Oliver's POV Kahit na natapos na ang problema kay Ashley eto naman kami ngayon naghahanap kila Dia. Halos mabaliw ako sa sinabi nila Zander sa amin noong araw matapos na operahan si Ash. [Flashback] "Hindi ba kayo nagbibiro?" Tanong ang sagot namin ni Troy sa sinabi ni Jaxon at Zander. "Hindi! Nakita namin na tinakpan ng mga lalaki ng panyo ang bibig at ilong nila. Agad nga kaming tumakbo pero di pa rin namin naabutan" sagot naman ni Jaxon. Halos manghina sila tita Aia sa narinig nila. Hindi pa ito naririnig nila tita Mhyleen pero panigurado ako mas malala ang magiging reaksyon nila. Gusto kong magwala ngayon pero alam kong hindi ito makakatulong kailangan kong magpakalma. Nakita ko ang galit sa mukha nila Paolo kaya naman nagkatinginan kami agad tinawagan ang mga kilala naming dete