Kabanata 7

1755 Words
“Oh nandito na pala ang anak ko kuya, oras na kasi ng pagkain ko, marahil magluluto din ang aking anak ng makakainin ninyong dalawa. Kaya lang pagpasensyahan mo na kuya kung ano lamang ang makayanan namin maihain sayo. Alam mo naman na hirap na hirap din kami sa buhay hindi ko nga alam kung saan kinuha ng anak ko itong ipinambili niya sa akin ng gamot. Pero alam ko naman na hindi gagawa ng hindi magandang ang aking anak.” Nakangiting wika ng tatay ni Hiraya. Siya namang naglalakad pa lang patungo dito ay napalunok ng ilang beses dahil sa tinuran na iyon ng kanyang tatay, agad na napatingin siya sa kanyang Tiyo Atlas na noon naman ay iniiwasang tumingin sa kanya. Pero napansin niya na bahagya itong napailing at napatikhim ng ilang beses. Namula tuloy ang kanyang pisngi, para bang may nais sabihin tungkol sa sinabi ng kanyang tatay. Kaya naman talagang todo ang kaba niya, kasi mamaya bigla-bigla na lang magsalita ang kanyang Tiyo tungkol sa totoong nangyari at totoong pinagmulan ng kanyang pinambili ng gamot para sa kanyang tatay at iyong mga grocery na dala-dala niya kanina. “Naku si tatay talaga napakadaldal kahit kailan, saglit lang po ihahanda ko lang iyong kakainin ninyo para makakain na kayo. Bibili na lamang po ako ng ulam diyan sa may kanto, siguro naman po kumakain non si T-Tiyo Atlas. Masarap naman pong magluto si aling Lomeng, ako po kasi hindi pa masyado kaya mas mainam na bumili na lang kesa ipagluluto ko pa si tiyo. Tsaka po may gagawin din po kasi ako sa kwarto kaya wala po akong time magluto.” nakangiting wika niya sa ama, pero mas tamang sabihin na nakangiwi kasi sobrang hiyang hiya siya sa tiyo Atlas niya. “Naku, okay lang ako huwag ka na mag-abala pa bale kakain na lang din ako sa labas mamaya pag-uwi ko. Tapos babalikan ko na lang kayo dito, kung nais mo Aris na magpagamot ay dadalhin na kita sa magandang ospital bukas na bukas din. Kailangang gumaling ka muna bago tayo umuwi ng probinsya kasi alam mo naman doon. Mas mahirap kung doon kapa magpapagamot.” Wika naman ang kanyang Tiyo. Napakagat labi pa siya kasi napakaganda ng boses nito, akala mo eh naririnig pa rin niya kung paano siya nito kausapin noong time na pinagsasaluhan nila ang napakasarap na sandaling iyon. Agad niyang naipilig ang kanyang ulo, kailangan niyang iwaksi sa kanyang isipan ang mga sandaling iyon na pinagsaluhan nilang dalawa. Isang kasalanan ang naganap na iyon kaya hindi na dapat pa niya iniisip pa. At sobrang nakakahiya at talagang nakakababa ng dangal na malaman na ang unang lalaki sa buhay niya ay ang tiyuhin nuya. Pero ewan ba nuya sa kanyang sarili kung bakit hindi na mawaglit-waglit iyon sa kanyang isipan. “Kung iyan ang nais mo kuya, pero wala kasi kaming pera at hindi namin kayang magbayad sa magandang ospital, sabi ko nga kahit sa center na lang ako dalhin para maresitahan ako ng gamot.” Wika pa ng kanyang tatay. “May pera ho tayo Tay, pumayag na kayo na sa magandang ospital para naman po gumaling na kayo ng tuluyan.” Hindi naman siya nakatiis at agad niyang sinabi sa ama. "Aba anak, ano bang sinasabi mong may pera tayo hindi basta-basta ang gastos sa magandang ospital. Ano ka ba? Wala tayong pera at saka kung meron man saan ka kukuha ng malaking halaga ha. At tsaka hindi natin kaya doon sa magandang ospital. Okay na ako diyan sa center o kaya diyan sa public hospital lang. Ayoko mamroblema ka pa, alam mo naman na ang dami-dami pa nating pagkakautang dahil sa pagkakasakit ng iyong inay hanggang sa mailibing natin siya. Kaya hindi natin kayang magpagamot sa maayos na ospital." pahayag ng kanyang tatay at talagang itinanggi nito na magpagamot sa magandang ospital dahil nga alam nito na wala silang pera. Natameme tuloy siya lalo na ng mapatingin siya sa kanyang Tiyo, oo nga naman. Papaano niya sasabihin sa kanyang tatay na may ganun siya kalaking pera. Syempre magtataka ito at magtatanong kung saan iyon nangaling at bakit may ganun siya kalaking halaga ng pera. Hindi tuloy siya agad nakasagot sa kanyang tatay dahil natitiyak niya na mag-uusisa ito at magtatanong kung bakit may ganun siya kalaking pera. At saka nahihiya din siya na sabihin iyon dahil ang kanyang Tiyo Atlas ay nakatingin, hindi man siya nito ini-insulto sa paraan ng pagtingin nito pero sobrang nakakahiya pa rin talaga. Pero parang hinihintay nito ang kanyang sasabihin na napaisip tuloy siya na baka nais nito na sabihin na sa kanyang tatay ang totoo, pero hindi kasi pwede. Hindi maaari yun, siguradong mapahamak ang kanyang tatay. Baka ikamatay pa nito ang sama ng loob kapag nalaman nito na isinuko niya ang kanyang p********e sa isang estrangherong lalaki para lamang maipagamot ito. Hindi iyon kakayanin ng kanyang tatay kaya naman kahit anong mangyari, hindi niya dapat na sabihin na nagkasala siya. At nakagawa ng hindi maganda. Nagawa niyang isakripisyo ang kanyang sarili para lamang gumaling ang kanyang tatay, kaya kahit pa pigain siya ng husto para magsalita lang ay hinding- hindi niya gagawin iyon mas mahalaga sa kanya ang buhay ng kanyang tatay kaysa sa sarili niya. "Huwag na kayong magtalong dalawa, kung kayo ay may naitabing pera na para sa pagpapagamot ay itabi mo na yaan para sa pag-aaral mo pamangkin. Sa ospital ng iyong ama ay ako na ang bahala doon. Wala na kayong iisipin tungkol doon masyadong mahabang panahon na ang nasayang para maipadama naman namin ang pagmamahal namin ni baka sa iyong itay kaya naman huwag ka nang mag-iisip pa kami ng bahala. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligtasan ng inyong iyong tatay at makauwi tayo ng ligtas sa probinsya dahil matagal na kayong hinihintay ng iyong lolo Apolinario." pahayag ng kanyang Tiyo. Na ikinagulat niya at yung unang beses na tinawag siya nitong pamangkin, kaya naman nanlamig ang kanyang buong katawan at nagtayuan ang kanyang mga balahibo. Parang hindi niya matanggap na iyon ang tawag sa kanya ng lalaking kanina lamang sa hotel ay sobrang sweet at talagang madadala ka sa ganda ng boses nito lalo na pag bumubulong ito sa kanyang tenga. Pero isa lamang ang kanyang nagustuhan nais din pala nitong ipagamot ang kanyang tatay at nais pa nitong dalhin sa magandang ospital kaya naman sobra siyang nasiyahan. Nasisiyahan siya sa kabutihan nito, pero nandoon pa rin ang hiya dahil sa namagitan sa kanilang dalawa. Hindi maitago ang kanyang kasiyahan at pasasalamat kaya naman tumingin siya sa lalaki at ilang beses na yumuko bilang pasasalamat dito. Hindi talaga kasi siya makapagsalita pa na diretsahan o kakausapin ito ng diretsahan dahil ilang na ilang talaga sa lalaki. Pero syempre kailangan pa rin talaga niyang makausap ito, dapat mapag-usapan nila ang nangyari sa kanila at kung ano ang dapat gawin. Ito ang hihingan niya ng guide dahil ito ang nakatatanda at ito dapat ang lumutas sa problemang iyon. Alam naman niya na kahit ito ay gulat na gulat sa nangyari sa kanilang dalawa at isa pa gustong-gusto niyang masiguro sa lalaki na ilihim nila ang nangyari. Dapat masiguro nila iyon dahil hindi niya isasakripisyo ang kalusugan ng kanyang tatay ng dahil lamang sa katotohanan, mas mainam pa rin na ilihim ang lahat. "Sobrang nakakahiya naman sayo kuya kung ikaw ang sasagot pero dahil sa gusto ko pa rin naman talagang gumaling at ayoko pang maiwan ang aking anak ay tatanggapin ko iyan. At kapag maayos na ang lahat, uuwi na ako sa atin para makausap man lang at makasama si papa. Ang totoo sobra sobra na rin ako nangungulila sa inyo kuya. Kaya lang si nanay kasi hindi talaga niya pinahintulutan na kumontak man lang sa inyo." malungkot na pahayag ng kanyang tatay kahit siya alam naman niya na nangungulila na rin ito sa kapatid nito at sa ama. Katulad ng palagi nitong na ikukwento sa kanya, lagi nitong kinikwento kung gaano ito kasaya sa lugar ng Papa nito at kung gaano ito nasisiyahang matuto itong sumakay ng kabayo at kung gaano kabait ang kuya Atlas nito. "Natutuwa ako sa desisyon mo na iyan Arix. Alam mo naman Ikaw na lang lagi ang bukang bibig nun laging hinahanap-hanap ka. Kay tagal din niyang hinanap kayong mag-ina pero talagang hindi niya kayo mahanap hanggang sa inilipat niya sa akin ang tungkulin na mahanap kayo. At ayan matapos ang tatlong taon na paghahanap ay natagpuan ko na nga kayo. Iyon nga lang ikinalulunkot ko ang tungkol sa sinapit ng iyong nanay. Siguro kung hindi kayo umalis noon sa sa atin at nanirahan na lamang sa labas ng hasyenda ang iyong nanay hindi niya siguro sinapit iyon." mahabang pahayag pa ng Tiyo Atlas niya. Maging ang nangyari pala sa lola niya ay natuklasan din nito. Limang taon na ang nakaraan nang mamatay ang kanyang lola, nagkaroon ng karambola ng mga sasakyan sa isang highway sa may bandang Pasay at doon nasawi ang kanyang lola na noon ay nagtitinda ng mga medyas sa bangketa. Sobrang nalungko ang kanyang tatay dahil mahal na mahal nito ang kanyang lola. Pero hanggang doon na lang siguro talagang ang buhay nito. Kaya kalaunan natanggap na rin ang kanyang tatay. Iyon nga lang matapos ang limang taon ito na naman at nawalan na naman sila ng mahal sa buhay, at iyon naman ang kanyang nanay. Kaya takot na takot talaga siya na maulit pa ang lahat na mawalan pa ng isang mahal sa buhay, kaya naman nagawa niya ang bagay na iyon dahil nais niya na makaligtas at gumaling ang kanyang tatay. "Salamat kuya Atlas hayaan mo at makauwi lamang kami ng anak ko sa atin ay hinding-hindi na tayo pa maghihiwalay.” Pahayag ng kanyang tatay, maluha-luha pa talaga ito at hinawakan pa ang kamay ng kanyang tiyo. Tumingin naman siya sa kanyang tiyo at tumingin din ito sa kanya pero umiwas agad siya ng tinginnat bahagya na lang yumukod para muling magpasalamat dito pero hindi pa rin niya ito matitigan sa mga mata. “Kuya gabi na rin naman maano bang pagdamutan mo na lamang na dito ka matulog sa aming munting tahanan. Doon sa silid ng aking anak ay meron siya doon katre. Pwede kang doon magpalipas ng gabi at itong aking anak ay sa lapag na lamang matulog.” Walang kaabog na wika ng kanyang tatay. “ANO?!” “ANO PO?!” Sabay nilang bulalas ng kanyang tiyo Atlas, tila ba ay isang tao sila na nagsalita at iisang tao rin napalingon sa kanyang tatay. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD