Marian's POV
"Whats with this commotion?" Takang tanong naman ni Dia.
"Pano naman namin malalaman? Hello nagkakasama lang kaya tayo" sagot naman ni Irish.
Magtu-twelve years na pala simula noong nakilala ko sila. Simula noong nabuo ang grupo namin. Bukas na rin yun. Noong una pinakilala ako sa kanila ni mommy tuwang tuwa at excited naman ako but nung nalaman ko ugali nila medyo naturn off ako. Noong una yun. Dia is such a Englishera kid way back then ni hindi sya nagtatagalog! Sabi naman ni kuya sakin nagstay daw kasi si Dia sa US kaya ganun pero hindi lang dahil sa pagkaenglishera nya ako nainis, nainis din ako kasi ang arte arte nya pa noon pero kahit naman ngayon maarte pa rin sya yun nga lang hindi na gaano.
Si Irish naman inis na inis ako sa kanya kasi pinaiyak nya noon si Ezekiel yung pangalo sa bunso namin na sinundan ako, 3 years old si Eze noon at pinaiyak nya. Sabi naman ng kuya ni Irish pagpasensyahan na daw kasi mahilig daw talaga sya mambully. Tinry kong makipag kaibigan pero doon ko nalaman na hindi lang pala pangbubully ang namaster nya pati na rin ang pangbabara. Palagi nya nalang bibabara lahat ng sinasabi ko noon sa kanya pero ngayon? Ganun pa rin mild na nga lang.
Si Ashley naman kinainisihan ko sa kanya noon yung pagiging reklamadora nya, nakasama ko sya isang beses sa sala noong nag uusap usap sila mommy sa dinning area grabe ang dami nyabg reklamo sa maid at halos mainis na sa kanya yung maid gusto na syang saktan pero di nya magawa kasi mawawalan sya ng trabaho.
Noong magkatagpo naman kaming apat sa iisang bahay eh hindi ko akalaing magkakaibigan pala yung tatlo at grabe halos sanay na sanay na sila sa ugali ng isat isa. Magkakaiba sila ng ugali pero parang magkakapatid na rin ang turingan nila. Naglalaro sila sa garder habang ako naman nandito sa sala nakatigin lang sa kanila, hindi naman sakin big deal kung hindi nila ako gusto yun nga lang gusto ko talaga sila maging kaibigan kaya naman laking gulat ko ng yayain nila ako makipag laro.
"Next week kasi election na" napatingin kami sa nagsalita and its Risa.
"Election for Student council?" Tanong ko at nag nod sila.
"Yes but unluckily walang may gustong maging member ng student council. Lima ang kailangan nila ngayon pero walang may gustong tumakbo or pumalit sa namumuno ngayon, we only have one year of term when it comes for being one for student council. One term per One person." Sagot naman ni Risa habang naglalakad kami.
"Eh bakit naman ayaw nilang sumali? Its odd doon sa dating school namin halos lahat gusto" nag agree naman kami sa sinabi ni irish.
"This school is different from the other school alam nyo naman siguro yan" at nag nod naman kami "This school, theres a lot of demanding student here"
"What kind of demanding?" Tanong naman ni Dia.
Naglakad muna kami papunta sa table na nasa garden ng school, syempre kung may table may chair din.
"Demanding sa lahat ng bagay. When I was first year gusto nilang magkaroon ng carnaval sa school. Nagawa naman yun kaya satisfied ang mga student. Habang tumatagal ng tumatagal nagiging malala ang pagiging demanding nila. Last year nagkaroon ng fashion show dito pero hindi lang basta basta fashion show. Hindi ko alam kung paano nila nakumbinsi ang limang sikat na designer at sampong top models para nagperform."
"Whooaa thats so--- Di ko maexplain, bakit sila magdedemand ng ganyan? Baka mamaya yung badget ng SC eh nagastos na" reklamo naman ni Ashley. As I expect.
"Thats the problem. This time, this year there is only a few butget para sa foundation day. Kaya siguro walang may gusto sumali sa student council ngayon"
"Thats cruel" inis namang sabi ni irish.
"Yes it is" sang ayon naman na sabi ni Risa.
"Sino ba naman kasing walang utak ang magdedemand ng ganun?" Sabi ko.
"Is it me na sinasabihan mong walang utak?" napatingin na lang kami sa mga babaeng paparating sa amin.
Actually apat sila. Yung isa nangunguna sya ata yung nagsalita kanina. Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa pero bago pa ako magsalita naunahan na ako ni Dia.
"You know girls? Maganda sana kayo kaso naover yung make up nyo. And please paki close ng first button ng blouse nyo ang sagwa" napangisi na lang ako.
This is the real reason why we keep on transffering from the other school. We get bullied ah wait lets scratch it we bully someone who deserve it.
"Akala nyo naman ikinaganda nyo na yang paglalabas nyo ng cleavege nyo" tapos tumawa si Ash "Dont us please? Panigurado marami nang umay jan"
"what did you say?" Girl one na lang itatawag ko sa babaeng to. Leader ata.
"Oh are you a deaf? Please dont make us to repeat it, it will just hurt you" pang aasar naman ni Rish.
Eto na naman po kami. Nagsisimula na naman kami panigurado mapapagalitan na naman kami nila mommy nito mamaya. Jusko naman Marian Salvador pero sa tingin ko masaya to.
"Hey guys-"
"Shut up Risa" sigaw naman ng babaeng nasa likod ng isa at dahil tatlo sila yung nasa kanan ang tinutukoy ko.
"You should be the one who need to shut up" sabi ko at ngumiti sa kanila. "For the girls like you I think there is no repect that we need to give. Well respect is isnt easy to gain."
"Dont english us! We know the english" Sabi naman ng nasa gitna
Nagkatinginan kaming lima at saka tumawa ng tumawa.
"Tama ba ang english ko?" Dinig kong tanong nya.
"Oo tama naman" sagot naman ng nasa kaliwa.
Mas lalo pa kaming natawa sa pinagsasabi nila, seriously?
"Dont make us fun! We know english and we is best in that. We excel that english"
Hindi naman sa pagmamayabang sa pag english alam ko rin naman na I'm not good in english as good as Dia but at least kaya ko magsalita ng di napapahiya ang sarili ko. I know na gindi maganda manglait pero...
"Please girls, dont let yourself be on shame. If you cant really talk in this language then its okay. You dont need to push yourself girls" may halong pang aasar ni Irish.
"We perfect so not do need to say that" napailing na lang kami.
"This bunch of trying hard girls really waste our time" uh oh ayaw nga pala ni Dia ng ganito, yung trying hard mag english. Ayaw nya kasing napapahiya ang mga tao dahil sa grammar "Hindi sa nilalait ko kayo pero hindi talaga kayo magaling mag english, kung hindi nyo kaya wag nyong ipahiya darili nyo. Wag kayong demanding. Bago kayo magsalita at magdemand make sure na okay na ang english vocabulary and grammar nyo" tapos tumingin sya samin. "Lets go"
Kinuha namin ang mga gamit namin na nasa mesa at saka naglakad pero bago pa man kami makalayo eh nakaramdam kami na may basa sa likod namin. Uh oh my bra is now revealed well I have a good sexy body naman.
"Ganun ka na ba kainsecure sa amin kaya gusto mo pang makita hubog ng kayawan namin?" Natatawang sani ni Irish.
"Ew I dont want to catch a cold" ayan na ang pagiging maarte ni Dia.
"Damn it" dahil sa nakatalikod silang apat eh di nila napansin ang kinuha ni Ashley.
Kumuha sya ng tabo na nasa balde malapit sa gripo at sakto may putik sa gilid namin so ayon tinabo nya and tinapon. Kita ang inis sa kanilang mukha pero bago pa man magkaroon ng away eh napigilan na kami. Badtrip naman to.
Napatingin ako sa paligid at marami na palang nakatingin samin? Well wala kaming magagawa. Imbis na sa detention room kami dinala eh dineretso kami sa principal's office at kita ko naman ang takot sa mukha nung apat kaya mas lalo akong napangiti. Pagdating namin dun ay seryosong nakatingin samin si Mrs. Evans.
"Explain" seryoso nyang sabi.
"Nag uusap lang naman kaming lima about doon sa election nabanggit kasi ni Risa na walang may gusto na tumakbo and they just interupt with us." Sabi ko.
Sa amin apat nila Rish, Dia and Ash ako ang may pinaka magaling na bibig pagdating sa reasoning kaya nga binibiro nila akong att. Marian Salvador.
"What? Hindi totoo yun ma'am narinig po namin na sinabihan nila kami ng Walang utak"
"Did I even mention your name miss? Yes I admit that I said it pero kilala ba kita? Hindi pa nga nababanggit ni Risa ang pangalan mo samin eh. Then tell me tinamaan ka kasi ikaw lang naman nagawa nun di ba?"
"No!---"
"Shut up both of you" tumingin si Mrs. Evans doon sa apat. "Kayong apat nakailan na ba kayo? Pag pinagpatuloy nyo pa to masususpend na kayo"
"Im sorry ma'am"
"Go now. And you Ms. Risa, Ms. Marian, Ms. Ashley, Ms. Irish and Ms. Diana will stay here" nag nod lang kami sa sinabi nya. Nakita pa naming nag tongue out silang apat.
Paglabas nila ay tumayo naman agad si Mrs. Evans at saka pumunta sa isang drawer at may dala ng bagong uniform at saka ibinigay sakin.
"Binalaan na ako ng mga magulang nyo sa mga gulo na pwede nyong gawin sa school na ito" tapos tumingin sya samin "Magpalit na muna kayo at mag uusap tayo"
Mag nod naman kami at sabay sabay kaming pumunta sa CR. Malaki naman ito kaya kasya kaming lima.
"Sa tingin nyo anong gagawin satin ni Mrs. Yannie?" may halong takot sa boses ni Risa.
"Naku wag ka nga matakot wala naman tayong ginagawa na masama saka is pa sila ang naunang makipag away sa atin" sagot naman sa kanya ni Rish.
"You dont have to be scared we are here for you and we will do it together" sabi naman ni Dia "Like what my mom said find a friend who will never leave you when you are in darkness" nakangiting dagdag pa ni Dia.
"Ayan ka na naman sa kakaenglish mo Dia, oo alam naming nasanay ka pero please lang nakakasakit ng ilong ah" reklamo na naman ang lumabas sa bibig ni Ashley.
"Sus palibhasa natataob ka talaga ni Dia sa english hahaha" pang aasar naman ni Rish.
"Just finish this guys we still have one problem to face" sabi ko at napatingin sila sakin.
"One problem?"
"Wow sabay sabay pa talaga ah! Yes one another problem. After this talk we should get ready dahil magsisimula na naman tayong makipag away with those trying hard bitches" sabi ko at sinoot ang palda.
"Wait." Tapos tumingin si Rish kay Risa "What is their name?"
Oo nga no di man lang namin alam.
"Yung leader si Anna, yung nasa kanan naman yung best friend nya si Bea at yung nasa gitna si Carla and last yung best friend ni Carla si Darlyn. ABCD Queen bee sila dito sa school."
"Wow ABCD queen bee eh?! I want to show then tuloy what Queen should be" nakangising sabi ni Ashley.
"Hindi nyo sila dapat kinaka---"
"Oh darling Risa you dont worry kaya namin to. We are going to let you out this mess. Ayaw naming madamay ka although damay ka na talaga" saka nagpout si Rish sa sinabi nya.
"We're just gonna show who is the real b***h here and what kind of work a b***h can do" nakangiting sabi ni Dia pero hindi mo magugustuhan ang meaning ng ngiti nya.
"But we will do our best to let you out here Risa. Just tell us when they mess you up okay? Do not let them to bully you" at nag nod naman si Risa.
"Done talking? Lets go out Mrs. Evans is waiting." Sabi ko at saka nag rolled eyes.