CHAPTER TWO- THE BOYS

1929 Words
Oliver's POV "Mom I said I'm okay" "Ay naku Oliver tigil tigilan mo ko sa kaka-okay mo. Ayaw mo na ba na ako ang maghanda ng mga gamit mo sa taping mo?" Ay naku mama. "Mom hindi naman sa---" "Yun naman pala eh." Tapos umalis sya at pumunta sa kwarto ko. Ay naku.     "Pagpasensyahan mo na." Napalingon naman ako at nakita ko ang pinagmanahan ko "Ayaw nya lang siguro mafeel ang nafefeel ng mga kaibigan mo" "Huh?" "Alam mo Olive" tapos lumapit ka "Ang gwapo mo talaga ngayon alam na alam ko alkung kanino ka nagmana" "LANCE!" "Oh hi babes hahaha bat galit ka na naman?" "Tigil tigilan mo si Oliver sa kayabangan mo ah" "Mom totoo naman kasi ang sinabi ni daddy na sa kanya ako nag mana" "Kitams" tapos nag bro fist kami ni daddy. "Oliver Yeon! Lance Yeon!" "Okay stop na" sabay naming sabi ni daddy. Im Oliver Yeon isang sikat na artist like my mom and dad. Thier name? Si Allieyah Park-Yeon at si Lance Yeon. Kasamahan ko sa grupo si Pao at si Troy. Kung tutuusin sabi ng karamihan kayang kaya daw naming lampasan ang naabot ng mga magulang namin which is na gusto din naman naming mangyari. Imbis na nagpapahinga ako nung summer at nagbabasketball mas pinili kong magkaroon ng project. Kuya nathan told me na maraming nakapending na individual project kaya bago pa magkasabay sabay ay binawasan ko na. Napapangiti ako kapag naiimagine ko ang pamumukha ng dalawang ungas na yun kapag nalaman nila na ganun karami ang nakapending sa kanila hahahaha. "Ready na" napatayo ako sa sofa sa sinabi ni mommy. "Mag iingat ka jan sa jungle taping mo ah! You know kung gaano kadelekado yang jungle na yan" "Alam ko po mom" "Pag ikaw nagkulit kulit jan patay ka sakin" "Kung yung mukha ng mommy ko ang makikita ko pagkalabas ko sure akong magbebehave ako." "Naku ewan ko sayo pati kacheesyhan ng daddy mo nakuha mo na" "Hahaha mana nga kasi sakin babes" tapos niyakap sya ni daddy na nakatalikod. Bago ko pa masaksihan ang pag lalambingan nila umalis na ako sa bahay. Three months ko nang di nakakausap yung apat na babaeng yun ah. Bago ako umalis sinabihan ko muna si Manager Nate na dumaan kila Dia. "Oh Oliver napadalaw ka" "Hi Oliver" singit naman ni tita Mhyleen. "Hi tita Hi Dia. Nakauwi ka na pala tita hahaha oo nga pala Dia here" tapos inabot ko sa kanya yung necklace na binili ko "Hindi ko nabigay sayo kagabi kasi nakatulog na lang ako bigla sa pagod." "Wow! Thank you for this Live!" She use to call me by that. Hindi naman sya lang pati sila Marian, Ash at Rish. May kanya kanya kaming nickname. "Aalis na ko may taping pa ko, bye tita, bye Dia! " "Bye take care" sabay nilang sabi at umalis na ang kotse namin. At least nakita ko sya bago ako umalis. °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Troy's POV "Mama di ba pupunta dito sila tita Aia?" Tanong ko, bored na kasi ako. "Hindi eh" sabi nya habang inaayos ang hapagkainan namin at tinulungan ko naman sya "Wala ka bang project?" "Wala po eh" "Bakit si Oliver meron?" Patay na san nya naman kaya nalaman? "Ah ano kasi ma---" "Wag mo ko rasunan ng kahit na abo Troy kilala kita di ka makatingin sa mata ko kapag nagsisinungaling ka at saka isa wag ako lokohin mong bata ka alam ko mga ganyang rason" Oo nga pala nalimutan ko dati palang manager tong nanay ko. Napabuntong hininga ako. "Sorry ma!" "Alam mo ipapatigil kita sa paggiging celebrity kung di mo rin naman seseryosohin yan! Alalahanin mo ang mga pinaalala sa inyo nila Mhyleen noon nung sinabi nyong mag aartista kayo" Yeah. "Hindi naman po namin nalilimutan yun." "Troy." Bumuntong hininga na lang ako. "Tandaan mo nasa anino pa rin kayo nila Mhyleen hangga't hindi nyo sila nalalampasan o wala kayong napapatunayan hindi kayo makakaalis jan, ayokong mafrustrate kayo kaya kita sinasabihan" "Yes ma" "Delikado ang mundong yan makinig ka sakin, ayokong may kung ano mang mangyari sa inyo. Ayokong maulit ang nangyari noon kila Allieyah" "Ma sa gwapo naming to? May magtatangka?" "Oo Troy meron dahil lahat ng tao kayang gumawa ng masama sa kapa nila tao kaya pakiusap tigil tigilan mo ako sa kakabiro mo nahahawaan ka na ng papa mo sa kayabangan" "Ma hindi yun kayabangan katotohanan yun ma!" Napailing na lang ako dahil kay mama. Ang hirap maging artist kung ang magulang mo ay dating manager isama mo pa na ang mga tito at tita mo which is mga ninong at ninang mo ay mga sikat din. Totoo nga hindi pa kami nakakaalis sa anino nila but someday alam ko sa sarili ko-- namin na makakaalis kami. "Dun ka na Troy tulungan mo na lang ang kuya mo sa pag aayos ng bakuran dahil yang papa nyo ay busy pa." Hindi pa nagreretire si papa pero si mama oo matagal na sabi ni papa para daw may makain kami hahaha baliw talaga yun si papa. Pumunta ako kay kuya na isang super model pero ayan nagiging karpentero ng garden namin. "Kuya" "Oh Troy!" "Ano ba kasi yang ginagawa mo? Mini house? May bahay naman tayo ang laki pa nga eh" "Baliw!" Tapos tumayo sya at lumapit sakin saka tiningnan ang maliit na bahay sa tingin ko kasya mga sampong tao. "Club house nyo yan" Napangiti ako ng may kinuha pa sya. Ring. "Ano walang balak? Tara nagbabasketball tayo pagkatapos" yaya nya sakin at syempre tutulungan ko. Troy is my name and my face is my glory lol. Anak ako ni Shaira at Luke na dating manager ng HBB at TCLG na hanggang ngayon ay sikat pa rin kahit na hindi sila active sa TV pero yung mga songs nila bumebenta pa rin specially the collaboration one yun ang pinaka the best sa lahat ng napakinggan ko, kahit na isa ako sa tinitingala ngayon hindi ko pa rin maiwasang tingalain sila tita Chien. °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Paolo's POV Kahit kelan talaga napaka sungit ng kakambal ko hindi ko alam kung kay mommy ba talaga nagmana ang isang yun pero kung sabagay masyadong reklamadora so I am really sure na si mommy ang pinagmanahan nya. Si Rish kasi di naman ganyan, di nya namana ang kalandian ni tito Kyle at much better dahil sa wala akong kaagaw. Yes crush ko si Irish na anak nila tito Kyle at tita Aia she's so pretty kaya nagustuhan ko sya but not actually her face. Mahal ko sya dahil sya si Irish. Tamang tama talaga ako sa babaing yun pero ayoko nga umamin baka mamaya nyan mawalaan ako ng isang kaibigan. Ganun din naman si Oliver eh na anak nila tita Allieyah at tito Lance. Ayaw nyang umamin kay Dia kasi natatakot sya at alam naman namin at naiintindihan namin, baka kasi mamaya bigla nila kaming iwasan di ba? Nakakabading man pero totoo. Gwapo kami. Hahaha. Hindi ki lang alam si Troy pero sabi nya samin may gusto sya sa kambal ko at boto naman ako sa kanya dahil utol na ang turing ko sa kanya at alam kong mababantayan nya si Ash. Kahit na lagi kaming nag aaway nyan ayoko pa ring masaktan sya ng iba lalo na ang nasasabihan ng di maganda. Yung apat? Si Dia, Ash, Rish at Mar? Silang apat yung kung titingnan mo mukhang matataray at bully pero kung makikilala mo mas bully pa sila sa inaakala mo hahaha bully sa pang aasar pero hindi sila matataray, mamabait in fact. Napala sweet din nila at maalalahanin kapag alam nilang busy kami di na sila magkanda ugaga mag text samin na kumain at magpahinga kami. Namimiss ko na tuloy sila. Kami ni Ash nandito kami sa US dahil sa binisita namin sila lolo at sa pagkakaalam ko naman si Marian nasa Venice while si Dia nakastay lang sya sa bahay nila at si Irish naman nasa ibang bansa din at hindi ko alam kung saan dahil hindi nya naman sinabi sa amin. Pumunta ako sa kwarto ko at saka ko kinuha at i-on ang laptop ko, pagbukas ko naka 5 minutes ago ang mga babae siguro kakatapos lang nila mag usap ulit. Di ko nga nabati si Dia kahapon eh alam ko nagtatampo yun kaya naman tinawagan ko sya. "Oh may balak ka pala magparamdam?" "Galit ka na nyan?" Pang aasar ko, babawi ako sa pang aasar nya sakin noong nakaraan bago ako esti kami umalis. "Hindi medyo lang may nakalimutan ka kasi" tapos inirapan nya ako at natawa naman ako "Oh anong nakakatawa ha?! Pao?" "Wala wala kasi naman nakakatuwa talaga mukha mo kapag galit ka" saka sya nag pot "Di uubra sakin yang kakapout mo kay Oliver pwede pa" "Ano may sinabi ka?" "Wala sabi ko belated happy birthday alam mo naman ang time dito at jan hindi magkaparehas kaya seven pa lang dito eight na jan" "Whatever Pao kung wala ka ng sasabihin mag a-out na ako" "Gwapo ko naman para pag lag-outan mo" "Isa pa Pao namumuro ka na ha?!" "Hahahaha" kulang na lang umusok na mukha ng babaeng to "Chill Dia, Belated Happy birthday" nakangiti kong sabi at umirap na naman sya. "Akala ko naman kung anong importante ang sasabihin mo dahil talagang tinawagan mo pa ako, himala ah sa katamaran mong yan! Well nag iimprove ka but thanks" tapos ngumiti sya at saka nag log out. Ang babaeng yun talaga. Yung ngiti nya nakakabihag pero dahil kay Irish ako nabighani kaya wala na akong interes pa kay Dia at isa pa walang sulutan sa grupo namin pag gusto na ng isa sa kanya na di pwedeng makihati lalo na sa babaeng mahal namin, ayaw namin ng may kahati gusto namin kami lang. Pero dahil hindi nila alam ayun. "Pagmumukha yan tol?" Bungad sakin ni Troy. Nag group call kami after kong makipag usap kay Dia at online ang mga to biruin mo yun?! Minsan lang kasi kami magkasabay sabay na mag online. "Kasi ba naman si Dia binati ko ng maayos pero ayun nilog-outan lang ako" Isang napakalutong na hagalpak ng tawa ang natanggap ko mula kay Oliver at Troy grabe sila ah. "Kilala natin si Dia di sya maggaganun kung wala kang ginagawa" pang aasar pa ni Oliver. "Tama tama hahaha siguro naman di si Dia nakausap mo baka duplicate nya lang" "Gago anong akala mo kay Dia susi?" Singit naman ni Oliver at natawa kami. Mga kaibigan ko ba talaga ang mga to? Grabe kasi sila mang asar parang walang bukas -_- "Oo nga pala sabi ni manager may taping daw tayo for TV guesting" singit naman ni Oliver. "Hala pano yan nandito ako sa US?!" "Edi problema mo na yan hahahaha" "Kayong dalawa kaibigan ko ba talaga kayo?" "Oo hahahaha" Napailing na lang ako at kinuha ko ang phone ko saka ko tinawagan si manong. "Manong pabook mo naman ako ng ticket pauwi ng pinas" "Bakit? Nag away na naman ba kayo ni Ash?" "Naku hindi po kailangan ko kasi po may taping ako bukas" "ah sige po" At saka nya inend ang call at tumingin ulit sa laptop ko. "Kita na lang tayo gabi na dito" sabi ni Oliver at umoo naman kami. Namimiss ko na si Rish. Makapunta na nga lang mamaya sa mall para bumili ako ng pasalubong sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD