CHAPTER FIVE- GUESTING

2081 Words
Oliver's POV Sa kagwapuhan kong taglay alam ko namang maraming nahuhumaling sa aking mga babae, kaliwa at kanan ang mga babae pero wala eh si Dia lang talaga ang kinahuhumalingan ng gwapo kong sarili. "Hoy mag uumpisa na ang guesting pero yung mukha mo pinagsakluban pa rin ng langit at lupa" biglang sulpot ni Troy habang sinasabi yan sa harap ko. "Sus nagkakaganyan lang naman yan kasi hindi tayo pinapansin ng girls" nailing naman na sabi ni Paolo. "Ano ba kasing ginawa nyo sa kanila at di nila kayo pinapansin? Baka pati ako damay jan ah" sabi naman Terrence habang pumapasok sa dressing room namin. "Baka" kibit balikat naman na sabi ko. "Hoy bat ako madadamay jan abah wala naman ako sa pangyayari" "Wag kang mang iwan sa pre" natatawang sabi ni Troy at napatingin naman kami sa biglang bukas ng pinto. "Fantastic Four standby na po kayo sa back stage" sabi ng isang staff kaya naman agad na kami nag ayos. "So ano nga ang dahilan kung bakit ayaw kayong pansinin nila Marian?" tanong ni Terrence at bumuntong hininga naman ako. "Napush siguro namin ang limit" nakangiting sabi ni Pao. "Alam mo namang mas talented sila sa atin di ba?" at nag nod naman si Terrence "Yun ang hindi namin maintindihan sa kanila, mas talented sila sa atin pero kahit isang beses hindi man lang tumama sa isip nila na maging gaya natin. Sinasayang lang nila." "Ayoko namang magalit sakin ang kambal ko kaya lang sayang naman" Tahimik na kaming nakarating sa back stage lahat sila nagsisitinginan sa amin hindi dahil sa gwapo kami kasi alam na naman namin yun at number one yun pero ngayon kasi kakaiba, hindi kami nagkukulitan gaya ng dati. "Nakakapagtaka ata at hindi kayo nagkukulitan" napatingin naman kami sa may ari ng boses at saka napangiti ng Makita ang isang napakagandang babae. "Hi ganda" sabi naman ni Pao at kumindat. "Naku Pao tigil tigilan mo ako sa kakakindat mo" "Ganda mo kasi miss" dagdag pa ni Troy. "Kayo talaga napaka babaero gayahin nyo ko hanggang crush lang kay Miss" tapos kumindat din ibang klase tong si Terrence. Sa aming apat si Paolo Seok ang pinaka babaero, hindi ko alam kung bakit pero siguro namana nya yun kay tito Kyle ganun din kasi si tito Kyle noong kabataan nya. Kaya tuloy laging nagagalit si tita Aia kay tito Kyle kasi dahil na rin sa ginagawa ni Pao. Pero kahit na ganyan yan loyal pa rin naman yan kay Irish. "Naku kayong tatlo tigil tigilan nyo nga si ate Jas baka mamaya masapak kayo ni kuya Josh lalo ka na Pao aba baka gusto mo malaman to n---" "Wag kang maingay Oliver pag yan kumalat sige ka kalat din ang sa inyong tatlo" sabi ni Pao habang hawak ang bibig ko at may halong pagbabanta sa boses nya. "Naku kayo talaga sige na umakyat na kayo at magshoshoot na kayo" tapos may lumapit kay ate Jas at may sinabi saka umalis ulit "Kailangan ko nang umalis boys may photoshoot pa ako sa Makati" "Aw iiwan mo na kami ate Jas?" "Wag kang mag inarte Pao" "Eh ate Jas di mob a ako isasama?" "Manahimik ka Troy malala ka pag kasama kita" "Eh ako ate Jas mabait ako" "Hindi halata Terrence" natatawang sabi ni ate at umiling na lang ako "Oliver ikaw na bahala sa kanila ah" at nag nod naman ako. Sya si Jasmin Yeon ang kasalukuyang Dancing Queen ng Generation namin at ako? Ako lang naman ang kasalukuyang Dancing Prince. Si kuya Joshua kasi ang Dancing King ngayon at malayo pa ang dadaanin ko para makuha ko sa kanya ang trono na yun. Nagready na kami sa pag akyat sa stage, live broadcast to kaya naman walang edit edit na mangyayari kung sakali mang magkamali ka ng sagot o may magawa kaming mali panigurado headline na naman ang grupo namin pero so far wala pa namang nagkakamali sa amin at isa pa kung magkakamali man kami dadaanin namin sa pacute. Malakas ata karisma namin. "LET US WELCOME THE FANTASTIC FOUR" sigaw ng MC at nagwala na ang mga tao. Isang introduction song ang kinanta namin, one of our songs na nagclick sa masa. Pagkatapos naming kantahin iyon at sayawin agad naman kaming pinaupo sa sofa na nasa harap ng camera. Kahit tapos na kami mag perform ang mga fans namin na nanonood live ay hindi pa rin natitinag tuloy pa rin sila sa pagsigaw ng "KYAAAAA FANTASTIC FOUR THE BESSSTTT" "OLIVER ANG GWAPO MO TALAGAAAA" "PAOLO GAWIN MO KONG BABAE MO" napailing na lang ako sa babaeng to kumaway lang naman si Pao sa kanya kaya ayun halos mahimatay na. "TERRENCE IBANG IBA TALAGA AURA MO I LOVE YOUUUU" "TRRROYYYYY ONE SWEET GESTURE NGA JAAAAN" at nagpasweet naman itong si Troy ibang klase talaga to. Kung hindi lang kami gwapo siguro nabato na kami ng mga kung ano ano dito ngayon pero simula noong trainee pa lang namin sinabi namin sa sarili namin na kaya naming lampasan lahat. At ngayon isa sa mga pinapatunayan namin ay ang sarili naming pangalan na nakakabit sa pangalan ng mga magulang namin. "No wonder why they are so good at singing and dancing. They are came from HBB and TCLG's Family" sabi ng MC. Gusto ko mang sabihan sya ng kung ano ano ngayon kaya lang di pwede. "So nandito tayo para sa ilang katanungan na nagmula sa fans nyo. May tig tatatlong tanong kayo dito ready na ba kayo?" nag nod naman kami. "Okay first question." Saka nya kinuha ang blue na papel sa isang fish bowl "For Mr. Terrence Balverde" "Yes po?" "First question" tapos tumingin sya kay Terrence, may gusto ata ang isang to kay Terrence eh. Actually kasing edad lang namin tong emcee na to "Meron ka bang nililigawan o napupusuan man lang ngayon?" Ang mga mata ng babaeng to parang nagsasabing Sana sabihin mo wala dahil makakapatay ako ibang klase talaga ang mga babae sa mundong to gagawin lahat mapasakanila lang ang gusto nila. Buti na lang at hindi nila kagaya sila Dia dahil baka hindi namin sila nakaclose. Pero kung sabagay imposible nilang maging kagaya ng ugali itong babaeng to dahil disiplinado sila nila tita at tito. Kahit kami ni ate Jasmine. "Sa ngayon po wala muna sa isip ko ang ligaw ligaw, dahil ang pagtingin ko po muna ay nasa fans ko" tapos ngumiti si Terrence sa fans namin at ayun nagsisigawan na sila sa kilig "Kung sakali man po na magkaroon ako ng babaeng gusto kong makasama habang buhay sana po matanggap iyon ng mga fans ko hindi lang sakin kundi pati sa buong miyembro ng Fantastic Four. Hindi naman po kasi kami habang buhay single hahaha" "What a nice answer" tapos tumingin sya sa fans ni Terrence na may halong selos sa mata nya. "Oh kung sino man ang magiging girlfriend ni Terrence dapat tanggapin nyo ah" "TANGGAP NA TANGGAP" sabay na sabi ng mga fans nya at napangiti naman ako. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito sa grupo namin pero yung tingin ng babaeng to, ang presensya nya ibang iba sa lahat. Oo isa sya sa top celebrity, pang lima kung baga pero sa tingin ko may something ang babaeng to. Masyado na ba akong observant? Yun kasi talaga ang pinaka namana ko sa mommy ko. Kay Allieya Park-Yeon. "Pangalawang taong. Kung sakaling magkakagirlfriend ka anong ugali ang gusto mo sa kanya?" napanod naman si Terrence. "Gusto ko po yung kagaya ni tita Allieyah. Maganda, mabait, may dignidad at mataray ahahaha tita wag ka pong magagalit ah" Nagtawanan naman lahat ng tao sa loob kahit kami. "Last question." Natahimik ang lahat at nag aabang "Wala kang nababanggit tungkol sa pamilya mo pwede mo bang sabihin kung sino at saan ka nakatira?" She caught her off guard. Hindi na ngayon makapagsalita si Terrence. Totoo walang alam ang public tungkol kay Terrence dahil kami mismo ang nagtago nito sa tulong na rin nila mommy. Sabi na nga ba may something ang babaeng to! Hindi fans ang magsusulat ng tanong na yan. Magsasalita na sana ako ng pigilan nya ako. "Una sa lahat ang tungkol sa pamilya ko ay isang sekreto" at ngumiti sya saka humarap sa camera "Alam ko marami sa inyo ang nagtataka kung sino ba talaga ako, kung saan ako nagmula pero sana bigyan nyo muna ako ng konting panahon pa para naman mapaghandaan ang pagsabi nito sa inyo. Kung saan naman ako nakatira ngayon, nakatira ako sa dorm naming Fantastic Four" tapos ngumit sya. "SINO BA NAGTANONG NYAN DI NAMAN NAMIN KAILANGAN MALAMAN BACKGROUND NI TERRENCE MAHAL NAMIN SYA" "TAMA TAMA" Samo't saring kumento ang naririnig namin ngayon pero agad namang humupa sa pakiusap namin, tama naman eh hindi magtatanong ang mga fans tungkol dito dahil alam nila ang nararamdaman ni Terrence. Maybe may isang hater or isang obsess fan na gustong malaman ang lahat. "Maraming salamat Terrence Balverde" tapos bumunot ulit sya ng papel na asul sa fish bowl "Ang susunod na tanong ay Para kay Troy Harvey Salvador" tapos nag nod lang naman si Troy, nawala siguro sa mood tong lalaking to "First question. Bakit naging idol ka imbis na magmanage ng isang group kagaya ng parents mo?" "Dahil alam ko sa sarili ko kung saan ako nababagay, sila mommy at daddy okay lang naman sa kanila kung anong klaseng buhay ang pasukin ko at alam kong nakasuporta sila kaya hindi ako nag alangan na suungin ang buhay celebrity" "Wow. Nakakainspired." Iba talaga nafefeel ko "Pangalawang tanong. Sino ang pinaka matalik mong kaibigan? May iba ka pa bang kaibigan bukod sa Fantastic four?" "Yes meron akong ibang friend bukod kila Oliver hindi lang naman sa mundo ng media umiikot ang buhya ko. Off camera marami akong kaibigan at hindi ko na babanggitin kung sino man sila dahil ayokong masama ang buhay nila sa mundong to" "Third question. Ikaw ang hindi nanggaling sa idol family paano mo ito nalalampasan?" "Hindi ko naman kailangan pang lampasan dahil hindi naman kailangang nasa idol family ka para lang maging isang idol or celebrity." Nagsigawan naman ng pagchecheer ang mga fans namin dahil sa kanila nawawala ang pagkabadvibes ko sa mga tanong. Kung ganiyan na ang tanong kay Terrence at Troy paano pa kaya sa amin ni Pao? "For Mr. Paolo Seok" tapos tumayo si Paolo at nagvow, loko talaga ang lalaking to "Hahaha you're polite as always Mr. Paolo" "Because it's what my parents want" at kumindat sya sa camera kasabay nun ang pagtili ng mga babaeng nanonood. "Hahaha okay First Question. You are like your father from what kind of attitude?" Nakita ko ang pagyukom ng palad ni Paolo habang nakangiti sa camera. Alam kong ito ang pinakaayaw nyang tanong sa lahat ang macompare sa tatay nya. "Kung pagkakaparehas lang po namin ni daddy ang pag uusapan maraming marami po pero hindi ko po ito ipagmamalaki dahil may kakayahan akong lampasan ang meron si daddy. Gaya na lang sa kagwapuhan mas gwapo ako kay daddy" Nagtawanan ang lahat. "Full of confidence as always" tapos binasa nya ulit ang nasa papel "Second question is sino ang latest na dinate mo sa celebrity world?" "Hahaha si Alice ang sikat na model" tapos ngumiti sa camera "Hi Alice, kumusta? Kita tayo bukas ah hahaha" "Naughty ka rin pala hahaha. Last question, may kakambal ka ba?" Pinakalma ko ang sarili ko dahil sa mga naririnig kong tanong. Sabi na nga ba at matatanong to, ngumiti lang si Paolo at saka bumuntong hininga. "Yes may kakambal ako pero wala po akong balak ipakilala sya sa inyo hanggat hindi nya sinasabi kahit papaano naman ay may respeto ako sa kakambal ko." Proud na sabi nya at satisfied naman ang mga tao sa narinig nilang sagot. Una si Terrence tungkol sa family background nya, panagalawa si Troy tungkol sa pagiging sikat na manager ng magulang nya tapos ngayon si Paolo tungkol kay Ashley na kakambal nya. Ano naman kaya ang ibabato nila sa akin? "Oh?" napatingin naman kami sa babaeng emcee "Iisang tanong lang ang nandito para kay Oliver?" gulat nya pang tanong pero nakikita ko sa mata nyang sinasabing patay ka Oliver. Mas lalo tuloy akong kinakabahan "Eto ang tanong" tapos tumingin sya sakin mata sa mata at saka sya ngumiti "Sino ang babaeng ito" At saka ipinakita ang isang picture Blur ang background at likod ko lang saka ang noo ng isang babae ang nakikita. Si Dia to. s**t bakit at pano nila to nakuhanan? Sino ba tong emcee na to? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD