bc

The Second She Falls

book_age16+
658
FOLLOW
2.5K
READ
second chance
pregnant
self-improved
student
drama
bxg
city
friendship
foodie
lonely
like
intro-logo
Blurb

Maraming insecurities sa buhay si Pariah. Overweight siya, puno ng tagiyawat ang mukha at may kapurulan ang kaniyang utak sa kursong Accountancy na kinuha. Isang sugat rin sa kaniyang pagkatao ang pag-iwan sa kaniya ng kaniyang ina noong tatlong buwang gulang pa lang siya.

Minsan na rin siyang nasaktan sa pag-ibig dahil hindi matanggap ng kaniyang unang minahal ang pisikal niyang estado. Kaya naman sumumpa siya na hindi na muna magpapakatanga sa ngalan ng pagmamahal.

Then came Owen, the eye-candy s***h hottie-c*m-chef neighbor who befriended her and made her feel like a woman.

Something painful happened which changed everything and costed her heart and soul. Tuluyang namulat sa katotohanan si Pariah.

Years later they met again and it's obvious that Owen is into her. Pero hindi na siya ang dating Pariah na kilala nito. Marami na siyang sikreto at sakit na hindi na kailanman maghihilom.

She can't give in to him, right? She can't fall in love again with the man who tore her apart and made her into the unfeeling woman she is now.

chap-preview
Free preview
Prologue
I reached for my cup of tea and took one quick sip on it. My eyes are still glued on the computer monitor. Nakabukas ang ilang spreadsheets sa Excel at nakabalandra ang napakaraming numero. I’m studying one of the financial records of my client to prepare for tax returns. Inabot ko ang telepono para tawagan ang secretary nang may makita akong irregularity sa financial books. "Bring in the financial statements of Mr. Tan now,” I said when Kimberly picked up. Hindi ko na hinintay na sumagot ito at ibinaba ko na agad ang awditibo. Bumalik ako sa pag-aaral sa accounts. I sipped on my tea again. Hmmm, tastes really good. Matanong nga si papa kung saan niya ito nabili. Tatawagan na naman sana niya ang secretary para tanungin kung nasaan na ang mga hinahanap na dokumento nang gambalain siya ng tunog ng cellphone. I smiled at myself. Alam ko na kung sino ang tumatawag base sa ringing tone. Exclusive lang kasi sa kaniya ang call tone na iyon. Inalis ko muna ang salamin sa mata bago inabot ang cellphone sa mesa. Isinandal ko ang sarili sa swivel chair at itinaas ang mga paa sa mesa bago pinindot ang answer button. "Yes Sheki girl?" Ngumiti ako nang matamis. "Tabz, andito na si Myca sa bansa. Kauuwi lang niya kahapon," imporma nito sa akin. And just like old times, she never dropped her favorite nickname of mine. "Really? Mabuti naman at naisipan na rin niyang umuwi. At last! Akala ko kailangan pa natin siyang puntahan sa Sweden at kaladkarin papunta sa airport para umuwi siya ng Pilipinas. Aba, five years na rin ang lumipas. I'm sure she had moved on already." But at the back of my mind, I doubt if she had really. "Pasalamat ka sa akin at nagawa ko siyang kumbinsihin. Hindi rin biro ang ginawa ko ‘no! Nag-stop over pa talaga ako sa Indonesia para lang kausapin siya tungkol diyan kasi ayaw talaga ng gaga na umuwi dito. I have to cut my trip short because of her! Na-miss ko tuloy iyong concert ng paborito kong banda," reklamo nito. Napatawa ako. "Kung kasal lang pala ang magpapauwi sa kaniya, I should have volunteered first. Napapagod na rin akong lumabas ng bansa para lang makita ang kaibigan nating iyon. Remember when we were in Thailand? Gosh! I had food allergy!" I recalled our recent trip to the country to visit Myca dahil may overseas meeting din siya sa Thailand. Nilibre niya kami ng tickets kaya gumora agad mga lola niyo kaso what was supposed to be a happy reunion turned out to be a nasty one especially for me. I wasn't informed na meron palang peanuts ang kinain ko one time na nagyaya silang mag-explore ng Thai street foods. Ang resulta, hindi rin namin na-enjoy ang lakad dahil nagpantal-pantal na ako. Alalang-alala sila sa akin kaya idineretso nila ako agad sa ospital. Buti na lang at mild attack lang ang nangyari sa akin. Bumalik na lang kami sa hotel and spent our hours talking. Natakot na rin silang dalhin pa ako sa kung saan dahil baka hindi ko rin daw mapigilan ang sarili at kumain. I just decided to come back home earlier the day after. "Ikaw? Mauunang ikasal? Bakit, nagkabalikan na ba kayo ni Owen?" curious na tanong ni Sheki. My smile faded. "Bakit? Siya na lang ba ang natitirang lalaki sa mundo? Fren, malawak ang dagat at maraming isda ang available. Why would I settle sa galunggong kung may lapu-lapu naman?" Tumawa ito. "Huy! Grabe ka naman! Galunggong talaga? For me, the best tuna in town kaya si fafa Owen," panunukso nito. Pinaikot ko ang mga mata at kinuha ang puswelo ng tsaa para uminom. "Now stop with your fish simile. Kailan ang gathering ng barkada?" pag-iwas ko. "I'm actually preparing for it. I'll just send a message sa Viber, okay Ms. CPA? I'll also contact the other pala kaya hang up muna ako. Sige bye bruha," paalam nito. "Sige. I'll keep in touch. Bye." Ibinaba ko ang cellphone sa mesa at bumalik sa tinratabaho. Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Kimberly, my assistant. "Sorry, Ms. Pariah. Medyo natagalan. Kinuha ko pa kasi ito sa records department." Inilapag nito ang stack of folders sa table ko. "It's okay." Kinuha ko ang pinakaunang folder at binuklat. "Ah, ma'am. A delivery came by. Nakapangalan po sa inyo ito." She handed me a small envelope before going out. Tinitigan ko ang sobre sa mga kamay at nakaramdam ng kaba. Tsinek ko ang date sa calendar. August 24. Dali-dali kong binuksan ito at tumambad ang isang invitation card para sa opening ng isang restaurant. Napangiti ako nang mapait. Why? Bakit ginugulo mo na naman ang isip ko? Bakit ba palagi ka na lang nagpaparamdam sa mga panahong unti-unti na akong nakakawala sa mga alaala mo? Nilamukos ko ang papel at itinapon sa katabing trash bin. Stop this bullshit, Owen. Please let me live in silence away from you. Away from our memories back then.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
16.6K
bc

His Obsession

read
97.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
153.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
6.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook