CHAPTER SIXTEEN- MALDITA AT TORPE

1906 Words
Marian's POV "Manager G sige na naman po oh" napatingin kami sa pitong lalaking nagmamakaawa. "Oo nga po manager magsashopping lang kami" dagdag pa ni Terrence. "HOY KAYO DAIG NYO PA SILA DIA AH! AKO WAG NYO KONG IINISIN HA HINDI PA KAYO BAWI SA KASALANAN NYO! UMAYOS KAYO! ANONG SHOPPING SHOPPING KAYO JAN AKO BA PINAGLOLOKO NYO? SHOPPING NGA BA O SA CELEBRITY BAR ANG PUNTA NYO HA?" napapout naman isla sa sinabi ni manager G. Sapul hahahaha. It's been a week simula noong nangyari sa Seventh Wings at akalain mo yun nakasurvive pa ang mga tukmol na to? Kung sabagay ang masasamang d**o matagal mamatay hahaha. "Twin tulungan mo ko" "Ay naku Pao wag ako please lang iba na lang! Hindi mo ako madadaan sa pagpapacute mo" mataray na sabi naman ni Ash at saka umalis para kumuha ulit ng cookies. Nandito kami ngayon sa condo ng Seventh Wings at dahil parusa nila ay bawal silang lumabas at maggala eh hindi sila nakakalabas at ngayon nagmamakaawa sila kay manager G para makalabas sila, kung anu anon a ang dinahilan nila pero wala matigas talaga tong si ate G kaya ayan wala silang nagawa. "Pinagbake na kayo ni Risa ng cookies pero gusto nyo pa ring lumabas? Nakakawalang galang naman ata yan" sabat naman ni Dia habang may dalang cookies at juice. "Oo nga kami na nga ang dumalaw dito ganyan pa ang itatrato nyo" nailing naman na sabi ni Irish. "Akala kasi nila na mapapayagan sila ni ate G kapag nandito tayo hahaha" mapang asar na sabi naman ni Risa. "You and Irish---" "huwag mo na ituloy Dia please lang" sabi ko at nag pout naman sya. "Anyway boys you should face this punishment and actually you should be thankful dahil this is the only one that manager G wants. Hindi nyo ba na isip na baka she want to take you out of the trouble and danger again?" sabi pa ni Dia at inilapag ang dala nya. "You girls are the only one who can understand me" naiiyak na sabi ni manager G. Hindi na nagawa pang umeksena ng boys dahil sa sinabi ni Dia at nanahimik na rin naman sila, infairness marunong din pala sila maniwala. Kami na lang nila manager G ang nagkwentuhan una malayo sa music hanggang sa mapunta kami sa darating na contest next month ang Music School Completion. "Are you girls ready?" tanong nya samin. "Saan po?" takang tanong naman ni Irish. "MSC" sagot naman ni manager at napatingin naman samin ang boys. "Ah, not yet" nakangiting sabi ni Ash. "Manager Risa go and explain" natatawa kong sabi. "Ikaw ang manager nila?" takang tanong naman ni ate G. "Yes po and I may not be like you but I'll do my best para sa mag bruhildang to" "What Risa? Bruhilda? Who?" "Ah Dia kakasabi nya lang mga! So it means kayo" sabi ni Axel at sinamaan naman sya ng tingin ni Dia kaya natawa ang boys. "Wala ka pala kay Dia eh hahaha" tawang tawa namang sabi ni Oliver. "Manahimik nga kayo" saway ko naman at nanahimik sila "Good." "Actually po next week mabubusy na po sila. Kailangan na nilang magrecord ng kanta para sa audition next month." At nag nod naman kami. "May ginawa ba kayong kanta?" deretsong tanong naman ni Jaxon at napatingin kami sa kanya at ganun din sila sakin. "Ah so ganun ako mag eexplain?" sarkastiko kong tanong sa kanila at nag nod naman sila at umirap naman ako "Okay! It's so unusual naman samin kung magcocover kami ng kanta na hindi naman tugma sa boses namin so we decide to make a song" Tumayo si Zander at kinuha ang phone ni Pao at saka isinaksak sa speaker at nanlaki ang mata namin sa mga narinig namin at napatingin kami kay Ashley. "You ugly monster" inis na sabi ni Ashley "I trust you na hindi mo pinakialaman ang mga files ko!~" "Sorry kambal na curious lang naman ako eh, you guys make it right? Bakit di nyo nilabas?" "For what? Eh alam nyo naman na ayaw namin" sabi ni Irish at tumingin sa kanila. "Hallo" nakangiting sabi ni Dia "Naalala ko three years na rin simula noong ginawa natin ang kantang yan no?" tanong nya at nag nod naman kami. "So this is original?" tanong ni manager G at nag nod kami "Alam nyo kayo may talent talaga kayo di gaya ng mga lalaking to kailangan pang ipressure bago makagawa ng kanta" inis na sabi ni manager. "Kung tutuusin mas gugustuhin ko kayong hawakan kesa sa mga lalaking to" "Aray ko naman manager masakit yun ah" "Truth hurts Oliver" natatawang sabi ni Manager G "Manager hindi mo kami mahal?" "Huwag kang magdrama Troy nakakapanayo balahibo" "Pero manager sabi mo pa lang eh" "Isa ka pa Pao umayo ka" "Manager sa loob ng tatlong taon manager hindi mo pa rin kami mahal?" "Ang dadrama nyo ah! At ikaw naman Terrence magtigil ka" "Pero manager masakit talaga eh" "Bakit Zander kelan ka nagkasakit sa puso ha?" "Manager naman eh" "Hoy Jaxon wag ka magdrama di bagay" Natawa naman kami sa kanila, kung tutuusin parang barkada lang nila ang manager nila pero meron naman talagang bond sa kanila. Akala mo gaganyan ganyan lang yang si manager pero sigurado akong mahal nya tong mga mokong na to. "Am I the only one whose have a goose bump here?" tanong naman ni Dia. "Nah hindi lang ikaw dahil I guess kami rin" sabat naman ni Irish. "I never thought na ganyan pala sila eww" dagdag pa ni Ashley. Ako pa ba magpapatalo? Once na nagreklamo na tong tatlong to na inumpisahan ni Dia paniguradong susunod na kami sa pang aasar. Ganyan naman kaming apat eh. "We shouldn't be here" dagdag ko pa. "Wow grabe salamat sa suporta nyo" sarkastikong sabi ni Troy at natawa naman kami. "Welcome best friend" sagot naman ni Irish at nag flying kiss pa. Napatingin naman si Risa sa relo nya saka bumuntong hininga. "Okay kailangan nap o naming umalis dahil may kailangan pa po kaming gawin" sabi nya at napapout nama sila Dia. "Ayoko pa lumabas" "Same here Dia" "Sus gusto nyo lang kami makasama eh" pagbibiro naman ni Oliver. "Wow ang taas ng confidence and also grabe ang pagkaassuming mo Olive! Fyi lang ha? Ang init kaya sa labas" sabi ni Dia at umirap naman. "Wut. It's kinda attractive when someone can reply to your sarcasm with sarcasm instead of just getting offended" natatawang sabi ni Risa at napatingin kami sa kanya. Natawa naman kami sa naging reaksyon ni Oliver at Dia. Nakikita kasi sa mukha nila ang pagkabigla at pagkapula ng pisnge hahaha aw ang cute naman ng Dia namin magblush haha. "What did you say Risa?" tanong ni DIa. "Nothing. I just said that we need to hurry" kibit balikat na sabi ni Risa at natawa naman kami nila Rish at Ash. Hindi na namin sila nagsalita pa dahil mukhang naiintindihan na nila ang atmosphere na nasa paligid namin, halata sa mga mata ng boys na gustong gusto na nilang asarin si Oliver pero hindi pa nila magawa dahil sa nandito pa si Dia baka mamaya magkaroon sila ng bali na buto pag nagkataon. Nagpaalam na kami kay ate G at saka kami umalis ng condo ng Seventh wings walang nagsasalita sa amin habang nasa elevator kami kahit na nasa labas na kami ng condo at papunta na sa parking lot wala pa ring nagsasalita pero pagpasok namin sa kotse. "Risa why did you say that?" "Ops did I hit the bulls eye?" nakangiting sabi ni Risa, I guess tama nga si Dia nagagaya na ni Risa ang ugali ni Irish. "Definitely yes Ris hahaha" dagdag pa ni Irish. "Hahaha you got it Ris" sabat pa ni Ashley at napapout naman si Dia at tumingin sakin. Sus mga tinginan na ganyan? Alam ko na yan. Umilng na lang ako bilang sagot at saka sya napasimangot. Hahaha nanghihingi kasi sya ng tulong sakin pag napapagtulungan talaga sya ako lang ang hindi nakikisali kaya akala nya kakampi nya ako hahaha. Habang nasa byahe kami patuloy pa rin sila sa pang aasar kay Dia, totoo namang may gusto din sya kay Oliver at alam din naman naming may gusto din si Oliver sa kanya. O di ba destiny? Yun nga lang manhid tong babaeng to at hindi nya nagegets mga sinasabi ni Oliver minsan at ito namang lalaking to grabe lang sa pagkatorpe kung saan saan nya nililiko mga sinasabi nya. "Pero Dia aminin mo kinilig ka" sabi ko. "Sus tigilan nyo ako." "Dia may tanong ako" sabi sa kanya ni Ash. "Go ahead" "Saan ka nainlove kay Oliver? Hindi lugar tinutukoy ko ah, yun ay kung saang parte sa pagkatao ni Oliver?" "Hm saan? Hindi ko alam eh. Sabi naman nila di ba pag inlove ka hindi mo alam kung ano ang nagustuhan mo sa kanya kasi lahat ng nasa kanya gustong gusto mo" nag nod naman kami. Ganyan din naman nararamdaman ko kay Terrence "Basta ang alam ko you fall in love with the little things about someone, like the sound of their laughter and the way their smile forms." Nakangiti nyang sabi. "Ay taray lakas makahugot ng babaeng to" natatawang sabi ni Risa. "Hahaha sus akala mo di namin napapansin ang patingin tingin mo kay Axel, Risa? Naku wag kami please" natatawang sabi ko. "Tinitingnan mo si Axel?" –Ash "May gusto ka kay Axel?" –Rish "Hindi nga totoo?" –Dia. Tiningnan lang naman ako ng masama ni Risa at natawa ako sa kanya ang cute nya pala maging ganyan? Hahaha namula sya at natawa naman ang tatlo. "Confirm" sabi naman ni Ash. "Ako tigil tigilan nyo ako ah. Oh ayan nandito na tayo sa school please lang gawin na natin ang Gawain natin bilang student council may mga pipiramahan pa tayo" sabi nya at napalaki ang mata namin. "Lagot oo nga pala" sabi ni RIsh. Nagmadali na kaming bumaba sa kotse at nagsitakbuhan papunta sa office namin, wala namang tao ngayon natural dahil sa sabado ngayon at wala talagang tao dito maliban sa mga nagdodorm dito sa school. ~~~~~ Troy's POV "Hahaha akalain mo yun Oliver dinali ka ni Risa" natatawa kong sabi at nakitawa naman ang iba. "Bakit kasi ayaw mo pang umamin?" tanong naman ni Jaxon. "Sus akala mo kung sino makatanong. Umamin muna kayo sa mga crush nyo bago nyo ako pagsabihan ng ganyan" pacool na sabi ni Oliver. "Ang torpe nyo hahaha" napatingin naman kami kay Manager G "Bakit? Totoo naman eh. Pare parehas lang kayo" "Hindi nyo kasi naiintindihan manager sabagay babae kayo at lalaki kami" sabi naman ni Axel at nag pout "Mas hindi nyo kami naiintindihan boys. Tandaan nyo to, ang lalaki pwedeng manligaw sa kahit sino ano mang oras nila gustuhin pero ang babae kapag nagkagusto yan kahit na anong gawin nila hindi sila pwedeng manligaw kaya yang mga katorpehan nyo aba ipagpaliban nyo na yan malay nyo maunahan kayo ng iba" natatawang sabi ni manager "Oh sya makikipagmeeting muna ako sa derector nyo sa MV na gagawin nyo kaya dito lang kayo. Huwag nyong tangkain na lumabas dahil kahit anong pilit nyo malalaman at malalaman ko yan" tapos lumabas na sya. Umamin nab ago pa maunahan ng iba? Oo nga may gusto ako kay Ash kaya lang ano kasi natatakot ako nab aka mamaya hindi ako ang gusto ni Ash. Ayoko mareject takot akong mareject. Ayoko nang maulit ang dati. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD