Kabanata 5

1709 Words
Nagpaalam na ang babae. Nalungkot siya pero talagang hanggang doon na lang yata. Ang gusto sana niya ay ibigay man lamang nito ang address nito o kaya kahit na number man lang o f*******: account para kahit papaano ang may contact pa rin siya dito. Kaya lang mukhang ayaw talaga ng babae, mabuti na nga lang at binigay nito ang pangalan. Pero ano pa nga magagawa niya kung ayaw, tanggapin na lang ang lahat lahat, alalahanin na lang ang mga sandaling pinagsaluhan nilang dalawa, nakakalungkot lang talaga. Ngayon lang siya nagka-interes ng husto sa isang babae. Kaya naman parang walang kabuhay-buhay na tumayo siya mula sa kama at nagbihis na lamang din. Balak niya na umuwi na lamang sa hotel na kanyang tinutuluyan dahil meron talaga siyang sadya sa lugar na ito. Ang kanyang kapatid na matagal ng panahong hinahanap, may lead ang private detective na kanyang na hire para hanapin ang kanyang kapatid at doon sa lugar na iyon mismo nahanap ang tinitirahang bahay nito. Ngayon sana ang plano pero nawalan siya ng ganang kumilos dahil sa nangyari na pagkakilala sa babae tapos ngayon wala na siyang pagkakataon na makita ulit ito. Parang nanghihina ang kanyang katawan at gusto na lamang niyang humilata ng maghapon at magdamag pero syempre kailangan pa rin niyang kumilos mapuntahan ang kanyang kapatid. Pero ng sakay na siya ng kanyang kotse nagbago ang kanyang isipan para bang may nag-uudyok sa kanya na puntahan na ang address na ibinigay ng private detective na naghahanap sa kanyang kapatid. Kinutuban na siya ng husto na baka kung ano ang nangyayari ditong masama kaya ganun ang kanyang pakiramdam. Kaya naman minabuti niyang ibwelta ang kanyang kotse at tahakin ang daan patungo sa address na ibinigay ng private detective. Sa totoo lang hindi na niya alam kung ano ang itsura ng kanyang kapatid pero ang pinanghahawakan na lamang niya ay kahawig na kahawig ito ng kanyang papa kaya sigurado siya na makikilala agad niya ito kapag nakita. Mahigit 30 years na kasi itong nawawala, ng itakas ito ng nanay nitong kasambahay noon sa hasyenda. Ang alam kasi niya ay pinapalayas ng kanyang nanay ang ina ng kanyang kapatid pero ang kanyang kapatid ay mananatili sa hasyenda dahil nga dugo at laman ito ng kanyang papa. Tanggap na ng kanyang mama noon si Arix, pero ang hindi lang kasi nito matanggap ay pinagpalit ito ng kanyang papa sa isang kasambahay kaya naman pinapalayas ng kanyang mama ang nanay ni Arix pero hindi pumayag ito kaya ayun tumakas ang mag-ina. Kaya matagal na itong pinahahanap ng kanyang papa pero nabigo ito at ngayong siya na ang inatasan na maghanap, matapos ang halos tatlong taong paghahanap ay heto at natagpuan na nga ng private detective ang pinakang address ng tinitirhang bahay ni Arix. Ito na lang kasi ang nag-iisang kahilingan ng kanilang Papa, lalo pa at sobrang tanda na ng kanilang ama. Ang makita ang bunso nitong anak, na bunga ng pagtataksil nito sa kanyang ina. Nasaktan din naman siya noon para sa kanyang ina dahil alam niya kung gaano nito ka mahal ang kanyang papa. Pero ayun nga dahil sa lalaki at talagang dumarating sa time na hindi mapaglabanan ang tukso ay nagkasala ito sa kanyang ina. Pero mahal naman ng kanyang papa ang kanyang ina, iyon nga naagaw ang atensyon nito sa ina ni Arix dahil nung mga panahong iyon ang alam niya ay palaging nasa ibang bansa ang kanyang mama dahil may sakit ang kanyang lola noon at sa Amerika nagpapagamot. Noon may pagtatampo din siya sa kanyang ama, maging kay Arix dahil parang naagaw ang atensyon ng kanyang Papa nong panahong doon pa nakatira si Arix. Pero kinalimutan na niya iyon, inalis na niya ang pagtatampo na iyon at ang inggit dahil alam naman na niya na parehas silang mahal ng kanyang papa. Ang pinakamahalaga lamang ngayon ay mahanap ang kapatid. Halos isang oras din ang naging biyahe niya bago makarating sa mismong address na ibinigay ng private ditective sa kanya. Napangiti siya ng tama ang adress na ibinigay sa kanya, nakita agad niya si Arix. Bagama't payat ito at mukhang may iniindang sakit, hindi ito nalalayo sa itsura ng kanilang ama. Kaya hindi siya maaaring magkamali, kahit na sampung taon pa lang ito ng mawalay sa kanila. "Arix! Kapatid ko!" Sigaw niya, at agad na bumaba sa kanyang kotse. Isang barong-barong na bahay ang tirahan nito at bakas ang matinding kahirapan. Napakunot noo naman ito ng makita siya. Tila kinikilala siya, at nanlaki ang mga mata nito ng makilala na siya. "K-Kuya Atlas! Diyos ko, ikaw nga!" Sigaw nito, at agad na yumakap sa kanya ng mahigpit. Napahagulhol ito kaya naman nahawa na siya. "Kapatid ko, salamat sa Diyos nahanap na kita, miss na miss ka na ni Papa." Nasambit na lamang niya. "Ako ma'y ganon din Kuya ngunit may sarili na akong pamilya, ang totoo'y kamamatay lang ng aking may bahay. Nalubog kami sa utang at heto nagkasakit pa ako." Naiiyak na pahayag nito. Nahabag naman siya ng husto sa kapatid. "Halina kuya, pumasok ka sa maliit kung tahanan. Doon tayo mag-usap sa loob medyo mahina kasi ang aking katawan kaya kailangan kong humiga habang kausap ka. Napalabas lamang ako dahil hinihintay may hinihitay ako kanina pa. Medyo nanginginig din kasi ang pakiramdam ko pasensya na kuya huwag ka matakot sa akin dahil hindi naman nakakahawa ang sakit ko. Ewan ko ba nito sobrang nanghihina ako at talagang palaging nahihilo ang sabi sa doktor ay napakataas ng high blood pressure ko at komplikasyon na daw iyon ng diabetes kaya kahit na ganito pa lamang ang aking edad ay talaga nanghihina ako." Mahabang pahayag nito. Kaya minabuti niya ang alalayan na ito papasok sa loob ng bahay hanggang sa makahiga ito sa nag-iisang papag doon. Pero kapansin-pansin ang bahay na iyon na kahit ba tagpi-tagping yero lamang iyon isang barong barong, pero pagpasok mo sa loob ng bahay ay napakalinis at halatang inaalagaan talaga. "Nasaan ang mga anak mo? Mahirap iyan, wala kang kasama dito. Dapat hindi na sila naglalabas pa at saka bakit ba hindi ka magpagamot sa ospital bakit nandito ka lang sa bahay?" Tanong niya dito na nag-aalala sa kalagayan ng kapatid. "May anak ako kuya, nag-iisang anak namin ng asawa ko. Hindi ko alam kung nasaan siya pero sabi niya gagawa siya ng paraan para maipagamot ako. Hindi ko nga alam kung nasaan ang pasaway na batang iyon. Siguro pumupunta na naman sa dati niyang mga kaklase baka nangungutang. Umiiyak kasi siya ng umalis dito kanina at humihingi ng tawad sa akin dahil nga sa wala daw itong kakayahan na dadalhin ako sa ospital kaya sobra sobra akong nakukonsensya dahil naging pabigat pa ako sa napakabata ko pang anak?" Naluluhang pahayag nito sa kanya. "Gano'n ba ilang taon na ba ang anak mo, tsaka hindi na ba siya nag-aaral?" Tanong muli n iya sa kapatid. "20 years old na siya kuya ay bunga ng pagmamahalan namin ng aking asawa. Ngunit sa kahirapan ay hindi ko na siya napapag-aaral kaya ngayon ay nagtatrabaho na siya sa isang sikat na fast food. Kaya lang kulang na kulang ang kanyang sinasahod doon dahil ang aking asawa ay naratay sa ospital. Nagkabaon-baon kami sa utang para lamang maisalba ang kanyang buhay. Pero nawala din siya kinuha din siya sa amin tapos heto nga kalilibing lamang ng aking asawa halos ilang araw pa lang. Pero ako naman ang may problema ako naman ang kailangang magpagamot. Kaya ang aking anak ay lagi na lamang tuliro, natatakot siya na tuluyan na siyang maulila kapag may nangyaring masama sa akin kaya naman gumagawa siya ng paraan para makaipon ng pampagamot sa akin." Umiiyak na pahayag. Napahanga naman sige sa anak ng kanyang kapatid kung iba-iba ang mga ganong edad ng kabataan ngayon ay walang pakialam sa mga nangyayari. Pero ayun at palibot na pala ng kakahingi ng tulong sa iba't ibang tao para mapagamot lang ang ama nito. "Nakakatuwa naman ang iyong anak Arix mabuti na lamang at hindi pa nakakapag-isip mag-girlfriend at talagang ikaw ang kanyang inaalala." Nasabi na lamang niya dito. "Babae ang anak ko kuya, mabuti nga talaga at hindi man lamang makaisip na mag-boyfriend dahil talagang nakatutok siya sa amin ng kanyang nanay. Kaya lang alam kong sobrang nasaktan siya sa pagkawala ng kanyang nanay. Kaya ngayon natatakot ako na baka gumawa ng illegal ang aking anak para lamang maisalba ang buhay ko." Malungkot na pahayag nito sa kanya. Nagulat pa siya dahil akala talaga niya ay lalaki ang anak ng kanyang kapatid. Aba ay para sa isang babaeng na gano'n ang edad eh kahanga-hanga ang ganoong pag-uugali dahil ang mga ganyang edad ngayon ay puro boyfriend na lamang ang alam. Mag-ml, magpaganda at magpa-cute sa mga kalalakihan maganda ang palaki ninyo sa kanya." Nakangiting pahayag niya na talaga namang napahanga siya sa sinabi ng kapatid. "Tama kuya, naging maayos naman kahit papaano, ay mukhang nandiyan na ang anak ko kuya narinig ko na ang pag tunog ng gate papasok na iyan dito." Wika nito, sabay turo sa pintuang kanilang pinasukan kanina. Nakatalikod siya doon dahil nakaharap sya sa kapatid niya kaya naman humarap siya para makita ang sinasabi nitong anak. At halos manlaki ang kanyang mga mata at malaglag angbkanyang panga ng makilala ang babae. "P*ta! Si Hiraya! Ang babaeng ilang beses niyang pinarausan kanina!" Palatak niya sa isipan. Napalunok siya ng laway at agad na namutla. "Tay! May nabili na po akong gamot at makakapagpa-check up na tayo para—." Natigilan ito ng mapagsino siya. Bigla din itong namutla at hindi na naituloy pa ang sasabihin. "Anak, Hiraya. Magmano ka sa kanya, siya nga pala ang Tiyo Atlas mo. Iyong kapatid kong sinasabi ko sa inyo ng Inay mo na hasyendero." Todo ngiti pang pakilala ni Arix sa kanya. "A-ANO PO?! T-TIYO?!" Bulalas nito, tila hindi makapaniwala. Siya naman ay hindi na rin nakapagsalita pa. "Oo anak, magmano ka sa Tiyo mo." Utos pa nito. Napansin niya ang panginginig ng kamay nito habang tila hahawakan nito ang palad niya para siguro magmano. Minabuti niyang iangat na lang ang kamay kasi baka makahalata pa si Arix. "M-MANO PO, T-TIYO." halos singaw sa ilong na sabi nito. Nagkanda-utal pa nga, tumango na lang siya bilang tugon pero hindi talaga nila kayang titigan ang isa't-isa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD