"Hindi alam ni Olivia ang kanyang gagawin sa mga oras na iyon. Dali-dali ni'yang pinunas ang luhang pumatak sa kanyang maga mata. "Inuulit ko sino ka?" Galit na tanong ng ama ni Titus. Hindi alam ni Olivia kung haharap pa siya or patakbong aalis sa room na iyon. "Ah, Sir, sorry private nurse ko po siya at inutusan kong i-check ang anak niyo, dahil may emergency sa kabilang room." Ani Harold kay Don Rodrigo. "Ah, okay." Sagot naman ng Don kay Harold. "Sige na Jane, makakaalis kana ako na bahala dito." Utos ni Harold kay Olivia at pinalitan talaga nito ang pangalan ni Olivia para hindi ito mahalata ng ama ni Titus. "Thank you." Ani Olivia kay Harold at mabilis na itong lumabas at hindi na nito nilingon pa ang ama ni Titus na alam niyang nakatingin ito sa kanya. Nakahinga ng maluwang s