Chapter 8

1731 Words
Laking gulat ni Titus ng makita nito kung sino ang mga sinasabi ni Olivia na lalaki sa kanilang room. "Bakit hindi mo sila ginising?" pagtatakang tanong ni Olivia kay Titus. "No need hintayin natin silang magising nasisigurado kong walang masamang nangyari sa mga kaibigan mo." kampanting sagot ni Titus. "Paano mo nasisigurado na walang nangyari sa kanilang masama eh, bakit sila andito?" galit ba tanong ni Olivia. "Pwede ba kumalka?" sabi naman ni Titus na nakapamaywang lang ito at relax na relax. "Kong ayaw mo akong tulungan puwes tatawag ako ng mga police para damputin sila!" galit na sabi ni Olivia at akmang tatawag ba ito nang biglang hinablot ni Titus ang cellphonw nito. "Ano ba?" galit na tanong ni Olivia. "Kilala ko sila kaya pwde ba tumahimik ka andito ako, at alam ko ginagawa ko." ani Titus kay Olivia. "So' kilala mo ang mga ito?" tanong ulit ni Olivia. "Kilalang-kilala mga kaibigan ko sila, siguro sobrang kalasingan ng mga kaibigan mo at baka nagkakilala sila at ayan nga lahat sila lasing at dito napadpad instead na sa kabilang room sila." Mahabang paliwanag ni Titus kay Olivia. Napailing na lang si Olivia, pero gayang sabi ni Titus nasisiguro n'yang walang nangyari sa mga kaibigan at parang wala naman talaga at gaoon parin naman ang ayos ng mga damit nito mula kanina kaya umupo na muna siya at hintayin nilang magising ang apat at sila na magpaliwanag kung ano ba talaga nangyari. "Kong gusto mong matulot muna sa room namin pwede kang matulog doon." seryosong sabi ni Titus kay Olivia. "No way!" sagot agad ni Olivia baka sa isip niya eh dalawa sila matutulog doon at naka matuloy pa ang dapat matuloy na kanina pa. Halos kinilabutan si Olivia sa kanyang iniisip. "Ano ba Olivia.!" saway nito sa kanyang isip. "Ikaw bahala." tipid na sabi ni Titus at umupo ito sa kaharap niyang upuan. "Gusto mo ng maiinum tea or coffee igagawa kita." tanong ni Olivia "Tea please." maiksing sagot ni Titus at agad namang gumawa ng tea si Oliva para sa kanilang dalawa. Lumabas naman si Titus at doon ito sa terrace maghintay kay Olivia. Matapos gumawa ng teas si Olivia ay dinala na nito ang sa labas kong asaan ang lalaki. Gusto n'yang gising ang kanyang diwa hanggang lumiwanag lalu pa't kasama nito ang lalaki. Nilapag nito ang dalang dalawang tasa ng tea sa mesa na andoon. "Thank." tipid na sabi ni Titus kay Olivia at kinuha nito ang tasa at humigip ito. Tipid lang na ngiti ang sinukli ni Olivia kay Titus. Halos naiilang siyang kasama ang lalaki lalo pa't maalala n'ya ang mga nangyari sa kanilang dalawa. Alam n'yang mas matanda siya sa lalaki malaki amg agwat ng kanila edad at hindi pa nya kilala ang lalaki, kung may asawa ito or girlfriend ayaw n'yang makaladkad ang kanyang pangalan sa kahihiyan. Gusto sanang tanungin ni Titus si Olivia kung bakit ito single pa sa edad nyang iyon. Ngunit nag-aalinlangan si'ya baka magalit pa lalu sa kanya ang dalaga. Pareho lang silang tahimik habang nakatingin sila sa magandang tanawin na napapalibutan ng magaganda ilaw. Nakikiramdam kung sino ang unang magsalita sa kanilang dalawa. Parang gusto ng hilahin ni Olivia ang oras para mag-umaga na or gusto na nyang gisingin ang mga kaibigan at umalis na a lugar na iyon, ngunit ayaw naman nyang na mambulabog ng ganoong oras lalu pa't nakainum ang mga kaibigan. Tahimik lang si Titus habang nakikiramdam sa galaw ng babae, na parang naiilang ito sa kanya at alam naman nito ang dahilan. Dahil ramdam ni Titus na nilalamig si Olivia kaya kumuha si Titus ng kumot sa loob at nilagay ito sa katawan ni Olivia at na nagulat naman ito sa ginawa ng lalaki. "Salamat." tanging naisatinig lang n'ya. "Huwag masyadong kulang sa tela ang suot, para hindi mabastos." ani Titus mahina pero dinig na dinig ito ni Olivia. "Hello, wala tayo sa panahong sinauna kaya pwde ba 'wag mong pakialaman ang suot ko." ani Olivia sabat irap nito sa lalaki. "Makasabi naman akala mo boyfriend ko." dugtong pa sa isip ni Olivia. Hindi na lang pinansin ni Titus ang sinabi ng dalaga at tinuon na lang nito sa ang mga mata sa malawak na tanawin at tumayo ito para damhin ang malamig na simoy ng hangin habang nakatalikod ito kay Olivia. Hangang-hanga naman si Olivia sa pangangatawan ni Titus parang pakiramdam nya ay mabait ang lalaki or siya lang talaga nag-iisip na masama kay Titus. Hindi nya alam kong may nararamdaman ba siya dito, dahil pagnakikita ata nakakasama nya ito ay parang kay sarap at saya sa kanyang pakiramdam. Paglingon ni Titus ay nakatulog na si Olivia sa upuan, napapailing na lang siya at papangiti sa posisyon ng dalaga kaya dahan-dahan niya itong binuhan para ihiga sa loob at mahaba ang sofa na andoon. Kay sarap pagmasdan ang maamo nitong mukha habang inaayos nito ang pagkahiga ng ni Olivia. Iba na talaga ang tama sa kanya ng babae. Gagawin n'ya lahat mapalapit lang dito at makilala ito ng husto alam n'yang may side na mabait ito. Umupo naman siya sa may uluhan banda ni Olivia at baka mahulog ito. Habang tinitingnan nito ang mga kasamahang tulog. -- Mag ala-sais na ng magmulat ng mata si Olivia at agad ang gwapong mukha ni Titus ang kanyang nakita. "Good morning." bati ni Titus dito. "Good morning too." sagot naman ni Olivia, hindi na siya nagtanong kong bakit siya nakatulog at napunta siya doon sa sopang iyon. "Salamat ulit." sabi ni Olivia kay Titus at alam na ng lakaki kung ano ang pinapasalamat nito. Umupo namna si Olivia at alam niyang magigsinga na ang mga tulog at hindi nga siya nagkakamali. Halos sabay nagising ang apat at bigla silang napatayo sa gulat. "Baka may gusto kayong ipagliwanag sa amin?" seyosong tanong ni Titus sa mga kasama. Nagtinginan naman silang apat kung sino ang magpapaliwanag daig pa nila ang mahahatulan sa tingin nila Olivia at Titus. "Pia, Mia, baka gusto n'yong magsalita?" taas kilay na tanong ni Olivia sa dalawa. "Kim, Karl, ano siguraduhin nyong walang lumampas sa inyo sa limit kagabi?" tanong ni Titus sa mga ito. "W-wala!" panabayang sagot nilang apat. Nagtinginan naman si Olivia at Titus sa reaction ng mga kaibigan nila. Si Kim na ang nagpaliwanag kung bakit sila napunta doon at doon sila nakatulog. Sa sobrang kalasingan nilang apat. "T-tama." sagot naman ni Pia na sumasang-ayon sa paliwanag ni Kim. "Eh kayo' bakit pala kayo magkasama?" naguguluhang tanong ni Karl kina Titus at Olivia. Nagkatinginan naman ang dalawa dahil napunta ata sa kanila ang usapan. "Huwag n'yong sabihin na magkasama kayo kagabi kaya kayo nawala?" tanong naman ni Pia. Nanlaki naman ang mata ni Olivia sa tanong ng kaibigan at tiningnan nito si Titus. "Karl, Kim, tara nakakaabala na tayo, alis na kami paalam ni Titus kay Olivia at tumango lang ito, ayaw nilang sagutin ang mga katanungan nga kanilang mga kaibigan kaya iniwasana na lang nila ang mga ito. Nagpaalam naman sina Kim at Karl kina Pia at Mia at tumango lang ang mga ito sabay alis na rin nang dalawa. "Ayusin n'yo mga sarili n'yo." ani Olivia sabay pasok sa bathroom.oara maligo maligo at kanina pa siya naiirita sa kanyang sarili. Nakatinginan nalang ang dalawa at sabay galaw na rin para ayusin ang mga sarili. Matapos nakaligo ang tatlo ay nagpasya na silang kumain sa labas at maglibot dahil uuwi na sila mamayang hapon tinawagan na rin ni Olivia si Rey na sunduin na sila. "Kamalasann talaga." mahinang anas ni Olivia na hindi naman nakaiwas sa dalawang kaibigan. "Ano?" tanong ni Pia. "Wala." sabay upo sa upuan na kaharap ang tatlong magkakaibigan dahil wala ng ibang bakanteng table. Nakita naman agad nina Pia at Mia sina Karl at nagkangitian lang ang mga ito, samantalang hindi maipinta ang mukha ni Olivia, parang may something sa dalawa. Nagkukwentuhan ang magkakaibigang Titus, Kim at Karl panay ang tawanan ng mga ito kaya binilisan ni Olivia ang kumain umalis na sa kainan na iyon. Matapos silang kumain ay agad tumayo si Olivia at sumunod naman ang dalawa pansin naman ni Titus na parang umiiwas ang babae sa kanya. Namili naman ng mga pasalubong sina Olivia para sa kanyang magulang at sa kanilang mga kasambahay, ganoon siya tuwing may outing siya kahit saan pag-uwi n'ya ay may mga pasalubong siyang dala para sa mga taong nasa paligid n'ya. Matapos namili ang magkakaibigan ay bumalik na sila sa kanilang room para ayusin ang mga gamit dahil malapit na ang kanilang sundo. Habang nasa room na sila ay tumawag naman si Rey at tinanong nito kung anong sila at pupuntahan niya ang mga ito, at agad namang sinabi ni Olivia dito. Halos hindi naman maigalaw ni Olivia ang kanyang paa dahil umatake na naman ito sanhi ito noong ng natapilok siya sa Amerika habang naglalakad siya kaya minsan sinusumpong ito at siya namang dating ni Rey. "Ok ka lang pag-aalalang tanong ni Rey dahil alam nito ang sakit among dalaga. "Medyo masakit." nakangiwing sagot ni Olivia. Mimasahe naman ni Rey ng dahan- dahan ang paa ni Olivia na lagi nyang ginagawa pagsinumpong ito na magksama sila. "Mauna na kayo sa baba susunod na lang kami agad." utos ni Olivia sa mga kaibigan at sumang-ayon naman ang mga ito at dinala na nila ang gamit ni Olivia. Nakasabay naman nina Kim at Karl sina Pia at Mia, tinanong naman ni Pia kung saan ang isa nilang kasama at sinabi naman ni Kim na may kausap lang sa telephone at susunod na pababa. "Bubuhatin na lang kita pababa, pag hindi pa ok mamaya dadaan tayo ng hospital." Rey at tumango naman ang dalaa at inayos na nito ang sarili para bababa na rin sila at no choice hindi nya kayang ilakad ang isang paa kaya pagpapabuhat na lang siya. "Lets go." ani Rey at sabay buhat nito sa amo at lumabas na. Sakto namang paglabas ni Titus sa may pinto at nakita nya ang tagpong iyon na kinakunot ng noon nya na paran gusto nyang sugurin nang suntok ang lalaking may buhat kay Olivia. Parang may biglang tumusok na kutsilyo sa kanyan puso ng makita nya ang tagpong iyon. "Sino siya boyfriend nya? huli naba siya? Nagseselos ba siya or mahal na talaga niya si Olivia. Sabay silang sumakay sa elevator pababa halos hindi na makapagtimpi si Titus parang gusto na n'yang agawin si Olivia sa lalaking may hawak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD