinili nitong huwag na lang munang pumasok.
"Ma'am, today po wala po kayong mahalagang meeting pero bukas po meron, three pm sa Pavillion Hotel po," sagot ni Lily kay Olivia.
"Okay, thank you," sagot lang nito at pinatay na ang linya.
Dahil pakiramdam pa rin ni Olivia ay nasa katawan pa rin niya ang mga kamay ng lalake ay nagbabad siya sa bathtub. Galit siya sa sarili niya dahil hindi nito na control ang sarili at siya pa mismo ang humalik sa lalaki at nasampal pa niya ito. Hiyang-hiya siya sa sarili niya pero anong magagawa niya tapos na at sa isang part time instructor pa talaga at isang bouncer sa bar. Sa inis ni Olivia binasag nito ang lagayan ng candle sa tabi ng bathtub nito, gusto niyang magwala pero ayaw niyang malaman ng ina ang nangyari sa kanya at tiyak mag-aalala ito sa kanya. Wala sa Pilipinas ang ama ni Olivia dahil may negosyo rin sila sa ibang bansa, kaya ang ina lang nito ang kanyang kasama.
"Aahh!" sigaw ni Olivia sa loob ng banyo nito, "Ang tanga mo talaga Olivia matalino kang tinagurian, pero bakit ang tanga mo!" galit na kausap nito ang sarili.
---
"Bukas, Olivia Miller makikilala mo na ang buong pagkatao ko," sambit ni Titus habang nasa vernada ito at umiinom ng alak na paborito nito. Hindi niya alam ang nararamdaman nito sa babae, may kakaibang saya sa kanyang puso tuwing naaalala nito ang babae at lalo na ang namagitan sa kanilang dalawa kagabi. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon sa isang babae, aaminin man niya may ilang babae na rin ang dumaan sa buhay niya, pero hindi ganon ang lakas ng impact sa kanya. Ibang-iba si Olivia sa lahat.
---
Kinabukasan dahil hapon pa naman ang meeting ni Olivia, kaya pinili nitong sa bahay na mag-almusal kasama ang ina nito, dahil matagal na niya itong hindi nakakasama kumain, dahil puro na lang sa labas ito kumakain.
"Hi, Mom," bati ni Olivia sa ina na nadatnan nitong nasa kusina para ipaghanda siya ng almusal nito.
'"Good morning, iha," bati naman ng ginang dito.
Matapos kumain ang mag-ina ay nakipagkwentuhan muna si Olivia sa ina, dahil wala naman siyang lakad kung hindi ang makipag-meeting lang ito mamaya.
Nakapag-ayos na si Olivia at handa na siyang umalis para sa meeting nila ni Mr. Hill. Ang buong akala ni Olivia ay matanda na ang kameeting nito. Naghihintay naman si Rey sa labas at dala-dala na nito ang mga papers na kailangan niya para sa meeting nila.
"Lets go," sabi lang ni Olivia kay Rey at sumakay na ito sa sasakyan.
"Maaga pa baka may gusto ka pang puntahan," ani ni Rey kay Olivia.
"Okay na ako,wala naman akong pupuntahan," sagot lang ni Olivia
rito.
Parang halata naman sa mukha ng dalaga na may problema ito, halata iyon ni Rey kahit hindi magsabi ang dalaga alam niyang may problema itong iniisip. Minsan kasi nagsasabi sa kanya ang dalaga ng kanyang problema, parang tinuring na rin niya itong kapatid. Mas bata lang si Rey kaysa kay Olivia at mapagkakatiwalaan din niya ang binatang driver. Minsan naaalala pa nito na pinagtanggol niya ang babae sa ama noong may nagawa itong kasalanan.
"May problema ka?" tanong ni Rey dito.
"Bakit halata ba?" sagot naman ni Olivia.
"Ako pa ba ang hindi makakahalata na may problema ka?" ani ni Rey dito.
"Wala, okay lang ako. Kaunting problema lang naman pero kaya ko ito," sagot nito.
"Basta nandito lang ako 'pag kailangan mo ng kausap," sabi ni Rey.
Tumango lang si Olivia bilang pagsang-ayon kay Rey, dahil ayaw niyang humaba ang usapan nila.
Narating naman nila ang Pavillion Hotel, kung saan sila magkikita ni Mr. Hill, nakita niya agad itong nakatalikod kaya nilapitan niya ito. Habang paunti-unting lumalapit si Olivia ay pakiramdam niya ay kinakabahan siya ng nakaharap na nito ang lalake.
"Ikaw?" tanging nasambit ni Olivia dahil sa gulat nito.
"Yes, ako nga," nakangiting sagot ng lalaki.