47 "Olivia? buntis ka?" Tanong ulit ng babae kay Olivia. Biglang napalayo si Olivia kay Titus sa gulat niya ng makita ang babae sa kanyang harapan. "Lie?" Gulat na sabi ni Olivia sa kaharap. "So buntis ka nga?" Tanong ulit nito kay Olivia. Binigay ni Olivia kay Titus ang binili nilang mga vitamins at kinausap ni Olivia ang babae si Lie ay dating secretary ng kanyang ama. Sinabi naman ni Olivia dito huwag na huwag muna sasabihin sa kanyang mga mgaulang kung ano man ang kanyang nakita ngayon, maabait ito makapagkakatiwalaan kaya alam niyang hindi nito sasabihin sa kanyang mga magulang.At nangako naman ang babae na wala siyang pagsasabihan. Dahil nagmamadali ito kaya nagpaalam na ito kay Olivia dahil bumili lang ito ng gamot ng kanyang ama na may sakit. "Sino 'yon?" Tanong naman ni Titus