CHAPTER TEN- UNREASONABLE

1962 Words
Ashley's POV "Manang naman po bakit ganito naman po ang niluto mo? Alam mo naman pong hindi ako kumakain ng ham pag umaga" pagrereklamo ko. "Pasensya na po ma'am sabi daw po kasi ni Sir Paolo na yan lang daw ang lutuin ko" "Oh ayaw mo bang kumain kambal?" tumingin ako sa kakarating lang na lalaki at inirapan ko sya. "Manang okay lang po hindi na lang po ako kakain" nakangiti kong sabi at saka kinuha ang bag ko. "Bat di ka kakain?" "Tanungin mo po mommy yang kakambal ko kung bakit. Una na po ako malelate na po ako sa meeting" sabi ko at nag nod naman sya. Bwisit na Paolo yan anong akala nya sakin mauuto nya sa kakaganyan nya? Excuse me? Alam nya naman na hindi ako kumakain ng ham pag umaga pero anong ginawa nya? Pinalala nya lang lalo ang sitwasyon naming dalawa. Sa school na lang ako kakain. "Wait Ash" Hindi ko sya nilingon at dumeretso na ako sa kotse ko pero bago ko pa ito maisara ay nahawakan nya na agad. "Ano bang problema mo? Malelate na ko sa meeting namin" inis kong usal sa kanya. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" "Ano na naman ginawa ko sayo? Abah nyeta ah Pao nanahimik ako, bitawan mo yang pinto ng kotse ko dahil malelate na ko" "Kumain ka muna" mahina nyang sabi. "No thanks nawalan na ako ng gana" Pagsabi ko nun ay agad naman nyang binitawan ang pinto pero bago pa man ako makaalis ay kumatok sya sa bintana syempre no choice ako nasa pinto si daddy siguro nakita nyang may problema kami ni Pao. "May itatanong lang ako" "Ano?" "May balak ba kayong sumali sa Music School Completion?" tiningnan ko lang naman sya. Halata namang desidido syang malaman ang sagot ko. "Wala. At naghahanap na kami ng pwedeng isali, mauna na ako" at nag nod lang naman sya lumingon ako kay daddy at ngumiti "BYE DADDY SEE YAH LATER" kumaway lang naman sya sakin. Habang nasa kotse ako at papunta sa school di ko maiwasang di mapaisip. Bakit ba ako nagagalit kila Pao? Dahil ba sa hindi nila kami maintindihan? O sadyang kami lang ang hindi umiintindi sa kanila? Bakit nga ba? Dahil ba sa nalaman na ng lahat na may kakambal sya? Pero pinagtanggol nya naman ako di ba? Bakit ba ako naiinis? Lalo ba ang nangyari kanina? Oo hindi ako kumakain ng ham pag umaga pero di nya naman alam yun. Nagiging unreasonable na ako para awayin ang kakambal ko. Napabuntong hininga na lang ako. Six pa lang ng umaga pero ang dami nang tao dito kung sabagay ang iba kasi dito nagdodorm kaya may mga tao na ganitong oras at saka isa pa breakfast time to para sa mga student dito. Pinark ko ang kotse ko sa parking lot kung saan nakalabel sa amin. I mean sa aming mga student council minsan lang naman kami magdala ng kotse at ito ang unang beses na nagdala ako ng kotse ngayong pasukan. Pagbaba ko ay may nakita akong lalaki na kalalabas lang din sa kotse nya actually kaharap lang sya ng kotse ko. "Good morning Miss Secretary" napataas naman ang kilay ko. "Please sirang sira na araw ko sa bahay wag mo nang dagdagan" inis kong sabi at naglakad na. "Gusto mo gawin nating good mood yan?" napahinto naman ako. "Sino ka ba?" inis na tanong ko sa kanya "Ako tigil tigilan mo ako ah pag badtrip ako wag mo kong pagtitripan nyeta ka" inis ko pang sabi at natawa naman sya. "Anong nakakatawa?" "Ang cute mo pala mainis" napatigil naman ako. "Tanatanong kita sino ka?" "I'm Kian Moris at ako ang inatasan nila Yrally na tumulong sayo" "Bakit hindi ko alam yan?" "kasi alam nilang tatanggi ka?" "Bwisit" inunahan ko na sya sa paglalakad. Kilala ko naman talaga ang lalaking to eh. Kilalang kilala yun nga lang not personally. Heartthrob ang lalaking to dito sa school dahil bukod sa may mukha natural what I mean is bukod sa gwapo varsity pa. At ngayong sinabi nya na sya ang tutulong sakin panigurado maraming mangunguyog sa akin dahil sa kanya. Napabuntong hininga ako. "Pakiusap lang wag kang didikit ng didikit sakin" "Bakit maiinlove ka?" wala sa wisyong natawa ako sa sinabi nya. "Wag ako please? Iba na lang. kung maiinlove lang din naman ako sisiguraduhin kong kilalang kilala ko sya" "Then should we start getting to know each other?" "Are you serious?" "No. I'm Kian Moris" "Haha last mo na yan" sabi ko saka umirap. Hindi ko na sya pinansin pa at pumunta na agad ako sa canteen at dahil nga sa kilala sya at nakasunod sya sakin alam kong pagtitinginan na ako, kawawa naman si ako gusto lang naman ng isang Ashley Lee ng isang maayos at mapayapang buhay high school pero ngayon? My Ash wala na ata yun sa list ko dahil sa lalaking to. Pagkakuha ko na pagkakuha ng pagkain ko ay agad akong naghanap ng vacant na table and luckily meron naman sa dulo at wala masyadong tao thank goodness kaya lang ang isang to nakasunod pa rin sakin kaya pag upo ko ay umupo din sya. "Who told you that you're going to eat with me?" "Me?" "Sorry but I don't want to eat with you go and find another table" "Sungit naman nito" "Whatever" sabi ko at sakto namang dumating sila Irish. Umupo sila sa table ko at sakto naman buti umalis na rin si Kian dahil kung hindi baka kung anong isipin ng mga to pero nakakapagtaka bakit ganyan mukha nila? "Anong nangyari sa inyo?" tanong ko at nakita ko naman na pabuntong hininga si Irish. "Pinagalitan ako ni Kuya" "Bakit daw Rish?" "Ewan ko ba sa kanya Marian. Ang topic lang namin yung seventh wings habang napanood namin sila sa TV tapos ayun biglang nanermon" inis na sabi nya saka kumain. "Ininis din ako ng kakambal ko kanina dagdagan mo pa ng nakakainis na lalaking kala mo kung sinong gwapo" "May sumusunod din sa inyo?" biglang sulpot ni Risa sa amin at nag nod naman kami. "Kailangan natin magawan ng paraan to dahil kung hindi sira buhay high school natin" napatingin kaming lahat kay Risa. "Bakit?" tanong naman ni Dia. "Sikat sila dito sa school yung mga sumusunod sa inyo, nakita ko silang sumusunod sa inyo kaya alam ko at kilala ko sila. Pag hindi sila lumayo sa atin patay talaga tayo" "Wala akong paki mainggit sila kung gusto nila" sabi naman ni Rish saka umirap. "May itatanong ako Risa" sabi ni Marian kaya napatingin sa kanya si Risa at sumubo ng pagkain "Paano pag pinilit ka ng mga kababata mong lalaki na gawin ang di mo gusto anong gagawin mo?" "Magagalit syempre buhay ko to eh hindi naman nila ako pwedeng pakialaman sa kung ano ang gusto at ayaw ko" "Eh paano naman kapag pinagalitan ka ng kuya mo dahil sa hindi mo na pinansin ang mga kababata mo?" tanong naman ni Dia. "Edi bahala na sila sa buhay nila. Ipapaliwanag ko kung bakit" "Eh paano naman kung alam mong para sayo din naman yun?" dagdag ko pa. "Ay bongga magaling ang dami nyong tanong huhulaan ko iisa lang kayo ng sitwasyon" at nag nod naman kami "Minsan mas nakikita kasi ng iba ang mga dapat na gawin natin, minsan ang iba ang mas nakakapuna ng ano ang mas nakakabuti sa atin pero tayo pa rin naman ang magdedesisyon sa sarili natin. Kung alam naman ninyo sa sarili nyo na para sa inyo rin naman ang mga ginawa nila then nagiging unreasonable na kayo para awayin sila." "Sabi ko na nga ba unreasonable na ako eh" sabi ko sa kanila at napatingin na sila sa akin. "Kung pwede sana makipagbati na tayo ayoko na masermonan ni kuya Josh abah si at Jas wala dun kaya free na free sya sermonan ako" –Dia "Ako rin ayoko na rin naman na mapapagalitan ni kuya dahil lang dun pero di ko alam kung paano nila nalaman?" "Duh Rish magkaibigan si kuya at ang kuya mo" sabi naman ni Dia at saka umirap at nagpout lang naman si Irish. "Ako? Ayoko na nyeta ako ang ginugulo nila eh pag ako naasar sa kanila makakatikim sila ng tig iisang sapak sakin" bulalas naman ni Marian at medyo natawa kami. "Ako?" tapos napatingin sila sakin "Naiinis lang naman ako sa kakambal ko kasi parang feeling ko dinidiktahan nya na ako pero sabi nga ni Risa na mas nakikita ng iba ang dapat satin. Alam ko sa sarili ko na ginawa na lahat ng kambal ko para magkabati kami ako lang tong naging mailap sa aming dalawa" sabi ko at nag pout. "Tapos na ba kayo mag usap? Kailangan nyo na pumunta sa SC room" napatingin naman kami sa nagsalita at umirap kami. "Wow uso pala talaga ang sabatan sa usapan no?" inis na bigkas ni Dia at saka sya tumayo "Lets go girls may gegerahin pa tayo" Napangisi naman kami nila Rish at Marian dahil sa sinabi ni Dia, mukhang manga away na ngayon ang pinaka mamahal naming Dia ah. Si Dia ang pinaka bata sa amin pero pare parehas lang kami ng edad sa month lang talaga naiba. Sumunod sa pinakabata si Irish tapos ako then si Marian. Napalingon ako kay Risa at halata naman na namumula ang pisngi nya wag mong sabihing? Oh to the em my goodness di ko akalaing may gusto sya sa lalaking katabi nya ngayon. Napailing na lang ako. Pagpasok na pagpasok namin sa office namin ay agad naman naming nakita sila Yrally at hinagis ni Dia ang bag nya. This is war. Oliver's POV "Ito yung mga kailangan nyong asikasuhin sa darating na MSC pero wag kayong mag alala dahil marami namang mag i-sponsor sa inyo saka isa pa ito nga pala ang mga list ng student na kailangan nyong malagay sa average hindi sila dapat nahuhuli." Sabi ni Manager G habang binibigay samin ang mga folders. Nasa kalagitnaan kami ng meeting ng bigla na lang mag ring ang phone ni Paolo kaya naman napatingin kami. "Hello? Sino po to?" nagkatinginan kami "Po?" tapos napatayo sya kaya naman mas napatingin kami sa kanya "WHAT?" nailing nyang sabi "Okay po papunta na po kami" "Ano yun?" tanong naman ni Jaxon. "Malala na to. Dapat talaga di ko binadtrip si Ashley kanina nagwawala sila ngayon nila Dia. Tumawag sakin si tita Yannie para papuntahin tayo dun at pakalmahin sila" "Hindi naman sila magwawala ng ganun kung di pa dinagdagan ah" –Axel "Yun na nga eh" –Terrence. "Manager pwede po ba?" tanong ko sa kanya at nagnod lang sya "Bumalik kayo agad. Dapat walang makakahalata sa inyo ah?" nag nod naman kami. Habang nagdadrive kami papunta sa school nila Dia may natanggap naman akong text mula sa unknown number ano ba naman tong paparazzi na to hindi ba sila nagsasawa? Malalaman din ng lahat ang tinatago nyo Oliver. Ikaw na may lihim na pagtingin sa anak ng tita mo na isa ring artista gaya nyo at ganun din sila Terrence, Paolo at Troy. Makikita nyo bababa kayo sa trono nyo at kami ang papalit. "Nag iba ata timpla ng mukha mo Olive" tumingin ako kay Jaxon at binigay sa kanya ang phone nya. "Another threat? Nakailang ganito na ba tayo sa isang taon?" natatawang tanong nya at nakibasa din naman sila Axel "Sa tingin ko mahigit isang libo sa isang taon hahaha" –Axel. Hindi ko kailangan alalahanin yan ngayon ang kailangan kong alalahanin ay kung paano namin mapapakalma sila Dia, iba silang klaseng babae hindi dahil sa hindi sila mahilig sa bagay na dapat meron din sila dahil sa pamilya nila kundi dahil sa kapag sila galit na galit kailangan mo nang magtago. Kahit gaano pa sila kabait may pagkabitch din naman sa katauhan nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD