ALLY'S P.O.V. Nakita ko ang mga estudyanteng laging nag-aabang sa pagpasok ni Frits. Siguradong mainit na naman ang mga mata nila sa'kin. Lalo ang mga haters, haist! "Let's go, Ally!" Hinawakan pa ni Frits ang kamay ko habang lumalabas ako ng kotse. Paglabas ko, nakita ko ang mga estudyanteng gulat na gulat. 'Yung iba nakataas ang kilay habang nakatingin sa'kin. "Si Allyson Ramirez at Frits na ba ulit?" Usal ng isang girl. "Siguro kasi tingnan mo magka-holding hands sila." Usal pa ng isa. Gusto kong sabihin na. Wala kaming relasyon ni Frits. Pero wala na rin namang maniniwala. "Ihahatid na kita sa room niyo, Ally." Ani Frits. Tumango na lang ako. Para akong robot sunod-sunuran sa kanya, hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa palad ko. Marami tuloy kaming nakitang